backup og meta

Anu-Ano Ang Mga Pagkain Para Sa Utak? Alamin Dito

Anu-Ano Ang Mga Pagkain Para Sa Utak? Alamin Dito

Ilang minuto mo ng tinitignan ang iyong takdang-aralin ngunit wala ka pa ring nasisimulan para rito. Sinabihan ka na ng iyong nanay na magmeryenda ka muna upang gumana ang iyong utak dahil wala rin daw saysay na tutukan ang gawain kung wala ring laman ang tiyan. Kung gayon, anu-ano ang mga pagkain na maaari mong kainin upang mapalakas ang iyong memorya? Ating talakayin ang kahalagahan ng pagkain para sa utak sa artikulong ito. 

Importansya Ng Pagkain Para Sa Utak

Matagal ng pinaguusapan ang ugnayan ng mga partikular na sustansya at kung paano ito nakaaapekto sa pag-iisip at maging sa mga emosyon. Sa katunayan, napatunayan ng mga makabagong paglalarawan ng mga impluwensya ng dietary factors ang mga mahahalagang mekanismo na responsable para sa pagkilos ng diyeta sa brain health at mental function. Para sa mga taong nasa hustong gulang na, karaniwang bumubuo ng halos 20% oxygen ang kanilang utak. Ito ay nangangahulugang mga calories na nakokonsumo ng katawan. Kung kaya, nangangailangan ng mga pagkain para sa utak upang mapanatili ang konsentrasyon at matalas na memorya.

5 Pagkain Para Sa Utak

Narito ang ilan sa mga pagkain na maaari mong ikonsidera para sa iyong brain health at mental function:

1. Mga Seafood

Nangunguna sa listahan ng mga pagkain para sa utak ang mga seafood na kadalasan namang naihahain sa ating mga hapag-kainan. Ito ay nagsisilbing mainam na brain fuel dahil nagtataglay ito ng omega-3 fatty acids. Ang mga omega-3 fatty acids ay kilalang bumubuo ng mga brain at nerve cells, na siyang mahalaga sa pag-aaral at memorya. Bukod pa rito, mainam din ang mga isda sa pagdagdag ng grey matter o ang sangkap na responsable sa pagproseso ng memorya sa utak. 

Nakatutulong din ang pagkain ng mga ito upang mapabagal ang age-related mental decline at maiwasan ang Alzheimer’s disease. Sa kabilang banda naman, ang hindi pagkuha ng sapat na omega-3 ay nauugnay sa mga learning impairments, pati na rin ang depression.

Ilan sa mga mamantikang isda na naglalaman ng mataas na antas ng omega-3 ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • Salmon
  • Tuna
  • Herring
  • Sardines
  • Mackerel 

Bukod sa mga isda, mayroon ding mga talaba at tahong na sagana sa naturang nutrisyon. 

2. Mga Kape At Tsaa

Karamihan sa mga taong naghahanap ng pampalakas ng enerhiya upang masimulan ang araw ay umiinom ng kape o tsaa.

Napatunayan ng isang pag-aaral na inilathala sa The Journal of Nutrition na ang mga kalahok na mataas ang konsumo ng caffeine ay nakakuha ng mataas na puntos sa mga pagsusulit tungkol sa mental function. Ayon sa iba pang pananaliksik, makatutulong din ang caffeine na taglay ng mga kape at tsaa upang mapatatag ang mga bagong alaala. 

Bilang karagdagan, pinagmumulan din ng mga antioxidant ang naturang inumin. Ito ay maaaring magbigay ng suporta sa kalusugan ng utak habang tumatanda ang isang tao. Iniuugnay ng isang pag-aaral ang panghabambuhay na pagkonsumo ng kape sa mababang panganib ng mga sumusunod na kondisyon:

  • Cognitive decline
  • Stroke
  • Parkinson’s disease
  • Alzheimer’s disease

3. Mga Berries

Katulad ng mga kape at tsaa, nagtataglay din ng mga antioxidants ang mga berries na mayroong mga positibong epekto sa utak, tulad ng mga sumusunod:

  • Pagpapabuti ng komunikasyon sa pagitan ng mga brain cells
  • Pagbabawas ng pamamaga sa buong katawan
  • Pagtaas ng plasticity, na tumutulong sa mga brain cells na bumuo ng mga bagong koneksyon; dahil dito, napapalakas din ang pag-aaral at memorya
  • Pagbabawas o pagpapaantala sa neurodegenerative diseases na nauugnay sa edad at cognitive decline

Kabilang sa mga pagkain para sa utak ang mga strawberries, blueberries, blackberries, mulberries, at iba pang uri ng berries. 

4. Mga Mani

Maaaring narinig mo na ang iba magsabi na ang mga mani ay pagkain para sa utak. Kung kaya, madalas nila itong kinakain. 

Ang mga mani ay mahusay na pinagmumulan ng protina, mga healthy fats, at antioxidants tulad ng vitamin E. Itong naturang bitamina na taglay ng mga sunflower seeds, hazelnuts, at almonds ay nagaambag sa pagpapabuti ng kognisyon. Bukod pa rito, mainam din ang mga ito upang mabawasan ang panganib ng Alzheimer’s disease.

Ayon sa isang pagaaral mula sa UCLA, nakatulong din ang mataas na pagkonsumo ng walnuts upang makakuha ng matataas na marka sa mga cognitive tests. 

5. Dark Chocolate

Syempre, hindi mawawala sa listahan ng pagkain para sa utak ang kinikilalang pinakamasustansiyang klase ng tsokolate. 

Ang dark chocolate ay nagtataglay ng cocoa o cacao na mayroong mga flavonoids. At ayon sa isang pananaliksik, mayroon daw itong brain-boosting effects. Bilang karagdagan, nababawasan ng 70% ang panganib na magkaroon ng mga sintomas ng depression para sa mga  taong madalas na kumain ng dark chocolate.

Key Takeaways

Isang bagay ang kumain upang malamnan ang tiyan, ngunit isa pang bagay ang pagpili ng mga masustansiyang pagkain para rin sa kalusugan ng iyong utak. Huwag ng magatubiling idagdag ang mga nabanggit sa iyong listahan para sa susunod na pagbili ng mga pagkain sa grocery!

Alamin ang iba pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Appraising the brain’s energy budget – Marcus E. Raichle and Debra A. Gusnard, https://www.pnas.org/doi/10.1073/pnas.172399499#body-ref-b1, Accessed July 28, 2022

Brain foods: the effects of nutrients on brain function – Fernando Gómez-Pinilla, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2805706/, Accessed July 28, 2022

Omega-3 Fatty Acids and their Role in Central Nervous System – A Review – Tomasz Wysoczański, Ewa Sokoła-Wysoczańska, Jolanta Pękala, Stanisław Lochyński, Katarzyna Czyż, Robert Bodkowski, Grzegorz Herbinger, Bożena Patkowska-Sokoła, Tadeusz Librowski, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26795198/, Accessed July 28, 2022

Novel insights into the effect of vitamin B₁₂ and omega-3 fatty acids on brain function – Richa Rathod, Anvita Kale, Sadhana Joshi, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26809263/, Accessed July 28, 2022

Effects of coffee/caffeine on brain health and disease: What should I tell my patients? – Astrid Nehlig, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/26677204/, Accessed July 28, 2022

Neuroprotective effects of berry fruits on neurodegenerative diseases – Selvaraju Subash, Musthafa Mohamed Essa, Ph.D., Samir Al-Adawi, Mushtaq A. Memon, Thamilarasan Manivasagam, and Mohammed Akbar, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4192974/,  Accessed July 28, 2022

Is there a relationship between chocolate consumption and symptoms of depression? A cross-sectional survey of 13,626 US adults – Sarah E Jackson, Lee Smith, Joseph Firth, Igor Grabovac, Pinar Soysal, Ai Koyanagi, Liang Hu, Brendon Stubbs, Jacopo Demurtas, Nicola Veronese, Xiangzhu Zhu, Lin Yang, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/31356717/, Accessed July 28, 2022

Dark chocolate (70% organic cacao) increases acute and chronic EEG power spectral density (μV2) response of gamma frequency (25–40 Hz) for brain health: enhancement of neuroplasticity, neural synchrony, cognitive processing, learning, memory, recall, and mindfulness meditation – Lee Berk, Josh Miller, Kristin Bruhjell, SAYALI Dhuri, KRISHA PATEL, Everett Lohman, Gurinder Bains, Ryan Berk, https://faseb.onlinelibrary.wiley.com/doi/abs/10.1096/fasebj.2018.32.1_supplement.878.10, Accessed July 28, 2022

Effects of Vitamin E on Cognitive Performance during Ageing and in Alzheimer’s Disease – Giorgio La Fata, Peter Weber, and M. Hasan Mohajeri, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4276978/, Accessed July 28, 2022

Foods linked to better brainpower, https://www.health.harvard.edu/healthbeat/foods-linked-to-better-brainpower, Accessed July 28, 2022

The Best Foods To Eat for Better Memory and Brain Health, https://health.clevelandclinic.org/foods-that-improve-memory/, Accessed July 28, 2022

Kasalukuyang Version

10/26/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Pagkain Para Sa Laging Puyat: Ano Ba Ang Mabisa?

Ano Ang Brain Gut Connection, At Ano Ang Kinalaman Ng Wastong Pagkain Dito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement