backup og meta

Mga Produktong May Caffeine: Anu-ano Ang Mga Ito?

Mga Produktong May Caffeine: Anu-ano Ang Mga Ito?

Ang mga produktong may caffeine ay karaniwang tinatangkilik ng tao. Lalo’t kilala ang caffeine sa iba’t ibang benepisyo nito. Hindi rin maitatanggi na maraming tao ang sinisimulan ang kanilang araw. Kasama ang masarap na tasa ng kape upang pasiglahin at palakasin ang kanilang katawan sa pamamagitan ng caffeine. Ngunit, minsan hindi sapat ang isang tasa para magising ang mga ugat. Sa ganoong kaso, ang ilang mga tao ay may posibilidad na umabot ng 2 o higit pang mga tasa ng kape sa 1 araw. Kaya ang tanong: Alam mo ba na bukod sa kape ay marami pang kilalang opsyon ng mga produktong naglalaman ng caffeine? 

Basahin at alamin sa artikulong ito ang iba pang mga produkto na may caffeine.

Ano Ang Caffeine?

Maraming tao ang nakakaalam na ang caffeine ay isang natural na sangkap ng paboritong inumin. Gaya ng kape, tsaa, inuming tsokolate, energy drink at iba pa. Kaya naging “world’s most popular stimulant” ito dahil sa kakayahan nitong pataasin ang alertness at energy level.

Ina-absorb ito ng katawan sa loob ng 45 minuto ng pagkonsumo at tumataas sa dugo sa loob ng 15 hanggang 2 oras.

Ang caffeine sa mga inumin ay mabilis na napupunta sa gut at nabre-break down sa parehong tubig at fat molecules. May kakayahan din itong pumasok sa utak. Sinasabi rin na ang fiber-rich food sa bituka ay pwedeng magbawas ng rate ng caffeine levels sa dugo. Bilang resulta, maaaring maghatid ng agarang energy boost ang pag-inom ng kape sa umaga habang walang laman ang tiyan. Kaysa sa pag-inom nito kasama ng almusal.

Kapansin-pansin, ang ilang pagkain na nag-aalok din ng parehong mga benepisyo at mekanismo ng pagkilos sa loob ng katawan. Kaya, ipinaalam ng Food and Drug Administration na dapat isama ng manufacturers ang additional caffeine sa mga label ng produkto. Ito’y para malaman ng ibang mga mamimili na mayroong iba pang inumin at pagkain na may caffeine.

Isinasaalang-alang ng scientist at chemist ang caffeine sa pamamagitan ng chemical name nito na 1,3,7 trimethylxanthine.

Mga Inumin At Pagkaing May Caffeine

Maraming iba’t ibang mga inumin at pagkain na may caffeine ang available na pwede mong piliin. Ito ay mula sa maliliit na kagat ng tsokolate hanggang sa ilang lagok ng inuming may caffeine.

Mga Produktong May Caffeine:

Kape

Ang nilalaman ng caffeine sa 1 tasa o 8 ounces ng brewed na kape ay humigit-kumulang na 95 milligrams. Samantalang ang instant coffee ng parehong amount ay nasa 60 mg. Ito ay mas mababa sa isang decaffeinated na kape na naglalaman lamang ng humigit-kumulang 4 mg.

Espresso

Ang mas malakas na bersyon ng kape ay naglalaman ng 65 mg ng caffeine bawat shot (1.5 ounces).

Tsaa

Tulad ng kape, may iba’t ibang uri ng tsaa na tumitimbang ng iba’t ibang antas ng caffeine content. Ang black tea ay may humigit-kumulang 47 mg bawat tasa. Habang ang green tea ay may caffeine content na humigit-kumulang 28 mg. Ang decaffeinated na bersyon ng tsaa ay mayroong 2 mg.

Soda

Humigit-kumulang 40 mg ng caffeine ang available sa isang 12-ounce na lata ng cola.

Tsokolate 

Pwede ba nating kalimutan ang tungkol sa dessert na nagpapalakas ng ating enerhiya? Ang magandang stimulant mula sa cacao ay nagbibigay ng caffeine fix na kailangan mo sa maliliit na kagat o small bites. Sinasabi na ang dark chocolate ay may humigit-kumulang 24 mg ng caffeine bawat ounce. Samantala, ang milk chocolate ay may humigit-kumulang 15 mg. Ang ilan sa mga paboritong candies ay pwede ding maglaman ng ilang caffeine.

Energy Drinks

Makikita na ang mga inuming pang-enerhiya ay mayroong caffeine-containing chemicals na naglalaman ng caffeine — na nagpapalakas ng mga epekto. Ang isang energy drink ay nagbibigay ng humigit-kumulang 85 mg ng caffeine bawat tasa (8 ounces). Gayunpaman, ang karaniwang energy drinking serving ay mayroong 16 ounces. Kung saan, naglalaman ito ng 170 mg ng caffeine. Habang ang energy shots ay higit na mabisa kaysa sa energy drinks na may humigit-kumulang 200 mg ng caffeine sa isang single 2-ounce shot.

Guarana

Ang extract na ginawa mula sa buto ng halaman sa Timog Amerika ay ginagamit sa cuisines, inuming pang-enerhiya, at supplements. Ang mga buto ng Guarana ay mayroong mas malaking amount ng caffeine. Mga apat na beses na mas marami, kaysa sa mga nasa butil ng kape. Kapag ito ay idinagdag sa anumang pagkain o inumin, ang mga antas ng caffeine ay pwedeng umabot sa 125 mg bawat serving.

Supplements

Ang supplements sa caffeine ay karaniwang naglalaman ng 200 mg ng caffeine bawat tablet, na katumbas ng dalawang tasa ng brewed coffee.

Mayroon ding iba pang pagkain na may caffeine na pwedeng nasa ilalim ng iba’t ibang pangalan at anyo. Ang ilan sa mga karaniwang additives na mayroong caffeine content ay ang mga sumusunod:

  • Carnitine
  • Choline
  • Ginseng
  • Glucuronolactone
  • Inositol
  • Kola nut
  • Malic acid
  • Maltodextrin
  • Niacin
  • Pantothenic acid
  • Taurine
  • Theanine
  • Tyrosine
  • Yerba mate

Key Takeaways

Bagama’t ang caffeine ay makakatulong sa’tin. Napakahalaga pa rin na dapat nating alalahanin kung gaano karami ang nakukuhang caffeine ng katawan. Dahil baka magresulta ito ng health consequences na nangangailangan ng konsiderasyon at aksyon.
Siguraduhing basahin muna ang label bago bumili. Ang pag-alam sa pagkakaroon ng mga karaniwang additives ay pwedeng makatulong sa’yong bawasan ang sobrang pag-inom ng caffeine — at makaiwas sa mga posibleng hindi magandang epekto nito.

Matuto pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Caffeine, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/caffeine/ Accessed November 22, 2021

Caffeine, https://medlineplus.gov/caffeine.html Accessed November 22, 2021

Caffeine in the diet, https://ufhealth.org/caffeine-diet Accessed November 22, 2021

Surprising Foods that Contain Caffeine, https://www.sleep.org/foods-with-caffeine/ Accessed November 22, 2021

What are hidden sources of caffeine? https://www.mayoclinichealthsystem.org/hometown-health/speaking-of-health/what-are-hidden-sources-of-caffeine Accessed November 22, 2021

Kasalukuyang Version

04/30/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement