backup og meta

Humidifier ba o air purifier ang makatutulong sa allergy?

Humidifier ba o air purifier ang makatutulong sa allergy?

Ang mga taong may mga allergy ay kailangang maging maingat sa hangin na kanilang nilalanghap. Dahil ang anumang irritant ay pwedeng mag-trigger ng atake. Ito ang dahilan kung bakit madalas may tanong na “ Mahusay ba ang humidifier para sa allergy o air purifier?” Alamin dito.

Alin ang mahusay para sa allergy, humidifier o air purifier?

Karaniwang napagkakamalan ng mga tao ang mga humidifier bilang mga air purifier at vice versa. Ito ay dahil, pareho silang nakakaapekto sa hangin na ating nilalanghap, bagaman ginagawa nila ito sa iba’t ibang paraan.

Pagdating sa allergy, kadalasang nalilito ang mga tao o may maling impormasyon kung mas mabuting gumamit ng humidifier o air purifier. Ano ang eksaktong ginagawa ng mga device na ito, at kailan mo kailangan ang isa o ang isa pa?

Ano ang humidifier at kailan mo kailangan ito?

Ang humidifier, tulad ng tawag dito ay pinapanatiling moist o mahalumigmig ang hangin. Ginagawa ito ng karamihan sa mga humidifier sa pamamagitan ng pag-evaporate ng hangin sa paligid. Gayunpaman, ang ilang mga humidifier ay nag-a-atomize o naghihiwalay ng mga patak ng tubig, na tumutulong sa pagtaas ng humidity o moisture sa hangin. 

Dahil gumagamit sila ng tubig, ang mga humidifier ay kailangang i-refill ng madalas, kung hindi ay matutuyo ang mga ito. Kaya mahalagang gumamit lamang ng distilled o kahit na pinakuluang tubig. Iwasan ang paggamit ng tubig mula sa gripo o chlorinated na tubig. Dahil maaaring naglalaman ito ng mga mapanganib na kemikal o kahit microorganism na maaaring malanghap.

Ang mga humidifier ay mayroon ding iba’t ibang laki. Para sa mas malalaking silid, mahusay ang mas malalaking humidifier. Ang mga maliliit na humidifier ay karaniwang ginagamit sa mga silid-tulugan, habang ang mas malaki ay ginagamit sa sala.

Makakatulong ang mga humidifier kung masyadong tuyo ang hangin sa iyong tahanan. Karaniwang ginagamit ang mga humidifier sa malamig na klima. Dahil ang tuyong hangin ay nagdudulot ng pangangati sa ilong, mata, lalamunan, at maging sa baga.

Ano ang air purifier at kailan mo gagamitin ito?

Taliwas sa kung ano ang humidifier, ang mga air purifier ay walang ginagawa sa moisture ng hangin. Ang ginagawa ng air purifier ay kinukuha ang hangin, pinadadaan ito sa isang filter na naglilinis nito, at pagkatapos ay ibubuga ito.

Tulad ng mga humidifier, may iba’t ibang laki ang mga air purifier. Ang maliliit ay mainam para sa mga silid-tulugan o mas maliit na silid, habang ang mga mas malaki ay pinakamahusay para sa paglilinis ng malaking halaga ng hangin, tulad ng sa sala o sa kusina. 

Ang isang dapat tandaan sa paggamit ng air purifier ay kailangan mong linisin ang air filter nang madalas. Para sa ilang air purifier may mga filter na maaari mong hugasan gamit ang sabon at tubig, habang ang iba ay gumagamit ng mas mahal na uri ng mga filter na kailangang palitan kapag sila ay marumi.

Ang benepisyo ng mga uri ng filter na iyon ay kadalasang sila ay mas epektibo sa pag-filter ng mga particulate sa hangin. Gayunpaman, may mga magagamit ngayon na mga filter na maaari ring mag-filter ng hangin, kahit na malamang na mas mahal ang mga ito.

Bagama’t ang mga air filter ay hindi dapat pamalit sa pagpapanatiling malinis at walang alikabok ng iyong tahanan. 

Alin ang mas mahusay para sa mga allergy?

Pagdating sa mga allergy, ang mga air purifier ay epektibo. Tumutulong lamang ang mga humidifier sa pagtaas ng air moisture, kaya wala silang ginagawa para sa alikabok, pollen, at iba pang allergens na maaaring nasa hangin.

Bagama’t maari ka ring gumamit ng mga humidifier kasabay ng mga air purifier. Ito ay mapapakinabangan kung nakatira ka sa dry area o nakakaranas ka ng pagkatuyo ng iyong mata, lalamunan, at ilong.

Pero kung naghahanap ka lang para mapabuti ang kalidad ng hangin, pinakamahusay na bumili na lang ng air purifier. Makakatulong ito sa iyo na huminga nang mas mahusay, at mabawasan ang posibilidad ng allergic reaction.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Air Filters, Dehumidifiers, and Humidifiers – Health Encyclopedia – University of Rochester Medical Center, https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=1&contentid=498, Accessed February 23, 2021

Air Purifier vs. Humidifier: Which One Do You Need? | Molekule Blog, https://molekule.science/air-purifier-vs-humidifier-which-one-do-you-need/, Accessed February 23, 2021, Accessed February 23, 2021

Which Do You Need – Air Purifier Or Humidifier? – Dr HVAC, https://www.drhvac.ca/blog/humidifier-vs-air-purifier/, Accessed February 23, 2021

Humidifiers and Indoor Allergies | AAAAI, https://www.aaaai.org/conditions-and-treatments/library/allergy-library/humidifiers-and-indoor-allergies, Accessed February 23, 2021

Should I Use an Air Purifier or Humidifier for Asthma? | Asthma.net, https://asthma.net/living/air-purifiers-vs-humidifiers/, Accessed February 23, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang First Aid Kapag Nakakaranas ng Anaphylaxis

Benepisyo ng Pagkakaroon ng Balbas, Alamin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement