backup og meta

Ano Ang 5 Pagkain Pantanggal Hangover Na Pwede Mong Subukan?

Ano Ang 5 Pagkain Pantanggal Hangover Na Pwede Mong Subukan?

Mula sa simple hanggang magarbong okasyon, madalas hindi nawawala ang alak sa lamesa. Mas sumasarap ang kwentuhan at bonding dahil sa espirito na dala ng alak, kaya marami sa atin ang napaparami ang pag-inom nito na humahantong sa hangover. Kaugnay nito, marami ang naghahanap sa atin ng mga pagkain pantanggal hangover para guminhawa ang kanilang pakiramdam.

Ngunit bago natin alamin ang mga pagkain pantanggal hangover, alamin muna natin kung ano nga ba ang hangover at paano nagkakaroon ang isang indibidwal nito.

Ano Ang Hangover?

Ang hangover ay isa sa hanay ng mga sintomas na pwede mong maranasan dahil sa sobrang pagkonsumo ng alak. Maaaring masabi na may hangover ang isang tao kapag nakakaranas ng alinman sa mga sumusunod:

Ano Ang Iba Pang Mga Dahilan Ng Hangover?

Maraming epekto sa katawan ng tao ang sobrang pag-inom ng alak kaya nakakaranas ng hangover ang isang indibidwal.

Narito pa ang mga sumusunod na dahilan ng hangover:

  • Gastrointestinal irritation – Tandaan mo na naiirita ng alak ang lining ng ating tiyan at pinapataas nito ang paglabas ng acid. Pwede itong humantong sa pagduduwal at discomfort sa tiyan na sintomas ng hangover.
  • Tulog na putol-putol – Pwedeng makatulog nang mas mabilis ang mga tao pagkatapos uminom ng alak. Subalit kung ang kanilang pagtulog ay naging putol-putol maaaring mag-ambag ito ng pagkapagod sa kanila. 
  • Pagkawala ng tubig sa katawan – Sa pag-inom ng alak pinipigilan ng alkohol ang paglabas ng vasopressin. Ito ay isang hormone na ginawa ng ating utak na nagpapadala ng mga signal papunta sa ating kidney na nagreresulta ng pananatili ng likido na kailangan ring ilabas. Ito ang dahilan kung bakit napapadalas ang pag-ihi at ang sobrang pagkawala ng mga likido o tubig sa katawan. Malaki ang nagiging ambag ng pagkawala ng tubig sa katawan sa pagkakaroon mo ng mga sintomas ng hangover, gaya ng pagsakit ng ulo, pagkauhaw at pagkapagod.
  • Pamamaga –  Nagdaragdag ang alak sa pamamaga ng katawan ng isang tao na pwedeng may papel sa mga sintomas ng hangover na nararanasan ng tao. 

5 Pagkain Pantanggal Hangover

1. Ginger

Ayon sa mga pag-aaral, ang ginger ay napatunayan na nakakatulong para mabawasan ang pagsusuka at pagduduwal. Maaari itong makatulong na maibsan ang iyong hangover at mapabuti ang kalagayan ng iyong sikmura.

2. Mangga At Iba Pang Prutas

Batay sa ilang mga artikulo ang natural fruits ay nakakatulong para maialis ang alcohol sa sistema ng iyong katawan. Ang pagkain ng mangga, pakwan at iba pang mga prutas na may high water content ay makakatulong para ma-rehydrate ka at maibsan ang iyong hangover. Itinuturing ito mabisang pagkain pantanggal hangover na maaaring subukan.

3. Sports Drink, Tubig At Electrolyte-Enhanced Beverage

Para maalis ang iyong hangover kailangan mong magkaroon ng good hydration. Ang alcohol ay isang diuretic na dahilan ng madalas na pag-ihi na pwedeng humantong sa dehydration. Sa madaling sabi, kung ikaw ay may hangover, malaki ang tsansa na dehydrated at mababa ang iyong electrolyte level. Ang pag-inom ng sports drink, coconut water o electrolyte-enhanced beverage ay makakatulong para mapalitan ang mga likido na nawala sa iyong katawan, na susuporta para mawala ang iyong hangover. 

4. Salmon

Ayon sa mga pag-aaral, ang low levels ng B6 at B12 vitamins ay nagpapatindi ng hangover ng isang tao. Kaya naman inirerekomenda ang pagkain ng salmon dahil mayaman ito sa parehong B bitamina. Kilala rin ang salmon na nakakatulong sa pagbabawas ng pamamaga at pagpapabuti ng hangover.

5. Bland Foods

Ang mga bland foods gaya ng saging at kanin ay nakakatulong sa hangover ng isang tao, dahil ang plain foods ay madali para sa ating katawan na i-digest. Kadalasan din ang mga pagkain na ito ay mayaman sa carbohydrates na nakakatulong para mapabuti ang ating sikmura at blood sugar. Bukod pa rito, ang saging ay mayaman sa potassium na kailangan ng ating katawan, partikular sa mga panahon na mababa ang electrolytes natin dahil sa sobrang pag-inom ng alak.

Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Should You Eat When You’re Hungover? https://health.clevelandclinic.org/5-foods-that-can-beat-your-holiday-hangover/, Accessed November 28, 2022

Comparison of coconut water and a carbohydrate-electrolyte sport drink on measures of hydration and physical performance in exercise-trained men, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3293068/, Accessed November 28, 2022

Effect of Mixed Fruit and Vegetable Juice on Alcohol Hangovers in Healthy Adults, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5894779/, Accessed November 28, 2022

Characterization of Hangover following Intravenous Alcohol Exposure in Social Drinkers: Methodological and Clinical Implications, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5426994/, Accessed November 28, 2022

Effects of Beverages on Alcohol Metabolism: Potential Health Benefits and Harmful Impacts, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4813215/, Accessed November 28, 2022

Effects of 20 Selected Fruits on Ethanol Metabolism: Potential Health Benefits and Harmful Impacts, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4847061/, Accessed November 28, 2022

Mga Hangover, https://www.niaaa.nih.gov/sites/default/files/publications/Hangovers_Tagalog.pdf, Accessed November 28, 2022

Kasalukuyang Version

08/08/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Vincent Sales

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Sinuri ang mga impormasyon ni

Vincent Sales


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement