
Mga Sakit At Problema Sa Ilong
Maliban sa pagkakaroon ng kaliwanagan at kaunawaan kung para saan ang iyong ilong, mahalaga rin na malaman ang maaaring mga sakit at problema sa ilong.
Sinusitis (Sinus Infection)
Bahagi ng ilong ang mga sinus at ang mga ito ay tumutukoy sa air-filled structures sa loob ng mga buto ng mukha. Naturingan ito na maraming tungkulin, kabilang ang pagiging cushion upang maprotektahan ang utak mula sa pinsala. Kung kaya, napakahalagang parte nito at kung ito ay magkaproblema, maaaring maapektuhan din ang ibang mga parte at pagkilos.
Kapag mayroong sinusitis ang isang tao, namamaga ang isa o higit pa sa mga sinus nito. Ito rin ay nagpapakita ng ilang mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
- Baradong ilong (nasal obstruction o congestion)
- Pagkabawas ng pag-amoy o panlasa
- Postnasal drip (maaaring makapal o kupas na nasal discharge/drainage)
Karaniwang sanhi nito ang pagbabara ng mga sinus openings dahil sa pamamaga. Samantala, ang pamamaga naman ay maaaring dulot ng viruses, bacteria, fungi, pati na rin ang mga nasal allergies.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap