backup og meta

Pag-Iwas sa Maalat na Pagkain: Ano Ang Benepisyo Nito sa Kalusugan?

Pag-Iwas sa Maalat na Pagkain: Ano Ang Benepisyo Nito sa Kalusugan?

Kahit na sinong chef at mahilig kumain ay makapagsasabing ang asin ay nakadaragdag pampalasa. Gayunpaman, ang mga eksperto sa medikal ay patuloy na pinag-aaralan ang masamang epekto ng asin sa kalusugan. Ang mataas na sodium sa katawan ay maaaring magdulot ng mataas na presyon ng dugo, pananatili ng tubig sa katawan, pamumuo ng sodium sa dugo, at iba pang kondisyong pangkalusugan. Kaya’t mahalagang malaman paano nakaaapekto ang sodium sa kalusugan at kung bakit mahalaga ang pag-iwas sa maalat na pagkain.

Kahit na nais nating iwasan ang asin para mas maging malusog, ang asin ay halos nasa lahat ng kinakain natin. Ito ay nasa processed food, cured meat, at maging sa mga tinapay at cake. Ngunit, ang asin ba ay likas na masama sa ating kalusugan?

Paano Nalalaman ang Dami ng Sodium o Asin saDugo?

Para malaman ang lebel ng sodium sa dugo, nagsasagawa ng electrolyte panel test. Ito ay sumusukat ng dami electrolyte gaya ng sodium at potassium sa dugo.

Maaaring ito ay parte ng follow-up check-up para malaman ang mga sintomas ng hypernatremia (labis na sodium sa dugo) o hyponatremia (kaunting sodium sa dugo).

Ang mga sintomas ng mataas na sodium sa dugo (hypernatremia) ay:

  • Labis na pagkauhaw
  • Pagsusuka
  • Pagtatae
  • Hindi regular na pag-ihi

Ang mga sintomas ng kaunting sodium sa dugo ay:

  • Hindi boluntaryong paggalaw ng mga muscle
  • Labis na pagkapagod
  • Panghihina
  • Pagkalito

Bakit Kinakailangan ng Katawan ang Asin?

Hindi masama ang asin sa ating katawan. Sa katunayan, kailangan ng katawan ng kaunting asin para mag-function. Ang asin ay kailangan para magpadala ng nerve pulses mula sa utak papuntang iba’t ibang parte ng katawan. Nakatutulong din ang asin sa mga muscles para mag contract at ma-relax.

Kung kaya’t ang mga inumin ng mga atleta ay may electrolytes dahil maraming sodium ang nawawala kapag ang mga muscles ay kumikilos. Mahalaga rin ang asin upang manatili ang balanse ng katawan.

Mga Pagkaing Mayaman sa Asin

Ayon sa American Heart Association (AHA), ang isang indibidwal ay hindi dapat magkonsumo ng higit sa 2,300 mg na asin kada araw, at ang matatanda ay dapat limitahan ang pagkunsumo nila ng asin sa 1,500 mg kada araw.

Gayunpaman, karamihan ay sumosobra sa limit ng pagkonsumo dahil sa kanilang pinipiling kainin. Kung nais mong magbawas ng sodium sa iyong dugo, mahalagang malaman ang mga pagkaing may pinakamaraming asin.

Paano Magagawa Ang Pag-Iwas sa Maalat na Pagkain?

Huwag Kumain ng Processed Food

Sinong hindi gusto ng almusal na bacon at mga itlog? Sa kabila ng maraming may nais ng ganitong mga pagkain, maraming asin ang nakapaloob dito.

Ang mga canned goods ay nangangailangan ng maraming asin upang mapreserba at ang mga fast food din ay nakukuha ang orihinal na lasa dahil sa dagdag na mga asin. Isa sa mga salarin ang processed food kung ang usapan ay salt diet.

Kaya pagdating sa pag-iwas sa maalat na pagkain, ang pagbabawas ng processed food ay mahalaga.

Pumili ng Natural na Pinagmumulan ng Sodium

Natural na mayroong sodium sa ibang mga pagkain tulad ng dairy, gulay, karne at shellfish. Gayunpaman, ang dami ng sodium sa mga ganitong pagkain ay hindi sapat para makapinsala sa katawan. Mahalagang tandaan na kahit na kaunti lamang ang sodium ng mga ito, maaari pa ring maging mapaminsala sa kalusugan kung marami ang nakain.

Maliban sa asin na madaling mabili, ang mga pampalasa tulad ng toyo, ketchup, liquid seasoning ay naglalaman din ng sodium.

Ang AHA ay pinangalanan ang pinaka “maaalat na pagkain.” Itong mga pagkaing madalas kainin ng nakararami ay naglalaman ng maraming asin.

  • Tinapay
  • Pizza
  • Sabaw
  • Cold cuts at cured meat
  • Manok
  • Sandwiches

Paano Nakapipinsala sa Katawan ang Asin?

Ang mga bato (kidney) ang nagbabalanse ng dami ng asin sa katawan. Ang mga sobranh sodium ay inilalabas sa pag-ihi. Ngunit kung sobrang sodium ang mayroon sa katawan, hindi na kakayanin ng mga bato na salain ang mga ito papuntang pag-ihi.

Magiging masama ang sanhi nito sa dugo. Ang asin na nasa bloodstream ay maaaring maging peligro sa puso at sa circulatory system. Ang ganitong mga kondisyon ay maaaring hypertension at chronic kidney disease. Kaya’t mahalagang malaman paano mabawasan ang sodium sa dugo.

Paano Mababawasan ang Sodium sa Dugo?

Kung hindi ka sanay sa pagiging conscious sa iyong kinakain, magiging mahirap na mag adjust sa isang malusog na diet. Ang pagiging conscious sa iyong kinakain ay mahalaga. Ang mga eksperto sa kalusugan ay nagpapayong basehan muna ang food labels at iwasan kumain ng marami upang makatulong sa pagbawas ng pagkonsumo ng sodium.

Ito ang iba pang mga paraan upang mabawasan ang sodium sa dugo at makatulong sa iyong diet:

  • Iwasan ang processed meat. Ang mga processed food tulad ng bacon, hotdog, at ham ay ang mga pangunahing salarin sa pagdami ng sodium sa bloodstream na nagdudulot ng mga sakit tulad ng hypertension. Kung kakayanin, palitan ito ng mga sariwang pagkain tulad ng mga prutas at mga gulay.
  • Iwasan ang asin sa susunod na magluto. Parang isa itong kamalian para sa mga mahilig magluto, ngunit maraming mga lutuin na hindi kinakailangan ng asin. Karamihan sa mga resipi, ay hindi nagkakaiba ng lasa kung walang sodium, at kinakailangan lang ng panahon para masanay rito. Gumamit ng herbs at spices para makuha ang pagiging malasa sa halip na asin.
  • Maging wais sa pamimili. Paano mababawasan ang sodium sa dugo? Isa sa mga magandang tips ay tanggalin sa pantry ang mga pagkaing maraming asin. Kung mamimili, pumili ng mga pagkaing may nakalagay na “low-sodium,” “reduced sodium,” o mga pagkain na “no salt added.” Ang pagpili sa mga produktong ito ay nakakatulong pagdating sa pag-iwas sa maalat na pagkain.

Maaari mong maiwasan ang mga panghabambuhay na sakit tulad ng hypertension o mataas na cholesterol sa pag-iwas sa maalat na pagkain.

Sa pamamagitan ng pagkain ng mas masusutansya at mas malilinis, ang iyong katawan ay hindi lamang nalalamnan ngunit ito rin ay mainam pamprotekta sa ibang mga sakit. Sundin ang mga tips na ito upang mabawasan ang sodium sa dugo at magpatuloy sa pagiging malusog na pangangatawan at kinabukasan.

Isinalin sa Filipino ni Jerra Mae Dacara

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. History of Salt, https://seasalt.com/history-of-salt, Accessed 15 September 2020
  2. How much sodium should I eat per day? https://www.heart.org/en/healthy-living/healthy-eating/eat-smart/sodium/how-much-sodium-should-i-eat-per-day, Accessed 15 September 2020
  3. Nutrition and healthy eating, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/sodium/art-20045479, Accessed 15 September 2020
  4. Why Should I Limit Sodium? https://www.heart.org/-/media/data-import/downloadables/8/2/0/pe-abh-why-should-i-limit-sodium-ucm_300625.pdf, Accessed 15 September 2020
  5. The Role of Potassium and Sodium in Your Diet, https://www.cdc.gov/salt/potassium.htm, Accessed 15 September 2020
  6. How to Reduce Sodium, https://www.cdc.gov/salt/reduce_sodium_tips.htm, Accessed 15 September 2020

Kasalukuyang Version

11/22/2022

Isinulat ni Tracey Romero

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Tracey Romero · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement