Maraming mga Pilipino ang pamilyar sa luyang dilaw (turmeric) at sampalok (tamarind). Dahil ang mga ito ay karaniwang mga sangkap sa pampalasa ng maraming pagkain. Gayunpaman, alam mo ba na kung magkasama, ang mga ito ay powerful herbals na may magagandang benepisyo? Basahin pa dito ang tungkol sa turmeric-tamarind tandem.
Iba’t ibang Benepisyo ng Sampalok at Luyang Dilaw sa Kalusugan
Ang turmeric ay may analgesic (pain relief), antipyretic (nagpapababa ng temperatura ng katawan), at mga anti-inflammatory properties. Ang sampalok naman ay may antipyretic, anti-inflammatory, at sedative properties. Maaaring ligtas at epektibong tumugon sa ilang health concerns ang mixture ng dalawang natural na sangkap na ito.
Narito ang mga potential benefits ng luyang dilaw at sampalok.
-
Tumutulong ang mga ito na maibsan ang menstrual pain
Madalas ka bang makaranas ng menstrual cramps? Kung gayon, mabuting mag-stock ng luyang dilaw at sampalok.
Binabawasan ng curcumin sa turmeric ang inflow ng mga calcium ions sa uterine epithelial cells at pinaliit ang produksyon ng mga prostaglandin, mga hormone na lumilikha ng sakit at pamamaga. Isa ang analgesic na katangian ng luyang dilaw. At ito ay tumutulong din sa mga non-steroidal na anti-inflammatory na gamot, tulad ng mefenamic acid, na mas mahusay na nakatutulong sa menstrual pain.
Ang mga benepisyo ng luyang dilaw ay higit na pinalakas ng reaksyon ng mga tannin, saponin, sesquiterpenes, alkaloids, at phlebotomine sa tamarind. Ang mga sangkap na ito ay maaaring mapawi ang pag-urong ng matris.
Kung nahihirapan kang kumain ng sariwang luyang dilaw at sampalok, huwag mag-alala. Sa ngayon, maraming mga powdered formulations ng mga sangkap na ito na magagamit sa merkado. Siguraduhin lang na bibili ka ng produkto na nakapasa sa inspeksyon ng FDA.
-
Sila ay Mayaman sa Antioxidants
May mga pag-aaral na nagpapakita na ang luyang dilaw at sampalok ay pantay na mahusay na mapagkukunan ng mga antioxidant.
Ang mga curcumin compound sa luyang dilaw ay may mataas na antioxidant activities. Sa katunayan, marami sa mga therapeutic effect ng turmeric ay nauugnay sa antioxidant content nito. Gayundin, ang tamarind ay naglalaman din ng mga phytochemical na binubuo ng mga phenolic antioxidant compound na mabuti para sa katawan.
Kung nais mong magdagdag ng higit pang mga antioxidant sa iyong diet, pinakamahusay na gawin ito kasama ng mga sariwang, natural na pagkain, tulad ng luyang dilaw at sampalok.
-
Tumutulong sila sa Weight Loss
Magkahiwalay, ang luyang dilaw at sampalok ay maaaring makatulong sa pagbaba ng timbang. Ngunit, maaari mong i-maximize ang benepisyong ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng dalawang sangkap.
Pinipigilan ng curcumin ang inflammatory response sa mga selula ng katawan, kabilang ang pancreatic, fat, at muscle cells. Makakatulong ang reaksyong ito na bawasan ang insulin resistance, babaan ang blood sugar at cholesterol level, at labanan ang iba pang metabolic na kondisyon na dulot ng labis na katabaan. Higit pa rito, maaari ring bawasan ng curcumin ang paglaki ng mga fat tissue.
Bilang resulta, ang timbang mo ay maaaring maging mas matatag, sa gayon ay nagpapababa ng panganib ng labis na katabaan.
Bukod pa rito, kapag may minimal inflammatory reaction, ang katawan mo ay maaaring higit na tumutok sa weight loss.
-
Tumutulong sila sa Pagkontrol ng Blood Sugar
Kung mayroon kang diabetes, i-consider ang regular na pag-inom ng tamarind-turmeric herbal medicine pagkatapos mong makuha ang pag-apruba ng doktor mo.
Matagal nang kilala ang luyang dilaw na nagpapababa ng blood sugar sa mga taong may diabetes. Ang epektong ito ay maaaring dahil sa mga anti-inflammatory properties ng herb.
Sinasabi rin ng mga ulat na ang turmeric ay nakakatulong sa mga taong may diabetes sa iba’t ibang paraan, na nagreresulta sa pinabuting insulin resistance.
Mga Paalala Kapag Uminom ng Sampalok-Luyang Dilaw
Ang sampalok at luyang dilaw ay parehong ligtas kapag tini-take sa tamang dami. Kung tutuusin, ang mga ito ay karaniwang sangkap sa maraming lutuing Pilipino. Ang kanilang mga bahagi, lalo na ang kanilang mga anti-inflammatory at antioxidant properties, ang mga dahilan kung bakit sila kasama sa mga mapagpipiliang healthy food.
Gayunpaman, kung plano mong gamitin ang mga ito nang regular bilang isang herbal na gamot, siguraduhing mag-check in muna sa iyong doktor. Ito ay lalong mahalaga kung mayroon kang underlying health condition o umiinom ng mga gamot.
Kahit gaano kapaki-pakinabang ang dalawang sangkap na ito, maaari pa rin itong magresulta sa ilang mga side-effects o interaction sa mga gamot mo.
Panghuli, huwag gamitin ang sampalok at luyang dilaw na pamalit sa mga gamot na iniinom mo. Maaaring negatibong makaapekto ito sa kalusugan at magpalala sa kondisyon mo.
[embed-health-tool-bmr]