backup og meta

Pagkaing Mayaman Sa Iodine: Top 5 Na Mapagkukunan Nito

Pagkaing Mayaman Sa Iodine: Top 5 Na Mapagkukunan Nito

Maraming pagkain ang mayaman sa iodine. Gayunpaman, halos isang-katlo ng mundo ay nasa panganib pa rin dahil sa kakulangan sa iodine. Ang sapat na iodine sa iyong diyeta ay nakakatulong na mapabuti ang iyong metabolismo, kalusugan ng iyong utak, at tamang hormone levels.

Ang iodine ay isang mahalagang trace mineral na hindi ginagawa ng katawan kaya dapat makuha sa pamamagitan ng pagkain o supplement. Ito ay natural na matatagpuan sa ilang mga pagkain at sa asin. Kailangan ito ng iyong katawan upang makagawa ng thyroid hormones na thyroxine at triiodothyronine. Kung walang sapat na iodine, hindi gagana ng maayos ang mga thyroid hormone na ito.

Mga pagkaing mayaman sa iodine

Ang kakulangan sa iodine ay maaaring humantong sa hyperthyroidism o hypothyroidism, mga kondisyon na may hindi magandang epekto sa iyong kalusugan. Makakatulong ang pag konsumo ng sumusunod na pagkain upang maiwasan ito.

Seaweed

Ang seaweed ay isa sa pinakamagandang pagkukunan ng iodine, at mababa pa sa calories. Gayunpaman, ang halaga ay maaaring mag-iba nang malaki, batay sa uri ng seaweed, ang rehiyon kung saan ito lumaki at ang paghahanda nito. Ang isang 10-grams serving ng pinatuyong seaweed, tulad ng nori na ginagamit sa sushi, ay may hanggang 232 mcg ng iodine. Ito ay higit sa 1.5 beses sa minimum na pangangailangan ng katawan sa pang-araw-araw. Mayaman din ito sa:

  • Antioxidants
  • Vitamins
  • Minerals

Dairy products

Ang mga dairy products ay pagkaing mayaman sa iodine. Gayunpaman, ang dami ng iodine sa gatas ay depende sa nilalaman na iodine ng pagkain ng baka. May epekto din dito ang paraan ng paggamit ng gatas. Napatunayan ng isang pag-aaral sa Amerika na lahat ng 18 brands na sinubukan ay may 88 mcg ng iodine sa bawat 8-ounce na baso ng gatas. May mga brands pa na umaabot sa 168 mcg ang iodine. Base dito, ang isang baso ng gatas ay may 58 hanggang porsyento ng recommended daily amount iodine. Maliban sa gatas, mayaman din sa iodine ang yogurt at keso. Ang isang tasa ng cottage cheese ay may 65 mcg ng iodine.

Iodized salt

Ang ordinaryong asin at ang iodized salt ay parehong mabibili sa Pilipinas. Ang iodized salt ay itinuturing na pagkaing mayaman sa iodine. Nagsimulang idagdag ang iodine sa pangkaraniwang asin upang makatulong na bawasan ang pamamaga ng thyroid gland o goiter. Mayroong humigit-kumulang 71 mcg ng iodine sa 1/4 kutsarita ng iodized salt. Ito ay 47% ng pang-araw-araw na inirerekomendang paggamit. Hindi inirerekomenda ang paggamit ng sobrang asin sa mga taong sensitibo dito dahil maaari itong magpataas ng blood pressure.

Scallops

Ang scallops ay hindi lamang masarap kainin, ngunit ito ay pagkaing mayaman sa iodine.  Nagbibigay ito ng 135 mcg ng iodine bawat serving, na katumbas ng 90% ng nirerekomendang kainin araw-araw. Kapaki-pakinabang rin ang scallops para sa kalusugan ng puso at sa central nervous system. Ang mga seafood ay mabuting pagkunan ng iodine dahil ina-absorb nila ang iodine na likas na nasa tubig dagat. Subalit, mas mataas ang iodine ng scallops kumpara sa hipon na mayroong 3 mcg sa bawat 3 ounces, katumbas ng 23% ng nirerekomendang kainin araw-araw. Mayaman din ang scallops sa selenium, zinc, at copper na mahalaga sa iyong kalusugan.

Itlog

Pagkaing mayaman sa iodine ang itlog maliban pa sa taglay nitong protein, healthy fats at iba’t-ibang vitamins at minerals,. Gayunpaman, ang karamihan sa mga taglay nitong nutrients ay makukuha sa pula ng itlog. Ang iodine ay idinadagdag sa chicken feed kung kaya mayaman ang itlog sa iodine. Ngunit dahil hindi magkapareho ang nilalagay na iodine sa bawat pagkain ng manok, ang taglay na iodine ng itlog ay maaari ding pabagu-bago. Ang isang nilagang itlog ay nagbibigay ng humigit-kumulang 26 mcg ng iodine.

Key Takeaways

Ang iodine ay isang mahalagang mineral para sa pag-regulate ng thyroid gland and function. Kung walang sapat na iodine, maaaring makaranas ang mga tao ng mga problema sa kalusugan tulad ng pagtaas o pagbaba ng timbang, labis na pagkapagod, pagka lagas ng buhok, tuyong balat, at kapansanan sa pag-iisip. Ayon sa National Institute of Health, ang nirerekomendang paggamit ng iodine sa bawat araw ay 150 mcg lamang.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

07/24/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement