backup og meta

4 Vitamins Na Makatutulong Magpabuti Ng Iyong Paningin

4 Vitamins Na Makatutulong Magpabuti Ng Iyong Paningin

Vitamins para sa mata kaya ang solusyon sa mga nanlalabong paningin? Marami sa mga isyu sa mata ang resulta ng kakulangan sa vitamins. 

Ang mga kakulangan sa partikular na mga vitamins ay maaaring magpataas ng panganib ng ilang mga kondisyon ng mata gaya ng:

Totoo na maaaring makuha ang mga vitamins na kailangan mo sa iyong diet. Subalit, kung hindi kayang matugunan ng mga pagkain ang pangangailan mo sa nutrisyon, dapat humanap ng ibang mapagkukunan nito.

Iminungkahi ng pananaliksik na ang ilang mga vitamins para sa mata ay maaaring magbigay proteksyon o mapabagal ang pag-unlad ng mga kondisyong ito. Narito ang mga vitamins na dapat mong inumin:

Vitamin A

Ang Vitamin A ay mahalaga para sa magandang paningin. Ito ay isang bahagi ng protina na rhodopsin, na nagbibigay-daan sa mata na makakita sa low-light conditions. Ayon sa American Academy of Ophthalmology, ang kakulangan sa bitamina A ay maaaring humantong sa kondisyong tinatawag na night blindness.

Sinusuportahan din ng Vitamin A ang cornea, na nagbibigay proteksyon sa panlabas na layer ng iyong mata. Kapag kulang sa Vitamin A, hindi sapat ang moisture ng mata mo upang manatili itong lubricated.

Saan nagmula ang Vitamin A para sa mata

Ang Vitamin A ay puno ng anti-oxidants na tumutulong mapabagal o baliktarin ang oxidative damage sa cells ng iyong katawan. Tinutulungan nito ang mata na makagawa ng pigments upang makakita sa buong spectrum ng mga ilaw.

Ito ay maaaring makuha sa mga pagkaing mayaman sa beta carotene. Ito ay isang uri ng plant pigment na tinatawag na carotenoids na taglay ng makukulay na gulay at prutas. Kapag kumonsumo ka ng mga pagkaing may ganitong pigments, nako-convert ito sa Vitamin A.

Kumain ng mga pagkaing mayaman sa Vitamin A gaya ng:

  • Carrots
  • Kamatis
  • Spinach
  • Lettuce
  • Broccoli
  • Kalabasa

Epekto ng kakulangan sa Vitamin A para sa mata

Ang kakulangan sa Vitamin A ay maaaring magresulta sa sumusunod:

  • Xerophthalmia-isang kondisyon na nakakasira ng cornea. Ito ang nangungunang sanhi ng maiiwasang pagkabulag ayon sa survey
  • Xerosis o corneal drying-abnormal na pagkatuyo ng balat at membranes sa mata
  • Corneal ulceration-ito ay isang bukas na sugat sa cornea 
  • Night blindness-kawalan ng kakayahang makakita ng maayos sa gabi o sa mahinang liwanag tulad ng sa isang restaurant o sinehan
  • Retinopathy-sakit sa retina

Vitamin B 

May mga ebidensya ng pananaliksik na ang mga taong may nakompromisong antas ng Vitamin B12 ay mas madaling kapitan ng age related macular degeneration (AMD). May pag-aaral sa South Korea na natagpuan ang ugnayan ng kakulangan sa Vitamin B3 o niacin at ng glaucoma. Sa mga taong may glaucoma, ang pagtitipon ng likido sa loob ng mata ay naglalagay ng presyon sa optic nerve. Sa paglipas ng panahon, maaari itong makapinsala sa nerve, na magreresulta sa pagkawala ng paningin.

Ang B Vitamins para sa mata gaya ng B6, B9 at B12 ay maraming benepisyo sa kalusugan ng mata. Maaaring bawasan ng mga vitamins na ito ang panganib ng pamamaga. Nakakatulong din ito na pigilan ang pag-develop ng sakit sa mata gaya ng AMD. 

Karamihan ay nakakaranas ng paglabo ng paningin habang tumatanda. Ayon sa isang pag-aaral, bumaba ng 34-41% ang panganib ng macular degeneration sa mga babaeng edad 40 pataas na uminom ng karagdagang Vitamin B12.

Mga pagkaing mayaman sa B Vitamins para sa mata 

Ang mga sumusunod na pagkain ay maaaring pagkunan ng B Vitamins:

  • Beans
  • Lentils
  • Oats
  • Yogurt
  • Mushrooms
  • Almonds
  • Mani
  • Isda
  • Berdeng dahon ng gulay
  • Itlog

Vitamin C

Ang Vitamin C ay nagbibigay proteksyon sa mata laban sa pinsala ng UV light. Habang ang konsentrasyon ng bitamina C sa mga mata ay bumababa ikaw ay tumatanda, maaari itong punan ng tamang diet, vitamins at supplements.

Nagbibigay proteksyon din ang Vitamin C laban sa oxidative damage, isang pangunahing dahilan sa pag-develop ng katarata na nauugnay sa edad: cortical at nuclear cataract. Ang mga cortical cataracts ay nabubuo sa mga gilid ng lens, habang ang mga nuclear cataracts ay nasa kaloob-looban nito.

Ang sumusunod na pagkain ay mayaman sa Vitamin C:

  • Orange at orange juice
  • Blackberries
  • Grapefruit juice
  • Kamatis
  • Papaya
  • Kale

Vitamin E

Ang Alpha tocopherol ay isang uri ng Vitamin E o vitamins para sa mata. Ito ay mayaman sa antioxidants na tumutulong labanan ang mga free radicals na pumipinsala sa mga tisyu sa buong katawan. Minsan, ang mga free radicals ay maaaring makapinsala sa mga protina sa loob ng mata na maaaring magresulta sa pagkakaroon ng cataracts.

Ayon sa isang pag-aaral, maaaring mabawasan ang panganib na magkaroon ng cataracts kapag dinagdagan mo ang pagkonsumo ng Vitamin E.

Mga pagkaing mayaman sa Vitamin E:

  • Almonds
  • Asparagus
  • Mani
  • Red bell pepper
  • Abokado
  • Olive oil
  • Kiwi

Pinapakita ng iba’t-ibang pananaliksik na ang mga vitamins para sa mata ay maaaring makatulong na bagalan o maibsan ang mga sintomas ng mga sakit sa mata. Gayunpaman, walang vitamins na makakapigil sa pag-develop ng mga sakit na ito. Makabubuting makipag-ugnayan sa iyong doktor bago uminom ng mga vitamins at supplements.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.webmd.com/connect-to-care/lasik/vitamins-for-your-eye-health, Accessed July 25, 2022

https://health.clevelandclinic.org/should-you-take-vitamins-for-eye-health/, Accessed July 25, 2022

https://www.medicalnewstoday.com/articles/326758, Accessed July 25, 2022

https://www.mountsinai.org/health-library/diseases-conditions/xerosis#:~:text=Dry%20skin%20occurs%20when%20your,the%20conjunctiva%20of%20the%20eye., Accessed July 25, 2022

https://www.pennmedicine.org/for-patients-and-visitors/patient-information/conditions-treated-a-to-z/corneal-ulcer, Accessed July 25, 2022

Kasalukuyang Version

09/23/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement