backup og meta

Mantika at Fats na Healthy: Anu-ano Ang mga Dapat Mong Piliin?

Mantika at Fats na Healthy: Anu-ano Ang mga Dapat Mong Piliin?

Ang mantika at fats ay kadalasang sinasabing masama sa iyong kalusugan dahil maaari itong magdulot ng sakit sa puso, hypertension at iba pa. Gayunpaman, hindi ito palaging totoo. May ilang uri ng mantika at fats na maganda para sa iyong kalusugan.

Mayroon bang tinatawag na heart healthy na mantika at fats?

Bago natin pag-usapan ang mantika at fats na healthy sa puso, alamin muna natin ang pagkakaiba ng masustansya at hindi masustansyang uri ng fats. Makatutulong sa pagdedesisyon sa ating diet ang pag-alam sa kung anong uri ng fats ang masustansya at hindi.

Saturated fats

Tinatawag na saturated fats ang isang uri ng fats na matatagpuan sa gatas, mantikilya, bacon, pulang karne, matatabang hiwa ng manok, at pati na rin sa iba pang uri ng palm oil. Tinuturing silang unhealthy fat, at dapat kaunti lang ang pagkain ng mga ito.

Maaaring makasama sa kalusugan ng isang tao ang labis na pagkain ng ganitong uri ng fats, at posible din humantong sa maraming problema sa kalusugan.

Trans fats

Tulad ng saturated fats, dapat ding iwasan ang trans fats. Kilala ang mga trans fats na nagpapataas ng bad cholesterol at nagpapababa ng good cholesterol levels.bad cholesterol at nagpapababa ng good cholesterol levels

Makikita ang trans fats sa kakaunting halaga sa mga gatas at karne. Ngunit sa mga artificial trans fats nagmumula ang pinakamalaking panganib sa kalusugan. 

Naglalaman ng trans fats ang mga pagkain tulad ng chips, baked goods, pritong pagkain, at margarine. Naglalaman din ang karamihan ng mga processed food ng trans fats, at madali itong matitignan sa food label para malaman kung naglalaman ba ng trans fat ang isang produkto o hindi.

Monounsaturated at polyunsaturated fats

Kabaligtaran naman ng trans fats at saturated fats, benepisyal ang monounsaturated at polyunsaturated fat sa iyong kalusugan. May ilang benepisyo sa kalusugan ang mga uri ng fats na ito, tulad ng:

  • Pinapababa ang bad cholesterol level
  • Maaaring makatulong sa pagbaba ng panganib mula sa sakit sa puso at stroke
  • Tumutulong sa pagbaba ng triglyceride, na nauugnay sa sakit sa puso
  • Tumutulong sa pagbaba ng high blood pressure
  • Napapababa ang panganib mula sa atherosclerosis

Magandang ideya na magdagdag pa ng mga masustansyang oil at fatsa iyong diet dahil marami silang benepisyo sa kalusugan. Gayunpaman, mahalaga pa rin na katamtaman lang ang pagkain sa mga ito, dahil maaari ding humantong ang labis na pagkain ng healthy fat sa pagbigat ng timbang at iba pang mga problema sa kalusugan.

Ano ang halimbawa ng mga mantika at fats na healthy sa puso?

Narito ang ilan sa mga heart healthy oil at pati na rin mga fat na maaari mong idagdag sa iyong diet:

Mantika

Kung interesado dagdagan ang kinakaing mantika at fats na healthy sa puso, maaari kang gumamit ng olive, canola, peanut, pati na rin ng sunflower at safflower oil. Maaaring gamitin ang mga mantika na ito kapag gumagawa ng dressing para sa mga salad, pampalasa para sa ulam, pati na rin sa pagprito, paggisa, at sa anumang pagluluto.

Maaari ding maglaman ng healthy fats ang ilang uli ng margarine. Kung titignan ang label sa mga produktong ito, may nakalagay itong non-hydrogenated margarine sa label.

Isda

Ang isda ang isa sa magandang mapagkukunan ng omega-3 fatty acid, na kapamilya ng polyunsaturated fats. Kabilang sa mga masustansyang isda na maaari mong idagdag sa iyong diet ang salmon, tuna, mackerel, at sardinas.

Naglalaman din ng halos parehong dami ng protina ang mga isda kumpara sa pulang karne. Kaya kung gusto mong magkaroon ng mas masustansyang pagkain, maaari mong subukan palitan ng isda ang karne.

Mani

Isa pang magandang mapagkukunan ng healthy fats ang mga mani. Kabilang dito ang mga walnuts, almond, cashews, pine nuts, at pecans. Mahusay na alternatibo ang mga ito sa mga chips at iba pang processed snacks. Mataas din ang mga ito sa protina, at nakatutulong din na mas matagal mong maramdaman ang pagkabusog.

Avocado

Pagdating sa heart healthy oil at fat, kadalasang nakakakuha ng masamang imahe ang mga avocado dahil maraming tao ang naniniwalang masama ito para sa iyo. Bagaman totoong naglalaman ng fats ang mga abokado, karamihan naman sa fats nito ang mabuti. Ibig sabihin, mabuti para sa iyong kalusugan ang pagkain ng mga abokado.

Key Takeaways

Dapat ba tayong maglagay ng mantika at fats na healthy sa ating diet? Oo! Mahalagang malaman na hindi dapat tuluyang umiwas sa fats. Nangangailangan din ang ating katawan ng kaunting fats upang gumana nang maayos. Mayroong mga masustansyang uri ng fats na hindi nagdudulot ng mga problema sa kalusugan.

Alamin ang iba pang Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. How to Choose and Use Healthy Cooking Oils – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/how-to-choose-and-use-healthy-cooking-oils/, Accessed June 14, 2021
  2. Choosing Healthy Fats – HelpGuide.org, https://www.helpguide.org/articles/healthy-eating/choosing-healthy-fats.htm, Accessed June 14, 2021
  3. The truth about fats: the good, the bad, and the in-between – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-truth-about-fats-bad-and-good, Accessed June 14, 2021
  4. Fats and oils | Heart and Stroke Foundation, https://www.heartandstroke.ca/healthy-living/healthy-eating/fats-and-oils, Accessed June 14, 2021
  5. Fats and oils that will help keep your heart healthy., https://www.heartuk.org.uk/low-cholesterol-foods/fats-and-oils, Accessed June 14, 2021

Kasalukuyang Version

06/16/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement