backup og meta

Sibukaw: Ano Ang Benepisyo Ng Halaman Na Ito?

Sibukaw: Ano Ang Benepisyo Ng Halaman Na Ito?

Nakakita ka na ba ng Sibukaw o Sappan wood? Ito ay mas kilala bilang alingatong, mga pinag putol-putol na sanga ng puno at karaniwang binebenta sa mga bangketa bilang halamang gamot

Ang punong ito ay katutubo sa Pilipinas partikular sa lalawigan ng Negros Oriental. Ito ay kadalasang matatagpuan sa mga malilim na lugar sa tabi ng mga ilog.

Saan Ginagamit Ang Sappan Wood?

Produkto Sa Kalakalan

Ito ay isang pangunahing produkto sa kalakalan noong ika-17 siglo. Ang sappan wood ay produktong pang-export ng Thailand at ibang bansa sa Timog-silangang Asya, patungo sa Estados Unidos at Europa.

Katutubong Gamot

Ang sibukaw ay kadalasang ginagamit bilang isang katutubong gamot. Sa isang phytochemical screening, napag-alaman na ito ay nagtataglay ng:

  • Flavonoids
  • Phenolic compounds
  • Tannins
  • Saponin
  • Protein
  • Oxalic acid

Pangkulay Ng Tela

Kapag matagal na nalantad sa liwanag, hangin, at init, nagiging brick red ang kulay nito kung kaya ginagamit din itong pulang pangkulay. Sa katunayan, ito ay sikat na pangkulay ng mga katutubong tela. Maaaring permanenteng makulayan ng Sappan wood Extract ang damit, countertop, rug, kagamitan, o iba pang ari-arian. 

Nagbibigay ito ng maraming posibilidad sa pagtitina dahil maaaring baguhin sa maraming paraan ang kulay nito. Pwedeng maging purple kapag nalagyan ng soda ash, at steel blue naman kapag may copper. Ito ay isang kapakipakinabang na natural na pangkulay lalo na sa gustong mag-eksperimento.

Pang Subok Ng Lambanog

Ang sibukaw ay tanyag sa lalawigan ng Quezon kung saan ginagamit ito na pangkulay para sa coconut liquer o lambanog. Nagbiibigay ito ng dilaw na kulay sa lambanog, isang nakakalasing na inuming nagmula sa katas ng hindi pa nabubuksang bulaklak ng niyog. Ang strip nito ay kapaki-pakinabang din na pang subok ng kadalisayan ng lambanog.

Halos lahat ng parte ng punong ito gaya ng buto, kahoy at dahon ay may katangiang panggamot. Ang sappan wood ay nagtataglay ng mga medikal na katangian kung kaya ito ay mabisa laban sa iba’t-ibang uri ng sakit.

Mga Medikal Na Benepisyo Ng Sibukaw

Anti-Microbial

May katangian laban sa mikrobyo ang pinakuluang tubig na may shavings ng sappan wood. Iyon ay dahil ang kahoy mismo ay may methanol na maaaring humadlang sa methicillin-resistant Staphylococcus aureus bacteria, na nagiging sanhi ng mga impeksyon sa balat, kasukasuan, at pagkalason sa pagkain.

Antioxidant

Maaaring makakuha ng antioxidants sa tsaa subalit mayroon itong caffeine na maaaring magdulot ng masamang epekto. Ang tsaa na gawa sa alingatong ay makapagbibigay din ng kinakailangang antioxidants laban sa mga free radicals.

Anti-Acne

Ang tubig ng sibukaw ay sinasabing epektibo laban sa acne kapag ginamit na panghugas ng mukha. Ang pulang pigment na matatagpuan sa katas ng punong ito ay may kakayahang lumaban sa Propionibacterium acnes, isang bacteria na nauugnay sa acne at pamamaga ng mga talukap ng mata.

Anti-Allergy

Problema mo ba ang nakakairitang allergy? Maaari mong ikonsidera ang tubig na binabaran ng sibukaw.  Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga compounds na taglay nito gaya ng sappan chalcone ay may makapangyarihang anti-allergic properties.

Gamot Sa Dysmenorrhea

May mga pag-aaral na nagsasabi na ang punong ito ay may kakayahang maibsan ang mga gynecological na sintomas gaya ng dysmenorrhea at amenorrhea. Ang dysmenorrhea ay sakit na maaaring maramdaman dahil sa cramps tuwing may regla ang babae. Ang amenorrhea naman ay kawalan ng regla.

Kalusugan Ng Puso

Maraming mga pag-aaral ang nag-ulat ng dulot na proteksyon ng mga bioactive compounds ng  sibukaw. Ang pulang pigment sa kahoy ay nagpapababa ng pinsala sa puso at nagpapahusay ng vasorelaxation.

Anti-Convulsant

Ang extract ng sibukaw ay isang anti-convulsant na maaaring maka benepisyo sa mga dumaranas ng kombulsyon dahil sa epilepsy. Ito malawakang ginagamit para sa folk medicine ng Tsina para sa paggamot ng ischemic cerebral stroke. Gayunpaman, ang detalyadong pinagbabatayan ng pharmacological mechanism nito ay nananatiling iniimbestigahan.

Matuto pa tungkol sa Alternatibong Medisina dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Sibukao (Caesalpinia sappan L.): a multipurpose tree [Philippines] [1985], https://agris.fao.org/agris-search/search.do?recordID=PH871034888, Accessed July 7, 2022

Caesalpinia sappan: A promising natural source of antimicrobial agent for inhibition of cariogenic bacteria, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/30224592/, Accessed July 7, 2022

Antibacterial Activity of Sappan Wood (Caesalpinia sappan L.) against Aggregatibacter actinomycetemcomitans and Porphyromonas gingivalis, https://www.sysrevpharm.org/articles/antibacterial-activity-of-sappan-wood-caesalpinia-sappan-l-against-aggregatibacter-actinomycetemcomitans-and-porphyromon.pdf, Accessed July 7, 2022

Sappan (Caesalpinia sappan) Seeds in the Control of Cockroach (Periplenata americana), http://www.ijpmbs.com/uploadfile/2019/1010/20191010103900908.pdf, Accessed July 7, 2022

Protective Effects of Caesalpinia sappan Linn. and Its Bioactive Compounds on Cardiovascular Organs, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC8479160/#:~:text=sappan%20in%20relation%20to%20treatment,cardiac%20damage%20and%20enhance%20vasorelaxation., Accessed July 7, 2022

Brazilin from Caesalpinia sappan heartwood and its pharmacological activities: A review, https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S1995764515000541, Accessed July 7, 2022

Kasalukuyang Version

12/06/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Herbal na Tsaa, Anu-ano ang Naitutulong Nito sa Kalusugan?

Herbal Na Pampapayat: Heto Ang Ilan Na Maaari Mong Subukan


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement