backup og meta

Allergic rhinitis: Paano nagkakaroon nito, at ano ang maaaring gawin?

Allergic rhinitis: Paano nagkakaroon nito, at ano ang maaaring gawin?

Talagang nakakairita kapag nagluluha ang mga mata at ang ilong ay hindi tumitigil sa pagbahing. Ang mga ito ay mga sintomas na nauugnay sa pag-atake ng allergic rhinitis, na pangunahing nakakaapekto sa mga normal na function ng ilong. Alamin dito kung ano ang allergic rhinitis.

Maraming tao ang dumaranas ng allergic rhinitis pero kadalasan ito ay hindi pinapansin. Sa katunayan, 10% hanggang 30% ng populasyon sa mundo ay nahihirapan sa allergic rhinitis. Kung madalas kang may ganitong mga sintomas na tulad ng sa sipon, pagbahing, o pangangati, maaaring may allergic rhinitis ka.

Ang pag-unawa sa mga sanhi ng pag-atake ng allergic rhinitis ay maaaring ang unang hakbang para tuluyang mapangasiwaan ang mga sintomas.

Mga Uri 

Mayroong dalawang uri ng rhinitis, katulad ng allergic rhinitis, at nonallergic rhinitis.

Allergic Rhinitis: Nangyayari ang pag-atake ng allergic rhinitis kapag natukoy ng immune system ang harmless substances bilang intruders sa katawan. Ang reaksyon ng katawan sa intruder o “allergen” ang nagiging sanhi ng mga tipikal na sintomas na nauugnay sa allergic rhinitis. Halimbawa na ang runny nose at pagbahing. Ang allergic rhinitis ay may dalawang pangunahing uri:

  • Seasonal Allergic Rhinitis. Ang ganitong uri ng allergic rhinitis ay nangyayari sa mga panahon tulad ng spring, summer, o maging maagang taglagas. Ito ay kadalasang allergic reaction sa mold o pollen. 
  • Perennial Allergic Rhinitis. Pwede kang magkaroon nito kung nararanasan mo ang mga sintomas buong taon, maging anuman ang season. Ang ganitong uri ay ay madalas dahil sa allergy sa buhok ng pet, alikabok, mold, o ipis.

Nonallergic rhinitis. Ang ganitong uri ng allergic rhinitis ay walang kaugnayan sa allergy o immune system.

Allergic Rhinitis at Mga Sanhi Nito

Nagkakaroon ng allergic rhinitis kapag pumasok ang mga allergen sa katawan. Ito ay nagiging sanhi ng pamamaga ng ilong. Ang mga allergens ay harmless substances na pwedeng mag-trigger sa immune system na mag-overreact at magdulot ng allergic reaction. Ang mga karaniwang allergens ay:

  • Alikabok
  • Balahibo ng hayop kabilang ang balahibo ng aso o pusa
  • Amag
  • Pollen
  • Lason ng insekto
  • Ilang mga pagkain
  • Ilang mga gamot

Mga Palatandaan at Sintomas

Kung minsan, tinatawag na “hay fever” ang allergic rhinitis. Bagamat ang pag-atake ng allergic rhinitis ay hindi kinakailangang may lagnat. Ang mga sintomas ay maaaring mag-iba sa bawat tao, depende kung gaano kalubha ang kaso. Narito ang mga karaniwang palatandaan at sintomas ng allergic rhinitis:

  • Pagbahing
  • Pakiramdam na makating ilong, bibig, lalamunan, mata, o balat
  • Pag-ubo
  • Sipon o barado ang ilong
  • Pakiramdam ng pressure sa ilong
  • Sakit ng ulo
  • Sakit sa lalamunan
  • Namamaga o watery eyes
  • Mahina ang pang-amoy
  • Pangingitim sa ilalim ng mata
  • Pagkapagod
  • Postnasal drip

Nangyayari ang mga sintomas na ito sa ilang mga tao kapag na-expose sa allergens. Ang iba naman ay palaging nararanasan ang mga ito. Kung nagkaroon ka ng allergic rhinitis, ang pinakamahusay ay i-manage mo ang mga sintomas. Ito ay malamang na hindi ito ganap na mawawala.

Sipon o Allergic Rhinitis?

Ang mga sintomas ng Allergic Rhinitis ay madaling mapagkamalang karaniwang sipon. Narito ang ilang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng allergic rhinitis at sipon:

  • Ang karaniwang sipon ay magdudulot ng runny nose na may manipis o makapal na dilaw na discharge, kadalasang may kasamang sinat. Samantala, ang allergic rhinitis ay magdudulot ng runny nose na may manipis at malinaw na watery discharge.
  • Ang karaniwang sipon ay magsisimulang magpakita ng mga sintomas ilang araw pagkatapos ma-expose sa virus. Sa kabilang banda, ang allergic reaction (na magdudulot ng allergic rhinitis) ay agad na magsisimulang magpakita ng mga sintomas pagkatapos ng exposure sa isang partikular na allergen.
  • Tumatagal ng halos isang linggo ang karaniwang sipon, habang ang mga sintomas ng allergic rhinitis ay magpapatuloy hangga’t may pagkakalantad sa isang allergen.

Paggamot at Pamamahala

Karaniwan, ang pag-atake ng allergic rhinitis ay maaaring pangasiwaan sa bahay sa pamamagitan ng gamot. O siguraduhing maiiwasan mo ang mga pag-trigger hangga’t maaari. Gayunpaman, makabubuti rin ang pagpapatingin sa isang allergist o health practitioner kung nararanasan mo ang mga sumusunod dahil sa allergic rhinitis:

  • Hindi ka nag-e-enjoy sa iyong pang-araw-araw na gawain. Ang mga sintomas ng allergic rhinitis ay maaaring lumitaw anumang oras. At kung gaano katindi ang mga ito ay maaaring humadlang sa mga bagay na iyong kinagigiliwan o sa pagiging produktibo mo.
  • Hindi ka nakakatulog nang maayos. Dahil sa allergic rhinitis maaring manatili kang gising o putol putol ang pagtulog. Pwede itong magresulta sa fatigue o pagod.
  • Lumalala ang iyong hika. Para sa mga taong may hika ang allergic rhinitis maaaring magpalala ng mga sintomas na nauugnay sa hika.  
  • Nagkakaroon ka ng impeksyon sa tainga. Ang allergic rhinitis ay maaaring maging sanhi ng impeksyon sa tainga, lalo na sa mga bata.
  • Nagkakaroon ka ng sinusitis. Dahil ang mga daanan ng ilong ay masikip, ang allergic rhinitis ay maaaring maging sanhi ng pamamaga ng iyong mga sinus. Pagtagal ito ay maaaring humantong sa sinusitis.

Ang iyong doktor ay maaaring magmungkahi o magreseta ng mga sumusunod na paggamot para sa kung ano ang allergic rhinitis:

Intranasal Corticosteroids, na kilala rin bilang nasal sprays. Ang mga ito ay isa sa mga pinaka-epektibong paggamot para sa mga sintomas ng allergic rhinitis. Hindi tulad ng mga gamot na iniinom o tinuturok, ang intranasal corticosteroids ay bihirang magkaroon ng anumang side effect.

Antihistamines. Ito ang mga gamot na pinakakaraniwang ginagamit sa paggamot sa allergic rhinitis. Gumagana ang mga gamot na ito sa pamamagitan ng pagkontra sa histamine, na siyang nagiging sanhi ng allergic rhinitis reactions. Ang ilang antihistamine medications ay may mga side effect tulad ng antok o pagkatuyo sa ilong, bibig, at sa may mata.

Decongestants. Ito ay mga gamot na ginawa upang maibsan ang baradong ilong na sanhi ng allergic rhinitis. Hindi ginagamot ng ganitong uri ng gamot ang iba pang sintomas ng allergic rhinitis. 

Immunotherapy. Ang ganitong uri ng paggamot ay kadalasang ginagamit para sa mga hindi tumutugon sa ibang mga paggamot o nakakaranas ng mga negatibong epekto. Kasama sa mga uri ng immunotherapy ang mga allergy shot o sublingual tablets.

Pamamahala sa Iyong Mga Sintomas

Pagdating sa allergic rhinitis, ang pinakamahusay na magagawa mo ay subukang iwasan ang mga allergen trigger. Narito ang mga bagay na maaari mong gawin upang maiwasan ang allergic rhinitis flare-ups:

  • Panatilihing nakasara ang mga bintana lalo na kapag high-pollen season.
  • Manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari sa panahon ng high-pollen season.
  • Magsuot ng sunglasses o glasses kung nasa labas ka, upang maiwasang maiirita ng pollen ang iyong mga mata.  
  • Mag-invest sa dust-proof at mite proof na bed sheet at linen. Regular na labahan ang mga ito.
  • Hugasan ang iyong mga kamay pagkatapos ng playtime sa iyong pet.
  • Mag-mop at vacuum sa sahig madalas, at iwasan ang pagwawalis hangga’t maaari. Kapag nagwawalis, maaaring kumalat ang mga dust mite sa hangin.
Ang pag-atake ng allergic rhinitis ay nangyayari kapag ang katawan ay nagre-react sa mga allergens. Nagdudulot ito ng iba’t ibang sintomas na kadalasang nakakaapekto sa ilong, mata, lalamunan, o bibig. Ang kondisyong ito ay maaaring may mild hanggang sa malubhang sintomas na maaaring pamahalaan sa pamamagitan ng mga gamot o pag-iwas sa allergy mo.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Allergy Statistics, https://www.aaaai.org/about-aaaai/newsroom/allergy-statistics#:~:text=Worldwide%2C%20allergic%20rhinitis%20affects%20between,and%2030%20%25%20of%20the%20population.&text=Worldwide%2C%20sensitization%20(IgE%20antibodies),to%2040%25%20of%20the%20population.&text=In%202012%2C%207.5%25%20or%2017.6,in%20the%20past%2012%20months, Accessed July 20, 2020

Allergic Rhinitis, https://www.nhsinform.scot/illnesses-and-conditions/ears-nose-and-throat/allergic-rhinitis, Accessed July 20, 2020

Allergen, https://www.aaaai.org/conditions-and-treatments/conditions-dictionary/allergen, Accessed July 20, 2020

Allergic Rhinitis, https://familydoctor.org/condition/allergic-rhinitis/, Accessed July 20, 2020

Hay Fever: Symptoms and Causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/hay-fever/symptoms-causes/syc-20373039, Accessed July 20, 2020

Allergic Rhinitis: Treatment, https://www.nhs.uk/conditions/allergic-rhinitis/treatment/, Accessed July 20, 2020

Kasalukuyang Version

10/12/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

In-update ni: Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni

Jobelle Ann Dela Cruz Bigalbal, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement