backup og meta

3 Ligtas Na Paraan Ng Pagde-defrost Ng Karne Na Pwede Mong Subukan!

3 Ligtas Na Paraan Ng Pagde-defrost Ng Karne Na Pwede Mong Subukan!

Ang pagde-defrost ay isang mahalagang proseso na tumutulong sa lahat para maging ligtas, at epektibong ma-preserve at makain ang mga frozen na pagkain. Dahil kung walang defrosting, ang mga frozen na pagkain ay maaaring manatiling hindi ligtas na kainin, at mawala ang kanilang texture at lasa. Malaking bagay rin ang paged-defrost upang ma-unlock natin ang buong potensyal ng mga frozen na pagkain, at ma-enjoy natin ang pagkonsumo nito habang pinapaliit ng defrosting ang mga risk ng foodborne illness na pwedeng makasama sa ating kalusugan.

Gayunpaman, para mas nakuha natin ang mga benepisyo na dulot ng pagde-defrost, partikular sa karne, mahalaga na maintindihan muna natin kung ano ang defrosing at paano mag-defrost ng karne. Kaya naman patuloy na basahin ang article na ito para sa mga mahahalagang impormasyon.

Ano ang defrosting?

Ang pag-defrost ng pagkain ay tumutukoy sa proseso ng pagtunaw ng frozen food upang maibalik ito sa orihinal nitong temperatura at texture. Kapag ang pagkain ay nagyelo o naging frozen, ang water content nito ay nagiging mga kristal na yelo, na maaaring makaapekto sa texture at lasa ng pagkain. Sa madaling sabi, ang defrosting ay nakakatulong para maibalik ang orihinal na texture at lasa ng pagkain.

Bakit mahalaga ang paged-defrost ng pagkain?

Ang pag-alam kung paano mag-defrost ng karne ay mahalaga sa ilang kadahilanan. Narito ang mga sumusunod:

  1. Safety purposes

Ang wastong pag-defrost ay nakakatulong para masigurado na ang pagkain ay ligtas kainin. Kapag ang pagkain ay nagyelo, ang anumang bakterya o iba pang nakakapinsalang microorganisms na maaaring naroroon ay nagiging hindi aktibo. Gayunpaman, kapag ang pagkain ay na-defrost, ang mga microorganism na ito ay pwedeng maging aktibo muli at magsimulang dumami. Bukod pa rito, kapag ang pagkain ay hindi na-defrost nang maayos, maaaring mag-grow ang bakterya at magdulot ng foodborne illness.

  1. Quality of the foods

Tandaan mo rin na ang tamang pagde-defrost ng pagkain ay makakatulong na mapanatili ang kalidad at lasa nito. Kung masyadong mabilis ang pagde-defrost, ang pagkain ay maaari maging malambot, mawalan ng texture at lasa, at mas mabilis na masira. Gayunpaman, kung ang pagde-defrost ng pagkain ay mabagal, maaari itong maging tuyo at matigas. 

  1. Cooking purposes

Ang pag-defrost ng pagkain bago lutuin ay nakakatulong upang matiyak na pantay at tama ang pagkakaluto ng pagkain. Gayunpaman, kung masyadong mabilis ang pagkakaluto ng pagkain at hindi ito na-defrost nang maayos, maaaring maging luto ang labas ng pagkain habang ang loob nito ay nananatiling nagyeyelo o frozen, na humahantong sa hindi pantay na pagkakaluto, at mga potensyal na isyu sa kaligtasan ng pagkain

Kaya naman sa kabuuan, napakahalaga ng tamang pagde-defrost, at narito ang 3 paraan kung paano mag-defrost ng karne.

3 Paraan Paano Mag-defrost Ng Karne

Narito ang ilang mga paraan kung paano mag-defrost ng pagkain:

  1. Pagde-defrost sa refrigerator

Sa method na ito, maaari mong gawin ang paglalagay ng frozen food sa refrigerator upang mabagal na matunaw sa loob ng ilang oras o magdamag. Ang pamamaraang ito ay itinuturing na pinakaligtas na paraan para mag-defrost ng pagkain, dahil pinipigilan nito ang paglaki ng mga nakakapinsalang bakterya. 

  1. Pag-defrost gamit ang malamig na tubig

Ang pamamaraang ito ay kinabibilangan ng paglalagay ng frozen food sa isang mangkok, o iba pang lalagyan na magiging angkop sa laki ng pagkain. Kinakailangan na mayroong malamig na tubig sa lalagyan ng frozen food, at papalitan ang tubig na ito pagkatapos ng ilang minuto hanggang sa matunaw ang pagkain.

Sa katunayan, ang pamamaraang ito ay mas mabilis kaysa sa pag-defrost sa refrigerator ngunit nangangailangan ng higit na pansin para masigurado na ang pagkain ay nananatili sa isang ligtas na temperatura.

  1. Microwave defrosting

Kasama sa method na ito ang paggamit ng defrost function sa microwave upang mabilis na matunaw ang pagkain. Gayunpaman, ang pamamaraang ito ay maaaring magresulta sa hindi pantay na pag-defrost at maaaring makaapekto sa texture ng pagkain. Kaya naman mahalagang sundin ang mga instruction sa microwave at suriin ang pagkain nang madalas upang masigurado na hindi ito mag-overheat o bahagyang maluto lamang ang pagkain.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Safely defrosting foods, https://www.canada.ca/en/health-canada/services/general-food-safety-tips/defrosting-safety.html# Accessed June 20, 2023

Thawing Food Properly Fact Sheet, https://dmna.ny.gov/foodservice/docs/toolbox/thawing_food.pdf Accessed June 20, 2023

How to Thaw Meat and Poultry Safely, https://food.unl.edu/article/how-thaw-meat-and-poultry-safely Accessed June 20, 2023

The Big Thaw — Safe Defrosting Methods, https://www.fsis.usda.gov/food-safety/safe-food-handling-and-preparation/food-safety-basics/big-thaw-safe-defrosting-methods#:~:text=When%20thawing%20frozen%20food%2C%20it’s,foods%20from%20the%20frozen%20state. Accessed June 20, 2023

The Importance of Properly Defrosing Food, https://www.sbcounty.gov/uploads/DPH/EHS/Programs/Food/FoodFacilities/the-importance-of-properly-defrosting-food.pdf Accessed June 20, 2023

Kasalukuyang Version

05/03/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement