backup og meta

Pagkain Para sa Immune System: Aling Filipino Foods Ang Mainam Dito?

Pagkain Para sa Immune System: Aling Filipino Foods Ang Mainam Dito?

Mahalagang laging malusog ang katawan buong taon lalo na sa panahon ng trangkaso. Ang pagpapalakas ng immunity ay may malaking kinalaman sa iyong food choices. Kaya mahalaga ang pagkain para sa immune system.

Ang pagkain na mataas sa bitamina, mineral at antioxidant na importante para sa mga function ng katawan ay maaaring epektibong palakasin ang immune system. Maraming pagkaing Filipino ang nagpapalakas ng immune system. Dapat alam natin ang mga pagkain para sa immune system upang mapalakas ang ating immunity.

Aling mga sangkap ang maaari mong gamitin para gawing mas malusog ang iyong paboritong lutong bahay?

Narito ang ilan sa mga pinakamahusay na pagkaing Pilipino upang palakasin ang immune system.

9 Pagkaing Filipino para sa immune system

Papaya

Nilaga, Tinola, o Ginisang Papaya, natikman na natin ang mga lutong bahay na ito na may papaya. Isa itong mainam na pagkain para sa immune system.

Ang papaya ay isang grocery staple sa bahay dahil pwede itong sangkap para sa masarap na pagkain, lalo na at ito rin ay sobrang masustansya.

Ang papaya ay mayaman sa vitamin C. Sa katunayan, naglalaman ito ng higit sa 200% ng pang-araw-araw na inirerekomendang halaga para sa isang tao. Iyan ay A+ para sa pagpapalakas ng iyong immune system!

Dagdag dito, ang papaya ay mayaman din sa bitamina A, folate, at potassium, na maaaring makatulong sa iyong paningin, mapahusay ang muscle strength, panatilihin kang hydrated, pabilisin ang iyong metabolismo, at mawala ang pagkabalisa at stress.

Dalandan

Ang Dalandan ay isang citrus fruit at tulad ng mga lemon, ito ay puno ng bitamina C na kilalang  antioxidant at immune booster. Dahil sa mga katangiang ito, ang dalandan ay mainam na pagkain para sa immune system.

Kainin itong sariwa o gawing juice para i-level up ang iyong diet at defenses. Tulad ng mangga, isa rin itong magandang source ng vitamin E.

Malunggay

Ang Malunggay o “Moringa” ay nagmula sa India. Kilala din ito sa buong Africa, South America, at Asia.

Ang Moringa ay isang kilalang superfood, lalo na pagdating sa natural na pagpapalakas ng immune system. Ito ay may 25 %  protina at puno ng fiber at iron.

Higit pa rito, ang Moringa ay  pitong beses na mas maraming bitamina C kaysa sa oranges at apat na beses na mas maraming bitamina A kaysa sa carrots

Dagdagan ang iyong Tinolang Manok ng Malunggay upang ang kalusugan mo ay humusay!

Turmeric o Luyang Dilaw

Alam ng sinuman na nagluluto ng curry na ang Turmeric ang pangunahing sangkap. Ito ang matingkad na dilaw na mapait ang lasa na ginagawang makulay ang curry at may kasamang sipa ng lasa at nutrisyon. Mabisa ang luyang dilaw bilang isang pagkain para sa immune system.

Importante sa pagpapanatili ng malusog na katawan ang pagtiyak na hindi ka madaling tamaan ng impeksyon, isa dito ay sa pamamagitan ng inflammation.

 Kaya naman, ang turmeric ay napakahusay para sa iyo.Ito ay puno ng curcumin, na isang malakas na antioxidant na tumutulong sa iyong katawan na ayusin ang mga pinsala at maiwasan ang pamamaga.

Para makagawa ng mas maraming pagkaing Filipino para mapalakas ang immunity, subukang magdagdag ng turmeric sa iyong Chicken Curry.

Luya

Talagang kasama ang luya sa listahan ng mga pagkaing Filipino para mapalakas ang kaligtasan sa sakit. Isa rin ito sa mga mabuting pagkain para sa immune system.

Ito ay hindi lamang dahil ang luya ay sangkap sa maraming lutong bahay, pero ito rin ay puno ng mga sustansya para mapanatili tayong malusog.

Ang luya ay ang sariwang root crop na ginagamit natin sa paggisa. Ginagamit  ito  sa pagluluto ng chicken curry,  Sinigang, Chicken Tinola at marami pang pamilyar na recipe.

Ang luya ay mahusay na anti-inflammatory, na nagpapalakas ng immune system. Kilala rin ito bilang diaphoretic, na tumutulong sa pagpapagaan ng mga sintomas ng trangkaso kung sa tingin mo ay may sipon  ka o nilalagnat.

Tinutulungan din nito ang  katawan na maglabas ng mga toxins sa pamamagitan ng pagpapawis. 

Maaaring gumawa ng salabat o magluto ng mas maraming pagkain na may luya, para ilayo ang sarili sa impeksyon.

Salmon

Naririnig natin ang omega-3 fatty acid sa internet, sa mga patalastas, at maging sa mga cookbook. Ito ay mabuti para sa iyong puso at sa iyong pangkalahatang kalusugan. 

Ang Omega-3 ay matatagpuan sa matatabang isda tulad ng Salmon.

Bukod sa mga benepisyo ng omega-3, naglalaman din ang salmon ng zinc, selenium, at bioflavonoid na tumutulong na pagalingin ang iyong katawan mula sa loob at tumulong na palakasin ang iyong immune system.

Makukuha ang masustansyang dose ng omega-3 fatty acid sa  pagkaing tulad ng Sinigang na Salmon.

Butternut Squash

Ang Butternut squash ay tiyak na kasali sa ating mga pagkaing Filipino para palakasin ang immune system.

Nagdaragdag ito ng perpektong lasa at texture sa Pinakbet, o pinaghalong gulay na pinasingaw sa hipon o patis.

Ang kalabasa ay may maraming vitamin A, vitamin C, magnesium, vitamin B6, at iba pang antioxidant compound. 

Ang pagsasama ng kalabasa sa iyong pang-araw-araw na pagkain ay hindi lamang nagbibigay sa iyo ng higit sa 100% ng pang-araw-araw na inirerekumendang dose ng vitamin A ngunit sinusuportahan din nito ang mga wastong paggana ng organ at pinapalakas ang iyong immune system.

Bell Peppers

Ang mga citrus fruits ay mga alternatibo para sa vitamin C. Dahil dito, isa ito sa mga mabuting pagkain para sa immune system. Alam mo ba na ang yellow at bell peppers ay doble na mas maraming vitamin C kaysa sa oranges?

Kaya naman kasali ang Bell Peppers sa ating mga pagkain na nagpapalakas ng immune system.

Kung gusto mo ng vitamin C, huwag kalimutang idagdag ito sa iyong Chicken Afritada.

Pechay

At ang pinakahuli sa ating listahan ay ang Pechay, isang paboritong strain ng repolyo sa Pilipinas.

Tulad ng lahat ng uri ng repolyo, isa itong magandang source ng protina, vitamin A, vitamin C, vitamin B6, calcium, iron, potassium, vitamin K, at iba pa.

Kaya naman, kung naghahanap ka ng natural na alternatibo sa iyong daily vitamins para maboost ang immune system, Pechay is your best bet.

Magdagdag ng pechay sa Bulalo, beef shanks o bone marrow stew na may mais at green vegetables. O para sa healthier meal araw-araw, idagdag ang Pechay sa stir-fried, garlicky tofu.

Isinalin sa Filipino ni Corazon Marpuri

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Moringa oleifera: A review on nutritive importance and its medicinal application https://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S2213453016300362 Accessed 19 May 2020
  2. “Spicing up” of the immune system by curcumin https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/17211725 Accessed 19 May 2020
  3. Are Eggs Good For You or Not? https://www.heart.org/en/news/2018/08/15/are-eggs-good-for-you-or-not Accessed 19 May 2020
  4. https://www.sciencedirect.com/topics/agricultural-and-biological-sciences/carica-papaya
  5. Use of Carnosine for Oxidative Stress Reduction in Different Pathologies https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4745351/ Accessed 19 May 2020
  6. Health Risks Associated with Meat Consumption: A Review of Epidemiological Studies https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/26780279 Accessed 19 May 2020
  7. Bioactive Compounds and Antioxidant Activity in Different Grafted Varieties of Bell Pepper https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4665466/ Accessed 19 May 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement