backup og meta

Benepisyo Ng Acupressure: Alamin Ang Mga Ito Dito

Benepisyo Ng Acupressure: Alamin Ang Mga Ito Dito

Narinig mo na ba ang acupressure? Ang Acupressure ay batay sa tradisyon ng Chinese ng pagpapagaling na may napakahabang kasaysayan. Ano ang maitutulong nito sa iyo? Ano ang mga benepisyo ng acupressure? Dito, unawain ang basics ng acupressure, kung anong mga kondisyon ang maaari nitong gamutin. Gayundin kung may anumang mga panganib sa pagsubok sa alternatibong therapy na ito.

Ano Ang Acupressure?

Ang Acupressure ay bahagi ng tinatawag na Traditional Chinese Medicine (TCM). Ito ay siyang katawan ng kaalaman at mga sining ng pagpapagaling na ginagamit sa China sa loob ng libu-libong taon. Halos kapareho ito ng acupuncture at kung minsan ay itinuturing na acupuncture nang hindi gumagamit ng mga karayom. Sa halip na mga karayom, ginagamit ng acupressure ang paglalapat ng presyon sa ilang mga bahagi ng katawan.

Ang acupressure, kasama ang acupuncture, ay nakatanggap ng maraming atensyon sa Western medikal at siyentipikong mga lupon. 

Ano Ang Teorya Sa Likod Ng Acupressure?

So, ano ang ideya sa likod ng acupressure? Ano ang mga benepisyo ng acupressure at paano nito napapabuti ang pangkalahatang kagalingan? 

Ang Tradisyunal na Chinese Medicine ay nakakabit sa paniniwala ng balanse, pagkakaisa, at enerhiya ng buhay. Ang enerhiya ng buhay na kilala bilang Qi ay dapat na dumaloy sa buong katawan.

May dalawang panig ang Qi dito: 

  • Yin na negatibo 
  • Yang ay positibo.

Pinaniniwalaan na ang lahat ng bagay sa mundo ay may dalawang magkasalungat na panig. Ang layunin ay magkaroon ng kumpletong balanse at pagkakaisa. Kapag nagawa mong balansehin ang dalawang panig na ito sa loob ng iyong katawan, ang mararamdaman mo ay malusog at normal.

Kapag may imbalance, ang pakiramdam ay maysakit. Ang layunin ng TCM ay ibalik ang balanseng iyon sa pagitan ng dalawang panig ng iyong Qi.

Ang Acupressure ay isa sa mga pangunahing kasanayan sa TCM na ginagamit mapanatili ang balanse ng Qi.

Paano Ito Gumagana?

Sa TCM, pinaniniwalaan na ang Qi ay dumadaloy sa mga channel sa buong katawan. Ang mga channel na iyon ay tinatawag na meridian. Pinaniniwalaan na ang mga channel na iyon ay nag-uugnay sa vital organs ng katawan ng tao.

Sa mga channel na iyon, may ilang partikular na bahagi na mabuting target ng karayom sa acupuncture. Ito din naman ang target ng pressure sa acupressure.

Dapat tandaan na ito ang pagkakatulad ng acupuncture at acupressure. Ang dalawang ito ay nagta-target sa points na iyon para kontrolin ang daloy ng Qi kasama ang meridians sa katawan. Dahil magkakaugnay ang mga meridian sa lahat ng vital organs ng katawan, ang pagkontrol sa Qi sa ilang partikular na bahagi ay maaaring may epekto sa isang organ na maaaring nasa ibang lokasyon. 

Ano Ang Mangyayari Sa Isang Acupressure Session?

Ginagamit ng mga practitioner ng acupressure ang kanilang mga kamay, siko, paa, at mga kagamitan para maglapat ng pressure sa katawan. Kung minsan ay ginagamitan din ng massage o stretching. 

Kung sasailalim ka sa isang acupressure session, kakailanganin mong humiga sa isang massage table. Ang kasunod ay sisimulan ng practitioner ang paglalagay ng pressure sa mga pressure point. Nakadamit ka ng buong session. Ang bawat session ay karaniwang tumatagal ng isang oras. Maaaring tumagal ng ilang session para magkaroon ng full effect at makuha ang benepisyo ng acupressure.

Habang ang layunin ng acupressure at TCM, sa pangkalahatan, ay ibalik ang balanse ng enerhiya ng buhay sa katawan, may mga nagmumungkahi na makakatulong din ito sa paggamot sa mind and spirit. Minsan iminumungkahi na ang practitioner ay mag-transmit ng vital energy  sa katawan ng pasyente sa bawat session. 

Hindi lahat ng practitioner ng acupressure ay naniniwala sa mas tradisyonal na mga claim. Marami ang nag-uugnay sa healing qualities ng practice at benepisyo ng acupressure sa iba pang mga dahilan tulad ng:

Marami ang nagsisikap na ipaliwanag ang tunay na mga benepisyo ng acupressure sa pamamagitan ng agham at pag-unawa sa katawan ng tao. Halimbawa, ang mga endorphins ay maaaring maging mga natural na pain relievers; at ang pag-acupressure ay maaaring aktwal na mag-stimulate sa paglabas nito.

Mga Kundisyon na Maaaring Gamutin ng Acupressure

May maliit na modern research sa acupressure at mga epekto nito. Ngunit ang research ay tila nagsasabi na maaari itong maging kapaki-pakinabang para sa ilang mga kondisyon. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga kondisyon na maaaring gamutin sa pamamagitan ng acupressure:

    • Pagduduwal. Tila ang acupressure ay mahusay para sa paggamot sa pagduduwal na dulot ng iba’t ibang dahilan kabilang ang pagkahilo, chemotherapy, at pagbubuntis.
    • Allergic rhinitis. Ang acupressure ay ginagamit para sa paggamot sa mga respiratory problem.
    • Osteoarthritis. Ito ang pinakakaraniwang uri ng arthritis. May mga magagandang resulta ng paggamot nito sa acupressure.
    • Pain. Ang acupressure ay nagpakita ng mga magagandang palatandaan ng pakinabang pagdating sa pag-alis ng sakit. Kasama dyan ang pananakit ng ulo at lower back pain

Ito ay ilan lamang sa mga kondisyon kung saan nagkaroon ng ilang siyentipikong pananaliksik na sinusuri ang epekto ng acupressure. Malinaw na higit pang pananaliksik ang kailangan para sa benepisyo ng acupressure.

Mayroon Bang Anumang Risks?

Overall, ang acupressure ay napakaligtas. Hindi mo kailangang mag-alala hangga’t nakikipag-ugnayan ka sa isang bihasang practitioner. Dapat mong tiyakin na nakikipagtulungan ka sa isang lisensyadong practitioner. Para sa anumang iba pang alalahanin, kumunsulta sa iyong doktor.

Key Takeaways

Ang Acupressure ay isang bahagi ng Traditional Chinese Medicine na may napakahabang kasaysayan. Dahil ito ay ligtas, dapat walang panganib o problema sa pag alam kung ano ang magagawa nito para sa iyo. Marami ring benepisyo ng acupressure sa kalusugan. Siguraduhin lamang na nakikipag-ugnayan ka sa isang sertipikado at lisensyadong practitioner.

Matuto pa tungkol sa Alternatibong Medisina dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Acupuncture, https://www.mayoclinic.org/tests-procedures/acupuncture/about/pac-20392763, Accessed July 20, 2020

What are endorphins, https://www.mcgill.ca/oss/article/you-asked/what-are-endorphins, Accessed July 20, 2020

Osteoarthritis, https://www.arthritis.org/diseases/osteoarthritis, Accessed July 20, 2020

Chinese Medicine, https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/chinese-medicine, Accessed July 20, 2020

Allergic Rhinitis: Your Nose Knows, https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/allergic-rhinitis-your-nose-knows, Accessed July 20, 2020

 

Kasalukuyang Version

12/16/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Halamang Gamot Sa Muscle Pain, Anu-Ano Kaya Ito?

3 Mga Halamang Gamot Sa Goiter, Anu-Ano Nga Ba Ito?


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement