backup og meta

Tatlong Halamang Gamot Sa Fungi, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Tatlong Halamang Gamot Sa Fungi, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Ang sakit sa balat na tinatawag na fungal infection ay sanhi ng fungi na pwedeng matagpuan sa halaman, bahay, o sa iyong mismong balat. Kapag hindi nabigyan ng tamang treatment ang fungal infection ay maaari itong magdulot ng iba’t ibang problema sa balat gaya ng rashes. Kaya naman ang initial reaction ng ilang mga tao ay maghanap ng halamang gamot sa fungi, dahil sa mga kilalang benepisyo ng maraming herbal medicine sa paggamot ng iba’t ibang uri ng sakit at kondisyon.

Pero bago natin pag-usapan ang mga halamang gamot sa fungi na pwede nating gamitin sa fungal infection, alamin muna natin ang mahahalagang impormasyon sa fungal infection.

Ano Ang Fungal Infection?

Ang fungal infection ay isa sa mga sakit sa balat na dulot ng fungi. Ang fungi ay mga maliliit na organismo na pwedeng matagpuan at makita sa ating mga kapaligiran. Kinakailangan mong mag-ingat na makakuha ng mga organismong ito dahil ang ilan sa kanila ay pwedeng magdulot ng impeksyon. Gayunpaman, tandaan mo rin na hindi lahat ng fungi ay mapanganib at nakakapinsala.

Ano Ang Dahilan Ng Fungal Infections?

Ang mga taong may mahinang immune system ang prone sa pagkakaroon ng fungal infection. Ipinapayo sa kanila ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para maiwasan ang sakit na ito. 

Gayunpaman, narito pa ang ilan sa mga sanhi ng fungal infection:

  • Sobrang katabaan o obesity
  • Pag-take ng mga antibiotic at corticosteroids sa mahabang panahon
  • Pagkakaroon ng chronic illnesses gaya ng AIDS, kanser, diabetes, at iba pa.

Saan Pwedeng Makuha Ang Fungal Infection?

Narito ang listahan ng mga posibleng pagkuhanan ng impeksyon:

  • Pampublikong swimming pool
  • Public washroom o pampublikong palikuran
  • Pagtatapak ng madalas
  • Hindi pagpapalit ng medyas kapag pinagpawisan na
  • Paggamit ng damit at tuwalya ng ibang tao
  • Hindi nakakahinga ang iyong mga paa sa suot na sapatos o sandals

Ano Ang Mga Sintomas Ng Fungal Infection?

Maaaring may fungal infection ang isang tao kapag mayroon siya ng mga sumusunod:

  • Nangangalikiskis na balat
  • Nangangati ang balat
  • Nagkakaroon ng butlig ang balat
  • Namamaga ang balat
  • Namumula ang balat

Pwede mong makita ang fungal infection sa iba’t ibang bahagi ng ating katawan, pero madalas na makikita isa sa mga sumusunod:

  • Talampakan
  • Sa mga maseselang bahagi ng ating katawan
  • Kuko sa paa at kamay

Ano Ang Mga Maaaring Treatment Sa Fungal Infection?

Kapag ikaw ay nagpasuri sa doktor maaaring bigyan ka nila ng mga reseta at antifungal creams na mabibili sa mga botika. Ngunit sa ilang mga pagkakataon, ang mga tao ay gumagamit ng ilang mga halamang gamot sa fungi para sa paggamot. Subalit, dapat mong isaisip na hindi ka dapat basta-basta gumamit ng mga herbal medicine na hindi aprubado o hindi ipinayo ng iyong doktor upang maiwasan ang anumang karagdagang problema sa kalusugan.

halamang gamot sa fungi

Halamang Gamot Sa Fungi: Aloe Vera

Ang aloe vera ay mayaman sa antioxidants at antibacterial properties na pwedeng makatulong sa sakit sa balat. Dagdag pa, ang pulp ng aloe vera ay nagtataglay ng mga compound na kayang labanan ang Candida albicans strain. Hindi lang nito napapawi ang impeksyon sa balat, kundi nakakatulong din ito sa pagsasaayos muli ng mga nasirang balat.

Halamang Gamot Sa Fungi: Neem Leaves

Mabisa ang neem leaves (Azadirachta indica) para sa mga impeksyon na dapat mong tugunan dahil sa 2 pangunahing medical compounds na taglay nito — ang nimbidol at gedunin. Kilala ang 2 medical compounds na ito sa pagpatay ng fungus. 

Para magamit ang mga benepisyo nito pwede mong gamitin ang neem leaves para hugasan ang iyong balat na nagtataglay ng fungal infection.

Halamang Gamot Sa Fungi: Bawang

Kilala ang bawang bilang antifungal at antimicrobial herbs, kung saan ang mga taong kumakain ng bawang sa kanilang palagiang pamumuhay ay bihira na magkaroon ng fungal infections. Dagdag pa rito, malaki rin ang maitutulong ng bawang sa pagpapanatili at pagpapabuti ng ating immune system.

Paano Maiiwasan Ang Fungal Infection?

Para maiwasan ang fungal infection dapat mong siguraduhin na napapanatili mo ang kalinisan ng iyong katawan at mayroon kang malusog na pangangatawan at resistensya.

Key Takeaways

Sa oras na makita mo na may mga sintomas ka ng fungal infection huwag kang mag-self diagnose. At hindi mo rin dapat subukan na i-diagnose ang ibang tao. Ang hakbang na mainam gawin ay magpakonsulta agad sa doktor para sa wastong diagnosis at treatment. Kapag hindi naging tama ang paggamot, pwedeng mahirapan ka sa’yong paggaling mula sa impeksyon. Hindi ka rin dapat basta-basta gumamit ng halamang gamot na walang gabay ng doktor dahil ang mabisa para sa iba ay maaaring hindi angkop para sa’yo.

Matuto pa tungkol sa Alternatibong Medisina dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Herbal medicines for treatment of fungal infections: a systematic review of controlled clinical trials, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/15078424/, Accessed August 2, 2022

5 Amazing Home Remedies for Fungal Infections, https://www.iafaforallergy.com/blog/5-amazing-home-remedies-for-fungal-infections/, Accessed August 2, 2022

Fungi, https://microbiologysociety.org/why-microbiology-matters/what-is-microbiology/fungi.html, Accessed August 2, 2022

Fungal Infections: Protect Your Health, https://www.cdc.gov/fungal/features/fungal-infections.html, Accessed August 2, 2022

Skin Fungus, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/4276-skin-fungus, Accessed August 2, 2022

Fungal Infections, https://medlineplus.gov/fungalinfections.html#:~:text=Some%20fungi%20reproduce%20through%20tiny,immune%20system%20or%20take%20antibiotics, Accessed August 2, 2022

Kasalukuyang Version

12/20/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Sakit Sa Katawan: Anu-Ano Ang Mga Mabisa?

Halamang Gamot Sa Mahina Ang Baga, Anu-Ano Nga Ba?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement