“Health is wealth.” Kaya naman mahalaga para sa mga tao na malaman kung paano pababain ang cholesterol gamit ang halamang gamot. Dahil maaaring magbunga ng iba’t ibang medikal na komplikasyon ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol sa ating katawan.
Sa pagkilala ng mga halamang gamot sa pagpapababa ng cholesterol. Makakatulong ito para maiwasan ang pagtaas ng risk sa pagkakaroon ng coronary artery disease — at mga sakit sa puso. Bukod pa rito, accessible at madaling hanapin ang mga halamang gamot. Kung saan, pwede pa itong magamit sa’yong diyeta at pagpapanatili ng healthy lifestyle.
Basahin at matuto pa sa artikulong ito para sa pagpapababa ng cholesterol gamit ang halamang gamot.
Ano ang cholesterol?
Isang fatty substance ang kolesterol na mahalaga para sa katawan. Kinakailangan ito ng katawan ng tao para mag-function sa araw-araw. Ang sobrang cholesterol sa katawan ng indibidwal ay hindi maganda. Ngunit, ang kolesterol na may sapat na dami sa katawan ay malusog para sa tao. Sapagkat, bahagi ito ng cell walls na mahalaga upang makabuo ng hormones.
Ano ang iba’t ibang uri ng kolesterol?
Mayroon 2 pangunahing uri ng cholesterol. Narito ang mga sumusunod:
- Low-density lipoprotein — LDL o ‘bad’ cholesterol;
- High-density lipoprotein o ‘good’ cholesterol
Beneficial ang HDL sa ating katawan at nag-a-absorb ng kolesterol at dinadala ito pabalik ito pabalik sa atay. Pagkatapos, inaalis ng atay ang kolesterol sa katawan. Maaaring makaiwas sa risk ng stroke at atake sa puso ang pagkakaroon ng mataas na HDL. Samantala, kapag naging masyadong mataas ang LDL cholesterol, pwede itong madeposito sa walls ng arteries. Kung saan, bumubuo ng atheroma (fatty material) at sanhi ng pagbara at pagkitid ng blood vessels. Sa paglipas ng panahon, pwedeng mapakitid ang arteries na nagsusuplay ng dugo sa puso. Dahil sa unti-unting pag-build-up ng atheroma. Ang prosesong ito’y tinatawag na “atherosclerosis”. Maaari itong magdulot ng sintomas ng agina o magresulta ng stroke o heart attack.
Bakit mapanganib ang mataas na cholesterol?
Nagpapataas ng panganib ng sakit sa puso at heart attacks ang pagkakaroon ng mataas na cholesterol. Maaari rin itong humantong sa pag-build-up ng cholesterol sa arteries. Sinasabi rin na ang diet na mataas sa saturated fat ay isa sa dahilan ng mataas na LDL cholesterol.
Paano pababain ang cholesterol? Mga halamang gamot at home remedies na maaaring gamitin
Ang pagpapababa ng cholesterol ay pwedeng magbawas ng overall risk ng heart disease at attack sa isang tao. Nakakatulong din sa pagpapababa ng kolesterol ang pagkakaroon ng magandang lifestyle strategies ng isang tao. Napapabuti rin nito ang kalusugan at body weight ng isang indibidwal. Mayroon ding mga pagkakataon na ang certain medications ay nakakatulong.
Dagdag pa rito, maraming halamang gamot at home remedies ang magagamit para sa pagpapababa ng cholesterol. Pwedeng makita ang ilan sa kanila sa bahay o kahit sa malapit na palengke sa inyong tahanan. Narito ang mga sumusunod:
Paano pababain ang cholesterol? Green Tea
Ang green tea ay isang rich source ng polyphenols. Kung saan, ang compounds na ito ay nagbibigay ng malaking benepisyo sa kalusugan ng tao. Mayroong highest concentration ng polyphenols ang green tea na hindi lamang nauugnay sa pagpapababa ng LDL Cholesterol — ngunit napapataas din nito ang HDL Cholesterol. Ayon sa ilang pag-aaral ang polyphenols ng tea ay pwedeng humadlang sa cholesterol absorption sa bituka — at tumutulong din sa pag-alis nito.
Turmeric
Tumutulong ito sa pagbabawas ng plaque o cholesterol deposits sa walls ng arteries. Nakakatulong din ito sa pagbabawas ng bad cholesterol sa paggamit nito bilang turmeric milk — at paglalagay nito sa curries.
Paano pababain ang cholesterol? Bawang
Mayroong mataas na konsentrasyon ng allicin ang bawang. Isang sulfur na naglalaman ng compound na kilala sa pagbawas ng total at LDL Cholesterol. Kumain o ngumuya ng ilang clove ng bawang para sa pagpapabuti ng kolesterol ng katawan.
Coriander o Dhaniya
Ito ay mayroong high levels ng antioxidants na tumutulong sa pagpapababa ng cholesterol levels. Bukod dito, naglalaman din ito ng maraming pangunahing bitamina gaya ng beta-carotene, folic acid, vitamin A at C.
Paano pababain ang cholesterol? Gumamit ng Ginseng
Ayon sa mga pag-aaral nakakatulong ang ginseng sa pagsuporta ng malusog na antas na bad at good cholesterol. Available ang ginseng bilang supplements at maaaring matagpuan sa iba’t ibang produkto gaya ng kape.
Flax Seed
Nagtataglay ang flax seeds ng high levels ng alpha-linolenic acid. Isang omega-3 fatty acid na pwedeng makatulong na mapapababa ang risk ng sakit ng puso.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]