Ang benepisyo ng okra gamot sa diabetes ay napapanahon lalo na ngayong dumarami ang mga taong may sakit na ito. Isiniwalat ng Centers for Disease Control and Prevention ang tumataas na bilang ng mga taong nada-diagnose na may diabetes. Sa Pilipinas, tumaas ang prevalence ng diabetes mula 3.4 milyon noong 2010 hanggang 3.7 milyon noong 2017.
Pang-apat ang diabetes sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay sa bansa. Ang pagkakaroon ng sakit na ito ay itinuturing na isang financial burden. Napakataas nga naman ng halaga ng mga gamot para dito.
Kung kaya, iminungkahi ang mga alternatibong paraan sa pamamahala ng diabetes tulad ng okra. Ito ay may kakayahang ma-regulate ang blood sugar level ng taong may Type 1, Type 2 at gestational diabetes.
Kilalanin ang okra gamot sa diabetes
Ang okra, na kilala rin bilang lady fingers, ay mayaman sa vitamins, fiber, mineral, at antioxidants. Yun nga lang, hindi ito tugma sa panlasa ng ibang tao dahil sa taglay nitong malagkit na katas. Maliban sa taglay nito na kakaibang texture na hindi nagugustuhan ng marami, mayroon itong banayad na lasa. Isa itong prutas ngunit ginagamit bilang gulay na sangkap sa maraming lutuin.
Maraming taglay na nutrisyon ang okra tulad ng:
- Vitamin K
- Potassium
- Vitamin C
- Calcium
- Magnesium
- Vitamin B6
- Folate
- Vitamin A
Ngunit ang isa sa pinakamahalagang taglay nito ay ang mga antioxidants kabilang na ang flavonoid derivatives at ang phenolic compounds. Naniniwala ang mga siyentipiko na ang mga compounds na ito ay may anti-inflammatory at antimicrobial properties.
Okra gamot sa diabetes: posible ba?
May mga pag-aaral na nagsasabing malaki ang maitutulong ng pagkain ng okra sa pagpapababa ng blood sugar. Kung kaya, ito ay maaaring gamitin ng mga may diabetes bilang suporta sa mga mamahaling gamot.
Importante ang pag-monitor ng blood sugar level sa pagkontrol sa diabetes. Mahalaga rin ang pagbabawas ng timbang, pagiging aktibo, at pagpili ng tamang pagkain. Mababa sa calories ang okra ngunit mayaman sa fiber at ito ay itinuturing na malaking benepisyo para sa may mga diabetes. Ang mga fiber sa okra ang nagpapababa ng blood sugar sa pamamagitan ng pagpapabagal sa pag-absorb ng asukal sa bituka
Bukod pa rito, ang kalidad ng bulk fiber na nasa okra ay may sumusunod na benepisyo:
- Nakakatulong sa panunaw
- Binabawasan ang pagkagutom
- Nagpapanatili ng mas matagal na pagkabusog
Ang fiber ay pinakamahalagang dahilan kung bakit ang okra gamot sa diabetes. Ito ay isang mahalagang bahagi ng dietary treatment options para sa diabetes. Ang pagkonsumo ng dietary fiber ay nagsusulong ng mas mahusay na glycemic control. Ito rin ay nagpapahusay sa insulin sensitivity.
Okra o supplements?
Mas mainam na makuha ang iyong supply ng fiber sa pamamagitan ng pagkain, kaysa sa mga suplemento. Kung magpasya kang kailangan mo ng mas maraming fiber, dapat taasan ng dahan ang halaga na makukuha mo. Ang masyadong mabilis na pagkonsumo ng fiber ay maaaring humantong sa mga problema sa kalusugan tulad ng:
- Gas
- Bloating
- Cramping sa tiyan
Kung iniiwasan mong kumain ng okra dahil sa malagkit ito, maaari ka pa rin namang makumbinsing kumain nito kung alam mo na ang okra gamot sa diabetes. Maraming paraan upang mas maging kaaya-aya ito sa paningin ng kumakain tulad na lang ng mabilisang pag-steam ng okra upang mabasawan ang lapot nito.
Alam mo bang ang steamed okra ay masarap isawsaw sa bagoong o sa suka? Ito ay isang appetizer na nakakagana sa pagkain lalo na kung may kasamang kamatis. Kahit ang mga bata ay makukumbinsing kumain nito kapag ginamitan ng breading at pinirito.
Nagiging popular na rin ang okra gamot sa diabetes sa pamamagitan ng pag-inom nito bilang okra water. Ibabad lang ang okra magdamag at inumin ito sa umaga upang mapababa ang blood sugar level. Gayunpaman, kailangan pa rin ng mas malalim at substantial na pag-aaral sa benepisyong dulot ng okra sa diabetes.
[embed-health-tool-bmi]