Maraming tao ang nakararanas ng pagduduwal at pagsusuka dahil sa iba’t-ibang rason. Ngunit mahalagang tandaan na ang mga ito ay hindi mga sakit. Sa halip, ang mga ito ay sintomas ng maraming sakit. Kung kaya, ang artikulong ito ay magbibigay ng mga pagkain para sa nagsusuka upang maibsan ang nararamdaman.
Ano ang Pagkakaiba ng Pagduduwal sa Pagsusuka?
Bago natin talakayin ang mga nakatutulong na pagkain para sa nagsusuka, ating alamin muna ano ang pagkakaiba ng dalawang pakiramdam.
Ang pagduduwal ay isang hindi mawaring pakiramdam sa tiyan na kadalasang kaakibat ng pagnanais na sumuka, ngunit hindi ito palaging humahantong sa pagsusuka.
Samantala, ang pagsusuka ay ang sapilitang o hindi sinasadyang pag-alis ng mga nilalaman ng tiyan sa pamamagitan ng paglabas nito gamit ang bibig. Ang ilang mga trigger na maaaring magresulta sa pagsusuka ay maaaring magmula sa iba’t-ibang parte ng katawan tulad ng mga sumusunod:
- Tiyan at bituka (impeksyon, pinsala, o food irritation)
- Panloob na parte ng tenga (pagkahilo o motion sickness)
- Utak (pinsala sa ulo, impeksyon sa utak, tumor, at pananakit ng ulo o migraine)
Maaaring mahirap kumain matapos makaranas ng pagduduwal o pagsusuka, ang mga pagkain, maging ang mga inumin, ay nakatutulong sa hydration, pagbabalik ng mga nawalang lectrolyte sa katawan, at pagaayos ng buong pakiramdam.
Ano-ano ang mga Pagkain Para sa Nagsusuka?
Hindi maiiwasan makaramdam ng gutom matapos mailabas ang mga kinain at mawalan ng laman ang tiyan. Kung kaya, narito ang ilan sa mga pagkain para sa nagsusuka na kabilang sa tinatawag na BRAT diet na maraming nagrerekomenda dahil ang bland food diet na ito ay hindi nakakairita sa tiyan.
Saging (Bananas)
Ang saging ay kilala bilang isang staple na pagkain na madalas inihahain sa lamesa. Hindi lang dahil sa ito ay madaling kainin, ito ay nagtataglay din ng iba’t-ibang nutrisyon tulad ng potassium na nagbabalik sa lakas at enerhiya ng isang tao matapos ito kainin.
Kanin (Rice)
Ang kanin ay isang mabilis na go-to fix kung ikaw ay nasusuka. Ito ay dahil wala itong lasa at tumutulong upang pakalmahin ang tiyan.
Ang mga bland, walang kulay, at walang amoy na pagkain tulad ng kanin at mga patatas ay mabisang kainin dahil sa mas mababa ang tiyansa na i-trigger muli ang tiyan kumpara sa mga pagkaing may matapang na lasa.
Mansanas (Applesauce)
Sikat ang applesauce bilang pagkain para sa nagsusuka at nagtatae. Napagalaman ng isang pag-aaral sa mga taong sumasailalim sa chemotherapy na ang isang magaan na bland diet kabilang ang applesauce, cottage cheese at vanilla ice cream ay nakatulong upang maibsan ang pagduduwal at pagsusuka.
Toast at Crackers
Madalas inirerekomenda ang mga dry food tulad ng crackers, pretzels, toasts, at cereals sa mga taong nakararanas ng pagduduwal pati na rin pagsusuka. Ang mga ito ay itinuturing na quick-fix na mga pagkain na hindi nangangailan ng masyadong paghahanda. Dagdag pa rito, ang mga ito ay walang matapang na amoy o lasa na makatutulong sa walang laman na tiyan at sumasakit na sikmura.
Maaari ring kumain ng mga pagkain tulad ng mga low-fiber strachy grains, mga hilaw na gulay at prutas. Ang mga mainam naman na pinagmumulan ng protina sa isang bland diet ay ang mga sumusunod:
- Skinless roasted o baked chicken
- Itlog
- Low-fat na gatas at yogurt
- Smooth peanut butter at iba pang mga nut butter
Mga Tips Upang Maibsan ang Pagsusuka
Bukod sa mga pagkain para sa pagsusuka, narito rin ang ilang mga tips upang maibsan ang pagsusuka:
- Uminom ng unti-unting malalaking halaga ng clear liquids.
- Umiwas sa solid food hanggang sa lumipas ang episode ng pagsusuka.
- Magpahinga.
- Pansamantalang itigil ng mga oral medications na maaaring makairita sa tiyan at magpapalala ng pagsusuka.
- Kumain ng mas maliliit na bahagi dahil mas madali itong matunaw at ma-digest sa katawan.
- Kumain ng maaalat na pagkain at iwasan ang sobrang matatamis na pagkain.
Key Takeaways
Kahit sino ay maaaring makaranas ng pagduduwal at pagsusuka, mapa-bata man o matanda. Kung kaya, mainam na maghanda ng mga pagkain para sa nagsusuka na madaling makuha lang para sa mga taong nakararanas nito sa bahay.
Alamin ang iba pa tungkol sa Tips sa Masustansiyang Pagkain dito.
[embed-health-tool-bmi]