Ang pag-iwas na ma-expose sa allergens ay susi sa pagpigil ng anumang allergy. Ang unang hakbang ay alamin kung ano ang allergy mo, pero hindi ito madali. Kadalasan, hindi malinaw kung ano ang nagti-trigger sa isang allergy. Ang allergy sa alikabok ay maaaring mahirap malaman dahil nakakalat ang alikabok sa paligid. Kung minsan, mahirap ding malaman ang partikular na allergy mo sa pagkain. Para malaman ang allergen o allergens mo, maaari kang bigyan ng isa o higit pang skin test sa allergy ng doktor mo. Narito ang lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa kanila.
Maaaring Maapektuhan ng Mga Gamot ang skin test sa allergy
Ikaw ba ay kasalukuyang may anumang uri ng gamot? Kung gayon, dapat kang gumawa ng isang listahan ng mga ito at ipakita sa iyong doktor. Ito ay kinakailangan dahil may ilang mga gamot na maaaring magtago ng allergic reactions. Kaya, ang mga resulta ng skin test sa allergy ay hindi magiging accurate. Bilang karagdagan, may ilang mga gamot na iniinom mo na maaaring magdulot ng allergic reaction kapag ginagawa ang allergy skin tests.
Kapag alam na ng iyong doktor ang mga gamot na iniinom mo, maaari nilang hilingin sa iyo na ihinto ang pag-inom nito sa loob ng 10 magkakasunod na araw. Para sa iyong sanggunian, narito ang isang listahan ng ilang mga gamot na maaaring magdulot ng hindi accurate na mga resulta ng skin test sa allergy:
- OTC antihistamines
- Asthma medication omalizumab
- Prescription antihistamine
- Tricyclic antidepressants
- Several heartburn medicines
Ano ang Mangyayari sa Unang Appointment
Kapag nagpasya kang magpasuri para sa mga allergy, ang allergologist, isang doktor na dalubhasa sa mga allergy, ay magsasagawa ng pagsusuri.
- Tatanungin ka para sa iyong medical history. Malamang na tatanungin ng allergologist kung mayroon sa mga miyembro ng iyong pamilya ang mayroon ding kasaysayan ng allergy (hal. pantal, allergic rhinitis, eczema).
- Magtatanong ang allergologist tungkol sa mga sintomas na iyong nararanasan at ang dalas ng mga ito. Maaari ka ring tanungin kung ano ang eating habits mo at workplace environment mo. Ang pag-alam nito ay makakatulong upang mabawasan ang sanhi ng iyong mga allergy.
- Sasailalim ka sa isang physical exam.
- Sasailalim ka sa allergy skin tests.
Ano ang Mangyayari Sa Mga Skin Test sa Allergy?
Pagkatapos ng unang appointment, maaari kang aktwal na suriin on the spot, at pareho ito para sa adults at mga bata. Pagkatapos nito, ipapakita ang mga resulta at susuriin ka batay sa kung ano ang ipinapakita ng mga resulta. Ipapaalam sa iyo ng allergist ang iyong diagnosis, sasabihin sa iyo kung ano ang iyong allergy, at magbibigay ng treatment plan upang makontrol ang mga allergy na ito.
May iba’t-ibang test na pwede mong pagpipilian. At dapat sumailalim ka sa kung ano ang tamang skin test sa allergy ang para sa iyo, base sa payo ng doktor mo.
Sa skin prick test:
- Ang allergologist ay maglalagay ng ilang maliliit na patak ng isang partikular na uri ng allergen sa ibabaw ng balat.
- Magtutusok o gagawa ng scratch sa balat ang allergologist pagkatapos ng bawat patak ng allergen.
- Ang isang maliit na pulang bukol ay lilitaw sa balat pagkalipas ng 15 hanggang 20 minuto — kung ikaw ay allergic sa alinman sa mga allergen na inilapat sa iyong balat.
Sa intradermal test:
- Ang allergologist ay mag-iniksyon ng kaunting allergen sa ilalim ng balat.
- Babantayan ng allergologist ang anumang mga allergic reactions sa balat.
Ang pagsusuring ito ay karaniwang ginagawa kapag ang iyong mga nakaraang skin test sa allergy ay nagpapakita ng negatibong resulta. Ginagawa ng isang allergologist ang pagsusuring ito kapag naghinala din sila na ikaw ay allergic sa isang partikular na allergen.
Sa patch test:
- Isang patch ang ilalagay sa balat. Ang mga patch na ito ay naglalaman ng isang maliit na halaga ng isang partikular na uri ng allergen.
- Ang patch na ito ay dapat na suot ng 48 hanggang 96 na oras at pagkatapos ng time period na iyon, kailangan mong bisitahin muli ang allergologist.
- Pagkatapos ay aalisin ng allergologist ang patch at susuriin ang balat para sa anumang mga allergic reactions.
Sa blood test:
- Gagamit ang allergist ng isang maliit na karayom at kukuha ng sample ng iyong dugo mula sa ugat sa iyong braso.
- Ang sample ng dugo ay itatago sa isang tube o isang vial.
- Ang prosesong ito ay tatagal ng mas mababa sa limang minuto.
- Kung ang mga resulta ay nagpapakita ng mataas na antas ng lgE, nangangahulugan na allergic ka sa isang bagay. Ang resultang ito ay hindi magpapakita ng kung anong uri ng allergen ang iyong allergy. Upang malaman kung anong uri ng allergen ang iyong allergy, isang partikular na pagsusuri sa lgE ang dapat gawin.
Ano ang ibig sabihin ng mga resulta?
Ang mga normal na resulta/negatibong resulta ay nangangahulugan na walang allergic reactions sa balat pagkatapos ng lahat ng pagsusuri sa skin test sa allergy. Gayunpaman, may mga bihirang kaso kung saan ang isang tao na nakakakuha ng negatibong resulta ay talagang allergic sa isang bagay.
Ang isang positibong resulta ng pagsusuri ay nangangahulugan na ikaw ay allergic sa isang bagay. Makikita ng allergologist ang maliit na pulang bukol na ito sa balat na tinatawag na wheal. Kung matindi ang allergic reaction sa balat, nangangahulugan iyon na sensitibo ka sa partikular na allergen na inilapat.
Key Takeaway
Ang pinaka madali at pinaka accurate na paraan para malaman kung allergic ka sa isang bagay ay ang mag-undergo ng serye ng skin sa test allergy. Maipapakita rin ng skin test sa allergy kung anong uri ng allergen ang allergy mo. Kaya malalaman ng allergologist kung anong uri ng treatment ang ibibigay para maiwasan ang allergic reactions.