backup og meta

Chewing Gum para sa Gutom, Nakatutulong nga ba?

Chewing Gum para sa Gutom, Nakatutulong nga ba?

Dahil sa lockdown, maraming tao ang nahilig sa pagluluto at baking. Nagdulot ito ng bagong termino na naririnig at nakikita lalo na sa social media sites – “quarantine body.” Bagaman walang masama na madagdagan ng timbang, parami nang parami ang mga taong nagsisimulang maghanap ng iba’t ibang lifestyle changes at maging ng health fads. Sa kagustuhang makahanap ng mga paraan upang madaling pumayat, isang hindi inaasahang solusyon ang lumutang. Lumabas kamakailan ang chewing gum at ang diumanong kakayahan nitong labanan ang gutom, na nagreresulta sa pagbaba ng timbang. Lumitaw ngayon ang isang tanong, nakatutulong nga ba ang chewing gum para sa gutom? 

Nakatutulong nga ba ang chewing gum para sa gutom?

Sinasabi ng kamakailan lang na mga pag-aaral na ang chewing gum ay makatutulong sa pagbaba ng timbang sa pamamagitan ng epekto nito sa gana sa pagkain at pagkonsumo ng energy. Nakatutulong ba ang chewing gum upang mabawasan ang iyong gutom? Oo, nakatutulong. Dagdag pa, batay sa resulta ng nagdaang pag-aaral, sinasabing nagdudulot ng pagkabawas ng timbang ang chewing gum:

Ang Chewing Gum Ayon sa Pag-aaral

  • Natuklasang ang pagnguya ng gum sa loob ng 15 minuto matapos mananghalian ay nakababawas ng gana sa pagkain lalo na ng matatamis. Nagreresulta ito sa 36 kcal (8.2%) na kabawasan sa energy intake mula sa kasunod na pagkain.
  • Naiuugnay din ang chewing gum sa pagkabawas sa stress perception, na maaaring mauwi sa pagkabawas ng energy intake dulot ng stress-induced eating. Kapag hindi nag-chewing gum ang participant, nakararamdam sila ng mas matinding tense at hindi nagiging relax. Kapag naman nag-chewing gum sila, nababawasan ang kanilang tense at mas kalmado. Nauugnay din ang chewing gum sa pagpapababa ng anxiety at stress habang gumagawa ng mahihirap na multitasking activities sa isa pang pag-aaral.
  • Matapos ang walong linggo, may malaking kabawasan sa circumference ng baywang at sa systolic at diastolic blood pressure ng mga nag-chewing gum kumpara sa mga taong hindi nag-chewing gum.
  • Mas mura ang chewing gum bilang alternatibong sweets na maaaring ikonsumo bilang panghimagas. Ibig sabihin, maaaring piliin ng mga taong mag-chewing gum kaysa bumili ng mas mahal na matatamis na pagkaing may mas mababang caloric content.

 Nakababawas ba ng gutom ang chewing gum? Sa kabila ng mga resulta ng ilang mga pag-aaral na nagpapakita ng mga positibong epekto ng chewing gum sa pagbaba ng timbang, mayroon namang iba ang sinasabi. Hindi lamang lumalabas sa mga pag-aaral na ang regular na pag-chewing gum at pagbibigay ng impormasyon sa nutrisyon ay hindi nagreresulta sa malaking pagbabago sa timbang, nakakita rin ng ilang disadvantages dito.

Ang mga sumusunod ay napag-alamang hindi magandang dulot ng chewing gum:

Migraines

Sa bagong pag-aaral, nauugnay ang araw-araw na pagnguya ng gum sa pagsakit ng ulo ng mga teenager. Kalahati sa mga volunteer na tumigil sa chewing gum sa loob ng isang buwan ay nakitaan ng malaking pagkabawas sa tindi ng sakit ng ulo. Bumalik ang sakit ng kanilang ulo nang bumalik sila sa chewing gum.

Pagkain ng Junk Food

Isang popular na paraan ang chewing gum upang makaiwas ang mga tao sa mapaminsalang mga pagkain. Ang epekto, sa kabilang banda, ay malaking kaibahan. Ang mga taong ngumunguya ng gum ay may mababang motibasyong kumain. Ngunit ang kinakain naman nila ay hindi ganoon kasusustansya. Mas malapit sa pagkain ng junk foods ang mga gum chewers kumpara sa mga kumakain ng gulay at prutas matapos ngumuya ng gum. Ito ay maaaring dahil sa minty na amoy ng gum, na tumutulong upang maglasang mapait ang mga prutas at gulay. 

Tumataas ang Tsansa ng TMJ

Nagdudulot ng sobrang stress sa panga ang pagnguya ng gum na nakadaragdag sa pagkakaroon ng TMJ. Ang TMJ (temporomandibular joint disease) ay masakit na karamdamang dulot ng maling paggamit ng partikular na muscle ng panga. Puwede itong magdulot ng sakit ng ulo, neck discomfort, pananakit ng tainga, at ng marami pang isyu.

Pagkasira ng Ngipin

Kapag ngumuya ka ng gum, nababalutan ng asukal ang iyong ngipin. Maaari itong magdulot ng pamumuo ng plaque at pagkabulok ng ngipin. Kahit ang mga sugar-free gum ay maaaring makasama sa iyong ngipin dahil sa artificial flavors nito at preservatives na dahilan upang masira ang iyong ngipin sa paglipas ng panahon. Dagdag pa, maaaring magdulot ang chewing gum ng paglabas ng neurotoxin mercury sa iyong katawan kung mayroon kang mercury fillings. 

Problema sa Sikmura

Nagdudulot ang chewing gum para sa gutom ng tension sa sikmura at mga bituka. Nangangailangan ang sikmura ng oras upang makatunaw ng pagkain. Ngunit kung palagi kang ngumunguya ng gum, lumulunok ka ng sobrang dami ng spit, na pumipigil sa iyong katawan na mag-digest nang tama. Inaalerto din ng pagnguya ang katawan na may pagkaing malapit nang lunukin, na nagdudulot sa enzymes at acids na maging aktibo upang durugin ang pagkain. Kapag hindi ka kumain, nagiging bloated ang katawan, gumagawa ng sobrang acid sa sikmura, at binabawasan ang kakayahan mong makatunaw ng pagkain. Bukod pa dito, nakapagdudulot ng diarrhea at iba pang gastrointestinal issues ang artificial sweeteners ng gum. 

Mga dapat ikonsidera kapag ngumunguya ng gum upang mabawasan ang timbang

Nagiging malinaw na sa atin ang tanong na “Binabawasan ba ng chewing gum ang gutom?”

Tingnan natin ngayon kung paano mo mai-ma-maximize ang mga benepisyo nito.

Chewing gums na may caffeine

Ang caffeine, isang stimulant na madalas na matatagpuan sa kape at tsaa. Maaari itong makatulong sa pagbawas ng timbang sa pamamagitan ng pagpapalakas ng dami ng mga calorie at taba na sinusunog ng iyong katawan. Lumalabas sa mga pag-aaral na nakatutulong ang caffeine sa tao na makasunog ng mas maraming fat habang nagpapahinga at nag-eehersisyo. Bilang resulta, nakatutulong ang chewing gum na may caffeine sa pagbawas ng timbang. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na matutulungan ka nitong mabawasan ang timbang sa pagtagal ng panahon.

Maaaring bumaba ang epekto ng caffeine sa iyo sa paglipas ng panahon kapag nasanay na ang iyong katawan dito. At mas mahalaga, kahit na ngumunguya ka ng ilang piraso ng gum sa bawat araw, maaari mo pa ring malagpasan ang 400mg na daily caffeine limit. Lalo na kung kumokonsumo ka ng karagdagang pagkain o inuming may caffeine. Ang sobrang caffeine ay maaaring magdulot sa iyo ng pakiramdam na kinakabahan o mahirapan kang matulog. Puwede rin itong magdulot ng pagduduwal, pagsusuka, matinding pagbilis ng tibok ng puso, at maging seizures sa napakaraming dosage. Ang resulta, kailangang iwasan ang sobrang pagkonsumo ng caffeine.

Sugar-free gum

Sinasabing ang sugar-free gum ay maiuugnay sa mataas na level ng satisfaction, na nakababawas sa paghahanap ng pagkain. Bukod dyan, ginagawa ang sugar-free gums na may sugar alcohols kaysa sa asukal lang. Mayroon itong mas kaunting calories kumpara sa karaniwang asukal. Ang bawat piraso ng sugarless gum ay karaniwang may mas mababa pa sa 5 calories. Ang regular gum, sa kabilang banda naman ay maaaring may 10 – 25 calories.

Sa kabila nito, mahalagang tandaan na ang sugar-free gum at dapat na ikonsumo in moderation. Ito ay dahil ang artificial sweeteners tulad ng aspartame at sucralose na naiuugnay sa poor gut health, type 2 diabetes, cardiovascular disease, at obesity, ay karaniwang matatagpuan sa chewing gums.

Ngumuya ng gum in moderation

Nakababawas ba ng gutom ang pagnguya ng gum? Hindi gaano, at maaari din itong magdulot ng iba pang sintomas. Ang mga sugar alcohol gaya ng sorbitol, na kasama sa chewing gum ay kilalang nagdudulot ng pulikat, gas, bloating, at pagtatae, lalo na kung kinonsumo ito ng higit pa sa 5-20 grams kada araw. Kahit na may kaunting asukal at calories ang gum, mayroon pa rin ito. Kaya naman, maaari pa ring magdulot ng problema sa kalusugan sa paglipas ng panahon ang pagnguya ng gum.

Ang pagnguya ng gum ay isa lamang band-aid solution

Bagaman nakatutulong ang chewing gum para sa gutom sa pagbawas ng timbang, wala naman itong kakayahang sumunog ng taba ng katawan at hindi rin ito tiyak nagbibigay ng long-term weight loss plan. Pinakamainam pa ring kumonsulta sa iyong doktor o iba pang professionals upang magkaroon ng mas ligtas at healthy diet plan.

Key Takeaways

Nakababawas ba ng gutom ang chewing gum? Oo, nakababawas. May kakayahan itong bawasan ang gana sa pagkain at pananabik sa matatamis. Gayunpaman, may banta rin ito sa kalusugan. Ang problema sa tiyan at pagkasira ng ngipin ay ilan lamang sa disadvantages ng chewing gum. Hindi rin ito nagbibigay ng long-term plan upang mabawasan ang timbang at isa lamang itong band-aid solution.

Matuto ng higit pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Does chewing gum help you lose weight?, https://edition.cnn.com/2019/05/08/health/chewing-gum-weight-loss-diet-food-drayer/index.html Accessed July 16, 2021

Randomized Controlled Trial of Chewing Gum for Weight Loss,https://onlinelibrary.wiley.com/doi/full/10.1038/. Accessed July 16, 2021

Beat your cravings: 8 effective techniques, https://diet.mayoclinic.org/diet/eat/beat-your-cravings?xid=nl_MayoClinicDiet, Accessed July 16, 2021

 

Kasalukuyang Version

06/13/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement