Kapag nagawi ka sa dairy area ng anumang grocery store, makikita mo na marami ang iba’t ibang pagpipilian na yogurt. Ang isa pang spelling nito ay “yoghurt”. Ang dessert na ito ay naka hanay sa dating eksklusibong domain ng ice cream, kadalasan bilang isang healthier alternative. Magbasa pa at matuto sa benepisyo ng yogurt sa kalusugan.
Bagama’t ang aktwal na yogurt craze sa Pilipinas ay malamang na sumikat mahigit isang dekada na, may mga tatak pa rin ng yogurt na makikita mo sa mga mall. At ang mga ito ay nakabuo ng isang loyal fanbase. Ito ang tanong: ano ang iba’t ibang uri ng yogurt, at ano ang kanilang mga benepisyo, kung mayroon man?
Ano ang Yogurt?
Ang Yogurt ay isang fermented na dairy product at isang pagkaing siksik sa nutrisyon. Ito ay isang rich source ng calcium na nagbibigay ng malaking halaga ng calcium sa bio-available form. Bilang karagdagan, ang benepisyo ng yogurt ay nagbibigay ng milk proteins na may mas mataas na biological value. Nagbibigay ito ng halos lahat ng mahahalagang amino acid na kailangan para mapanatili ang mabuting kalusugan.
Marahil yogurt na ang pinakakaraniwang anyo ng probiotics, na naglalaman ng mga buhay na organismo. Ang mga ito ay karaniwang mga partikular na strain ng bacteria na direktang nagdaragdag sa populasyon ng malusog na mikrobyo sa iyong bituka.
Ginagawa ang yogurt sa pamamagitan ng pagpe-ferment ng gatas na may iba’t ibang bakterya, na naiwan sa final product. Ang iba pang mga bacteria-fermented na pagkain, tulad ng sauerkraut, kombucha, at kimchi, ay mahusay ding pinagmumulan ng probiotics.
Pinagmulan at Komposisyon ng Yogurt
Ang pinagmulan ng yogurt ay maaaring masubaybayan pabalik sa Turkey noong 6000 B.C. nang aksidenteng natuklasan ang mga produktong fermented milk kabilang ang yogurt. Ito ay noong nag-iimbak sila ng gatas sa mga bag ng balat ng tupa. Ang terminong yogurt ay nagmula sa Turkish na pandiwa na “jugurt” na nangangahulugang “i-curdled o coagulated.”
Ito ay mayamang mapagkukunan ng milk proteins, carbohydrates, mineral tulad ng calcium at phosphorous. Kasama rin ang mga bitamina tulad ng riboflavin (B2), thiamin (B1), cobalamin (B12), folate (B9), niacin (B3) at bitamina A. Ang milk proteins na makukuha sa yogurt ay nasa mataas na kalidad. Ito ay dahil sa mataas na biological value nito at nagbibigay ng halos lahat ng mahahalagang amino acid na kinakailangan upang mapanatili ang mabuting kalusugan. Kaya naman, maganda ang benepisyo ng yogurt sa kalusugan.
Mga Uri ng Yogurt
May ilang uri ng yogurt na available sa merkado, kaya pinakamainam na malaman ang mga varieties bago pumili ng isang uri ng yogurt nang random.
Ang plain o natural na yogurt ay ang pinakasimple at purong anyo ng yogurt. Ito ang plain at unsweetened fermented milk product na walang idinagdag na kulay o anumang iba pang additives. Ang plain yogurt ay nagbibigay ng pinakamadalisay na lasa ng yogurt habang nagbibigay ng pinakamayamang calcium content sa mga variant ng yogurt.
Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang flavored yogurt ay may iba’t ibang lasa na idinagdag dito. Kabilang dito ang ngunit hindi limitado sa mga prutas, cereal, gulay, tsokolate, at vanilla. Ang tamis ng lasa ng yogurt na ganito ay mas mataas din kaysa sa plain yogurt.
Mga Benepisyo ng Yogurt
Ang Yogurt ay isang nutrient-dense na pagkain. Naglalaman ito ng mahahalagang nutrients tulad ng protina, bitamina, at mineral na kailangan para sa paglaki. Bilang probiotic, ang yogurt ay dapat na may mga therapeutic effect tulad ng pag-iwas sa mga impeksyon sa urogenital system, pagpapagaan ng constipation, proteksyon laban sa pagtatae, pag-iwas sa infant diarrhea, pag-iwas sa hypercholesterolemia, proteksyon laban sa colon/bladder cancer, at pag-iwas sa osteoporosis.
Naiulat na napapabuti ng yogurt ang lactose tolerance ang ilang indibidwal, pati na rin ang pagpapahusay ng immune at pag-iwas sa mga gastrointestinal disorder. Dahil dito sa mga kilalang benepisyo ng yogurt sa kalusugan, tumaas ang demand ng consumer para sa yogurt at mga produktong nauugnay dito sa nakalipas na ilang dekada. Kaya maraming opsyon ang nakikita mo ngayon.
Ang pagsasama-sama ng yogurt at prutas ay maaaring magbigay ng probiotics, prebiotics, mataas na kalidad na protina, mahahalagang fatty acid, at pinaghalong bitamina at mineral na may potensyal na magkaroon ng synergistic na epekto sa kalusugan.
Naiuugnay din ang pagkain ng yogurt sa pagbaba ng timbang at mababang rate ng type 2 diabetes.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmr]