Maraming pagbabago o problema ang nangyayari sa ating buhay. Kadalasan ito ay tungkol sa iyong sarili, pamilya, trabaho, komunidad at iba pa. Madalas ito ang mga sanhi ng tinatawag na stress. Ano nga ba ang stress at mayroon bang mga vitamins para sa stress?
Ano ang Stress?
Ang stress ay isang normal na reaksyon ng ating katawan kapag nakararanas tayo ng mga pagbabago o pagsubok. Hindi natin maiiwasan ang stress, lahat ay nakararanas nito, babae man o lalaki. Gayunpaman, mayroon naman mga vitamins para sa stress na maaaring makatulong.
Sintomas ng Stress
Katulad ng iba pang mga isyung pangkalusugan, ang stress ay mayroon din mga sintomas. Mahalagang malaman mo muna ang mga ito bago natin alamin ang mga vitamins para sa stress.
- Pananakit ng ulo, leeg, balikat at likuran
- Hirap sa pagtulog
- Kaunti o marami kumain
- Problema sa bahagi ng tiyan
- Pakiramdam na palaging pagod
- Mabilis na nagagalit o naiirita
- Kawalan ng gana sa pakikipagtalik
- Pananakit ng dibdib o pagbilis ng tibok ng puso
- Panginginig o pagkahilo
- Anxiety o pagkabalisa
- Depresyon
- Panic attacks
- Nahihirapang makapagpokus
Ilan lamang ang nabanggit upang malaman mo kung ikaw ay nakararanas na ng stress. Maaari din na kumonsulta sa doktor upang mas maunawaan ang iyong nararamdaman at mabigyan ka ng angkop na vitamins para sa stress.
Mga Vitamins para sa Stress
Ang pagkakaroon ng tamang pamumuhay tulad ng pagkakaron ng regular na ehersisyo, pagkakaroon ng sapat na tulog at pagkain ng masusustansyang pagkain ay mabisang panlaban sa stress. Gayunpaman, may mga vitamins din para sa stress na makatutulong.
1. B Complex Vitamins
Ang B Complex Vitamins ay naglalaman ng walong B vitamins. Ito ay vitamins para sa stress na makatutulong upang mapaganda ang kalooban at mabawasan ang stress ng isang tao sa pamamagitan ng pagpapababa ng lebel ng homocysteine o pagpapanatili ng lebel ng amino acid.
Batay sa isang pag-aaral na isinagawa, ang mga taong uminom ng vitamins na ito ay nabawasan ang sintomas ng stress sa trabaho tulad ng depresyon, mabilis na nagagalit o pakiramdam ng parating pagod.
2. Rhodiola rosea
Ito ay isang damo na tumutubo sa bahagi ng malalamig na bundok ng Europe at Asya. Ayon sa mga pag-aaral, nakatutulong ito panlaban sa mga sintomas ng stress tulad ng depresyon, pagkabalisa at pagkapagod.
Ang rhodiola ay maaaring likidong katas, powder o kapsula.
3. Melatonin
Ito ay vitamins para sa stress na mabisang gamitin kung ang sintomas ng iyong stress ay hirap sa pagtulog o pagkakaroon ng sobrang tulog.
Ang Melatonin ay isang natural na hormone na ginawa sa pineal gland. Ito ay nakatutulong sa pagkontrol ng iyong pagtulog at paggising sapagkat tumataas ang lebel ng hormone kapag madilim na upang mapabatid na matulog na at bumaba naman ito sa umaga kapag maliwanag upang magising.
4. Kava
Kilala ang Kava bilang seremonyal na inumin ngunit ito ay maaari mo rin mabili sa kapsula o powder. Ilan sa mga pag-aaral na nagsasabing maaaring maibsan nito ang pagkabalisa ng isang tao na sintomas ng stress dahil sa pagpapakalma na epekto nito. Gayunpaman, nangangailangan pa rin ito ng karagdagan pang pag-aaral.
5. Magnesium
Maaaring makatulong ang Magnesium sa sa mga taong banayad lamang ang stress. May ilang mga pag-aaral na nagsasabing nakatutulong ito sa pagpapababa ng lebel ng pagkabalisa at stress.
6. L-Theanine
Ang L-Theanine ay isang amino acid na karaniwang natatagpuan sa dahon ng tsaa. Ito ay nakatutulong upang mabawasan ang sintomas ng stress tulad ng pagbilis ng tibok ng puso sa tuwing mayroong nakaka-stress na gawain.
Ilan sa mga vitamins para sa stress na nabanggit ay nangangailangan pa rin ng payo ng iyong doktor bago ito inumin. Gayundin, mahalaga na kumonsulta pa rin sa iyong doktor upang malaman ang wastong dosage ng vitamins na dapat mong inumin o anong vitamins ang nararapat mong inumin.
Key Takeaways
Makatutulong ang pagkonsulta sa doktor upang maresetahan ka ng vitamins na angkop sa iyong mga sintomas.
[embed-health-tool-bmi]