backup og meta

Epekto ng Wastong Nutrisyon Sa Kalusugan: Mga Dapat Malaman

Epekto ng Wastong Nutrisyon Sa Kalusugan: Mga Dapat Malaman

Narinig na natin ang kasabihang “You are what you eat.” Gayunpaman, marami sa atin ang hindi nakakaalam ng epekto ng wastong nutrisyon sa kalusugan.

Ang pagkain ay nagtataglay ng mga sustansya na tumutulong sa ating katawan na kumilos. Ang mga sustansya sa pagkain ay may pampalusog na sangkap na mahalaga sa paglaki ng katawan. Kaya,  ang katawan ay walang sustansya, ang  kalusugan ay maaaring bumaba.

Ituloy ang pagbabasa para malaman ang sa epekto ng wastong nutrisyon sa kalusugan.

Pag-unawa sa Epekto ng Wastong Nutrisyon sa Kalusugan

Kung ang  tao ay hindi nakakakuha ng sapat na dami ng nutrisyon mula sa diet, ang metabolic process ng kanilang katawan ay maaaring bumagal.

Isipin na ang nutrisyon ay impormasyon at instruksyon para sa  katawan. Kung walang mga instruksyon at impormasyon, ang katawan ay hindi makagagawa. 

Mainam  sa ganitong paraan natin isipin ang pagkain, sa halip na tumuon sa kung ilang calories ang  kakainin.

Maaaring  tumuon sa pagpili ng tamang pagkain na kasama sa diet, kaysa sa dapat  ibukod. Tandaan, hindi  kalaban  ang  pagkain.

Ang sustansya  mula sa pagkain ay  makabawas ng sakit at magpapalakas.

Impact ng Nutrisyon sa  Kalusugan : Malnutrisyon sa mga Papaunlad na Bansa

Sa papaunlad na mga bansa, maaaring mahirap na makuha ng mga sustansyang kailangan. Ang nakakahawang sakit ay laganap sa papaunlad na mga bansa, at  malaking bahagi nito’y dahil sa malnutrisyon.

Ang mga naninirahan  sa mauunlad na bansa ay maaaring makaranas ng malnutrisyon. Maraming  tao ang  nagnanais ng kaginhawahan sa halip na pumili ng isang masustansiyang diet. Kaya naman maraming tao ang mas gusto ang mga instant na pagkain at fast food kaysa sa masustansiyang  pagkain dahil nakakabusog at mabilis gawin ito.

Sa  pag-aaral, ang kaloriya  ng isang Amerikano ay nasa humigit-kumulang 3,600 bawat araw. Sa kabila ng malaking bilang ng kaloriya  na mayroon ang Amerikano, karamihan sa pagkain na kanilang kinakain ay mataas sa sodium at fats, kaysa sa ibang  wastong nutrisyon.

Isa pang dahilan kung bakit ang mga tao ay hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon dahil sa fad. Marami ring pananaliksk ang tumatalakay  sa epekto ng nutrisyon sa kalusugan ayon sa kasarian. 

Ipinakikita ng  pag-aaral na ang mga kabataang babae na sumusubok ng mga fad diet ay kulang sa copper  at potassium. Ang mga resulta ay naging  dahilan ng pag-aalala, dahil ang mga bitamina at mineral na iyon ay nakatutulong na maiwasan ang  malalang kondisyon at mapanatiling malusog ang  mga katawan.

Ang mga Panganib ng Mababang  Diet at Nutrisyon

Humigit-kumulang 30-40% ng lahat ng uri ng kanser ang epekto ng nutrisyon sa kalusugan. Bagama’t hindi  lunas o direktang sanhi ng kanser ang nutrisyon, malaki pa rin ang papel nito.

Ang epekto ng nutrisyon ay makikita sa mga bata. Kung ang mga bata ay hindi nakakatanggap ng sapat na nutrisyon. hindi nila maaabot ang kanilang pinakaangkop na timbang at taas. Kasabay nito, maaari silang magdusa mula sa sintomas ng malnutrisyon at iba pa. 

Bukod pa rito, ang  di maayos na diet ay maaaring maging sanhi ng obese, lalo na kung sila ay kumakain ng processed food. Gayunpaman, hindi lamang ang pagtaas ng timbang ang problema. 

Ang obese at pagiging sobra sa timbang ay naiugnay sa sakit, tulad ng sakit sa puso, altapresyon, diabetes, at sakit sa bato, at iba pa.

Ano ang mangyayari kapag kulang sa sustansya ang  katawan?

Nakompromiso  ang kakayahan ng  katawan na kumilos kapag hindi sapat ang sustansya sa katawan. Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng wastong nutrisyon.

Kakulangan sa protina

Maaaring ang hindi pagkain ng tamang uri ng  protinaat kasalatan nito ay maaaring  magkaroon ng mga problema sa atay, pagbaba ng enerhiya, pahina ng  immune system, at makita ang atrophy ng muscle.

Pagkabulok ng ngipin

Hindi rin natin maaaring balewalain ang epekto ng pagkain sa ating mga ngipin. Kapag kumain ng  diet na mataas sa asukal, madaling mabulok ang ngipin. Ang mga asukal at acidic na pagkain ay maaaring magpahina sa mga ngipin, lalo na kung hindi   wasto ang paglilinis ng bibig. Dagdag pa, ang kakulangan  sa nutrisyon  ay maaaring humantong sa sakit ng  gilagid at maaaring magkaroon ng impeksiyon.

Kakulangan sa Vitamin D

Ang kakulangan sa bitamina ay n malaking problema ng  maraming tao sa mundo. Halimbawa, ang karaniwang kakulangan ay vitamin D. Ito ay humahantong sa pagkahulog sa mga matatanda, diabetes, impeksyon,  kanser, at sakit sa immune system, atbp.

Kakulangan ng Calcium

Ang  karaniwang nutrisyon na kulang sa  tao ay ang calcium. Ito ay isang mineral sa  katawan at napakahalaga para sa hormone at muscle function. Ang kakulangan ng calcium ay maaaring humantong sa hypocalcemia, osteoporosis, pagbabago sa ngipin, atbp.

Panghihina ng katawan 

Maliban sa mga sakit, ang kakulangan sa nutrisyon ay malaki ang epekto sa kalidad ng buhay ng isang tao  at hitsura ng katawan. Halimbawa, kulang ka sa folate, bitamina C, at iron, maaaring mayroon kang tuyong buhok. Maaaring  makaramdam ng pagod dahil kulang sa iron, at may ridged na  kuko mula sa mababang calcium, protina, vitamin  A, atbp.

Bukod rito, ang kakulangan ng ilang nutrisyon, lalo na ang bitamina, ay maaaring makapinsala sa kaisipan. Bagama’t hindi pa rin tiyak ang resulta ng pag-aaral, dahil ang pag-aaral ay ginawa sa hayop. Gayunpaman,  isang halimbawa ay  kakulangan sa sustansya ay madaling mahapo ang isang tao at  pagkaantok na makaapekto sa kaisipan. 

Paano makakakuha ng mas maraming  nutrisyon?

Ang pinakasimpleng paraan upang matiyak na makakakuha ng maraming nutrisyon ay sa pamamagitan ng pagkain ng  masustansiya, balanseng diet. 

Kabilang dito ang pagtiyak na makakain ng sapat  mula sa limang pangkat ng pagkain bawat araw. Pinakamainam kung susubukang magluto ng maraming masusustansyang pagkain hangga’t maaari, sa halip na kumain ng processed food na puno ng preservative. At mainam din na tumikim lamang ng maalat, mataba, at matamis na pagkain. 

Makabubuting kumonsulta sa doktor bago uminom ng anumang supplement. Ang  mga supplement  ay maaaring magkaroon ng side effect, at maaaring hindi mo ito kailangan kung kumain ka ng balanseng diet. Komunsulta ng doktor upang mabigyan ng supplement. Dapat nating unahin ang ating kalusugan, at gumawa nang wastong  desisyon upang makaganap  ang  katawan sa mga gawain. Ang pag-aaral ng higit pa tungkol sa nutrisyon at ang epekto  sa kalusugan ay makakatulong  na mamuhay nang higit na masaya. 

Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. Malnutrition and Health in Developing Countries https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC1180662/ 15 May 2020
  2. Younger women not getting enough nutrients, survey warns https://www.nhs.uk/news/food-and-diet/younger-women-not-getting-enough-nutrients-survey-warns/ 15 May 2020
  3. Food Supply https://ourworldindata.org/food-supply#the-global-perspective-on-caloric-supply 15 March 2020
  4. Nutrition and Breast Cancer Risk Reduction https://www.breastcancer.org/tips/nutrition/reduce_risk 15 May 2020
  5. Health Risks of Being Overweight https://www.niddk.nih.gov/health-information/weight-management/health-risks-overweight 15 May 2020
  6. Diet for Healthy Teeth https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/d/diet-and-dental-health 15 May 2020
  7. Cognitive Effects of Nutritional Deficiency https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pubmed/3913300 15 May 2020
  8. Should You Take Dietary Supplements? https://newsinhealth.nih.gov/2013/08/should-you-take-dietary-supplements 15 May 2020
  9. Nutritional Status and Food Safety http://www.fao.org/elearning/course/FN/EN/pdf/trainerresources/learnernotes0280.pdf 15 May 2020

Kasalukuyang Version

11/21/2022

Isinulat ni Tracey Romero

Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Malnutrisyon: 6 Na Maling Paniniwala Tungkol Dito

Powdered Milk vs Fresh Milk, Ano ang Pinagkaiba nila sa Sustansya?


Narebyung medikal ni

Mike Kenneth Go Doratan, MD

General Surgery · The Medical City Ortigas


Isinulat ni Tracey Romero · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement