backup og meta

Prutas Na Mataas Sa Calories, Alamin Kung Anu-ano Ang Mga Ito!

Prutas Na Mataas Sa Calories, Alamin Kung Anu-ano Ang Mga Ito!

Dapat bang iwasan ang prutas na mataas sa calories? Sa kabila ng reputasyon nito bilang kontrabida, ang calories ay hindi isang masamang bagay. Ito ay nagbibigay sa iyo ng enerhiya na kinakailangan para sa pang-araw-araw na gawain.

Dapat maintindihan na walang iisang pagkain ang may kapangyarihang magpataba o magpapayat. Ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang pag-balanse ng mga kinakain mo at kung gaano ka kaaktibo sa buong araw.

Ang mga pagkain na maraming fiber o protina, ay magpapadama sa iyo ng mas matagal na pagkabusog sa mas maliit na bilang ng calories. Huwag lamang tingnan ang bilang ng calories, kung hindi ang pangkalahatang benepisyo na dulot nito.

4 na prutas na mataas sa calories

Abokado

Ayon sa USDA, ang isang buong abokado ay mayroong 322 calories. Marami man ito sa biglang tingin, halos 107 calories lang naman ang aktwal na laman ng isang serving ng prutas na ito. 

Kung tutuusin, mabilis makabusog ang abokado dahil 73% nito ay tubig. Hitik din ito sa fat at fiber kung kaya mapapanatili kang busog ng mas matagal. Masarap man ito sa panlasa, kokonti lamang ang asukal nito kung kaya may mababa itong score sa glycemic index at hindi gaanong nakakapag pataas ng iyong blood sugar.

Mahalaga ang fiber na taglay ng avocado dahil maaari nitong:

  • Kontrolin ang gana sa pagkain
  • Pakainin ang good bacteria sa bituka
  • Bawasan ang panganib ng sakit sa puso at stroke
  • Maiwasan ang labis na katabaan
  • Bawasan ang panganib ng depression

Saging

Dito ka na sa saging kung prutas na mataas sa calories ang hanap mo. Ang isang medium na saging ay may humigit-kumulang 105 calories at tatlong gramo ng fiber. Ito ay magandang pagkunan ng vitamins gaya ng potassium. Tulad ng karamihan sa mga prutas, ang saging ay hindi pinagmumulan ng taba o protina, kundi carbohydrates lamang.

Kung ihahambing sa iba pang mga prutas, tulad ng mga berries, ang saging ay mas mataas sa calories. Dahil dito, sinasabi ng iba na hindi raw ito dapat kainin kung gusto mong magpapayat. Gayunpaman, makakabuti kung isama mo sa iyong diet ang saging dahil ito ay nakakabusog at masustansya.

Dried grapes: pasas, sultanas

May mga pinatuyong prutas na mataas sa calories gaya ng pasas at sultanas na parehong galing sa pinatuyong ubas. Ang 28 gramo na serving ng pasas ay mayroong 85 calories. Ang sultanas, na kadalasang tinatawag na golden raisins, ay mga pinatuyong green seedless grapes. Mayroong 302 calories sa bawat 100 gramo ng sultanas.

Ang pinatuyong ubas ay nagtataglay ng mga sumusunod:

  • B vitamins
  • Magnesium
  • Manganese
  • Copper
  • Potassium

Ayon sa pananaliksik, nakakatulong ang pinatuyong ubas gaya ng raisins at sultanas sa pagbawas ng panganib ng sakit sa puso. Posible ito sa pamamagitan ng pagpapababa ng blood pressure at ng blood sugar. 

Niyog

Ang niyog ay isa sa mga prutas na mataas sa calories. Ang isang medium-size na niyog ay may 1,400 calories, karamihan ay galing sa fats. Mapagkukunan rin ito ng iron, potassium, at fiber. Ang hindi minatamis na flaked coconut meat ay mayroong 185 calories.

Tinawag na “tree of life” ang niyog dahil halos lahat ng parte nito ay may halaga. Halimbawa, ang saturated oil na galing dito.Hindi man malusog para sa puso, hindi naman kasing mapanganib sa mantika na galing sa mga produkto ng hayop. Ang mantika ng niyog ay may 120 calories sa bawat kutsarita nito. 

Ang coconut milk ay may 445 calories , habang ang tubig ng niyog na isang sports drink ay may 45 calories lamang sa bawat tasa.

Masama bang kumain ng prutas na mataas sa calories?

Ngunit ano nga ba ang nasa calories at nagkaroon ito ng masamang reputasyon? Hindi masamang kumain ng mga pagkain na mataas sa calories gaya ng prutas. Bagkus, ang mataas o mababang pagkonsumo ng calories ay maaaring mauwi sa problemang pangkalusugan.

Ang calorie ay enerhiya galing sa mga pagkain at ito ay ginagamit mo upang paandarin ang iyong katawan. Ang sikreto dito ay ang pagpili ng de-kalidad na source ng calories, at ang pagkonsumo ng tamang bilang ng calories na kakailanganin ng iyong katawan.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.cdc.gov/healthyweight/healthy_eating/fruits_vegetables.html, Accessed July 26, 2022

https://www.pennmedicine.org/updates/blogs/metabolic-and-bariatric-surgery-blog/2019/april/are-bananas-good-for-weight-loss, Accessed July 26, 2022

https://health.clevelandclinic.org/can-you-eat-too-much-avocado/, Accessed July 26, 2022

https://fdc.nal.usda.gov/fdc-app.html#/food-details/171705/nutrients, Accessed July 26, 2022

https://www.medicalnewstoday.com/articles/318620, Accessed July 26, 2022

https://www.matherhospital.org/weight-loss-matters/should-you-go-nuts-for-coconut/, Accessed July 26, 2022

Kasalukuyang Version

10/05/2022

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement