Mainam nga ba ang prutas para sa keto diet? Ito ang isa sa mga tanong ng maraming tao. Sapagkat sa diyetang ito, binibigyang-diin ang high-fat foods habang mahigpit na nililimitahan ang pagkonsumo ng carbohydrates. Nasa humigit-kumulang 60% hanggang 80% na calories ang pwedeng makuha, kapag sinusunod ang keto diet na dapat magmula sa taba.
Sa keto diet, pwede nitong paghigpitan kung anong uri ng pagkain ang kakainin kung magpasya ka para sa keto route. Subalit nangangahulugan ba ito, na hindi ka maaaring mag-take ng prutas kapag isasagawa ang full keto?
Ayon kay Jason Ewoldt, RDN, LD, isang wellness dietitian sa Mayo Clinic Healthy Living Program (HLP). Ang isang tunay na keto diet ay kinabibilangan lamang ng moderate amounts ng protina, at mas mababa sa 50 gramo ng carbohydrates sa isang araw.
Anong pagkain ang dapat iwasan para sa keto diet?
Ibinubukod o nililimitahan ng diyeta ang mga pangunahing pangkat ng pagkain (hal., grains, dairy, at ilang prutas at gulay). Ibig sabihin nito, mas mahirap makuha ang lahat ng kinakailangang nutrients, partikular ang fiber at B vitamins. Dahil dito, ang isang strict keto diet ay dapat isagawa sa ilalim ng dietetic supervision at consideration, kung saan ibinibigay ito na may supplementation ng mga multivitamin, kabilang ang trace minerals.
Sinabi ni Ewoldt na ang mga mani, buto, full-fat cheese at iba pang dairy products, plain Greek yogurt, non starchy, fibrous vegetables at oils, maging ang mas maliliit na dami ng karne, itlog at isda, ay nagiging mainstays ng keto diet.
Prutas para sa Keto Diet: Low carb fruit na bagay sa’yo!
Ang ilang prutas ay mababa ang carbs na maaaring magkasya sa isang well-rounded keto diet.
Prutas para sa Keto Diet: Avocado
Tandaan na ang isang 3.5-ounce (100-gramo) na serving ng avocado ay naglalaman ng humigit-kumulang 1.5 gramo ng net carbs. Mataas din ang mga ito sa vitamin K, folate, vitamin C, at potassium. Pwede mong hatiin sa kalahati ang isang avocado at kainin ito direkta. Para naman sa mabilis at madaling breakfast-on-the-go, o ihalo sa almond milk at cocoa powder, upang magkaroon ng isang mayaman at creamy smoothie.
Prutas para sa Keto Diet: Pakwan
Medyo mababa ito sa net carbs— naglalaman lamang ito ng 11 grams ng net carbs sa isang 1-cup (152-gram) na serving. Ang pakwan ay naglalaman din ng iba pang nutrients-kung saan, ito ay isang magandang source ng antioxidant lycopene.
Prutas para sa Keto Diet: Strawberry
Mababa sa carbs ngunit mataas sa fiber, pwedeng magkasya ang strawberries sa isang low carb o ketogenic diet. Sa katunayan, ang isang 1-tasa (152-gramo) na serving ng strawberries ay nagbibigay lamang ng 11.7 grams ng carbs at 3 grams ng fiber. Ang strawberries ay isang mahusay na mapagkukunan ng iba pang mga micronutrients, kabilang ang vitamin C, manganese, at folate.
Prutas para sa Keto Diet: Lemon
Makikita na ang lemon ay pwedeng maging isang mahusay na karagdagan sa ketogenic diet. Mayroong 4 na grams ng net carbs sa bawat prutas. Naglalaman din ang mga ito ng pectin, isang uri ng fiber na nauugnay sa ilang health benefits.
Prutas para sa Keto Diet: Kamatis
Ang mga kamatis ay madaling ipasok sa isang balanced ketogenic diet dahil sa significantly lower carb count na mas marami kaysa sa iba pang prutas. Sa isang tasa (180 grams) ng mga hilaw na kamatis-ito ay naglalaman ng 7 grams ng carbs at 2 grams ng fiber.
Prutas para sa Keto Diet: Raspberries
Masasabi na sa isang tasa na serving ng raspberries na 123 grams— ito ay naglalaman ng 7 grams ng net carbs. Mayaman sa vitamin C, manganese, vitamin K, copper, at antioxidants ang mga raspberry.
Prutas para sa Keto Diet: Peaches
Bumababa ang net carbs ng peaches, sa pamamagitan ng pagmo-moderate ng portion size, at pagpapares ng peaches sa iba pang low carb na pagkain. Maaaring ang prutas na ito ay fit sa isang malusog na keto diet, dahil ang mga peach ay mayaman sa vitamin C, vitamin A, potassium, at niacin.
Cantaloupe
Ang bawat serving ng cantaloupe ay medyo mababa sa net carbs, sapagkat may 12.7 grams ng carbs lamang ito at 1.5 grams ng fiber bawat tasa (156 grams). Dagdag pa, ang isang solong serving ay nagbibigay ng isang hearty dose ng folate, potassium, at vitamin K.
Star Fruit
Makikita na sa isang 1-cup (108-gram) na serving ng star fruit— ay naglalaman lamang ito ng 4.3 grams ng net carbs. Ang star fruit ay isa ring magandang source ng vitamin C, copper, potassium, at pantothenic acid.
Paano naman ang blueberries?
Ang mga blueberry ay pwedeng maging bahagi ng keto diet, lalo na kung ito ay hilaw. Gayunpaman, kailangan mong alalahanin ang iyong portion size. Bagamat ang ½ tasa (74 grams) ng hilaw na blueberries ay madaling magamit kung nagbibilang ka ng total carbs, pwede namang mas maging mahirap ang pagtutok sa net carbs.
Tandaan na ang hilaw na blueberry ay maaaring maging bahagi ng keto diet kung mananatili ka sa makatwirang portion size— na kalahating tasa na may kabuuang 74 grams. Ang iba pang produkto ng blueberries, tulad ng jellies o pie fillings, ay masyadong mataas sa asukal at carbs para sa keto.
Bagama’t ang karamihan sa mga kuwento tungkol sa keto diets ay madalas nagli-leave out sa prutas, mayroon pa ring mga prutas na mababa sa carbs ang pwedeng isama sa diyeta . Bukod sa pagiging mababa nito sa net carbs at pagkakaroon ng mataas sa fiber, marami sa mga ganitong uri ng prutas para sa keto diet ay nag-aalok ng mahahalagang bitamina, mineral, at antioxidant. Kung saan, ito ay supplement sa pangkalahatang kalusugan ng isang tao. Tulad ng karamihan sa mga bagay, ang mga prutas na ito ay pwedeng tangkilikin sa katamtamang paraan. Kasama ng isang seleksyon ng iba pang mga mababang carb na pagkain, para sundin ang mga prinsipyo ng keto diet.
[embed-health-tool-bmi]