backup og meta

Benepisyo ng Fermented Foods: Ano-Ano Ang Mga Ito?

Benepisyo ng Fermented Foods: Ano-Ano Ang Mga Ito?

Kinaugalian, ang proseso ng pagbuburo (fermentation) ay ginagamit upang makatulong na mapanatili ang mga pagkain na iimbakin sa mahabang panahon. Sa mga araw na ito, bagama’t hindi natin kinakailangang magburong pagkain para sa pag-iimbak, kumakain tayo nito dahil sa benepisyo ng fermented foods.

Narito ang 5 magagandang dahilan kung bakit dapat na idagdag ang mga fermented foods sa iyong diet.

5 Napatunayang benepisyo ng fermented foods

Ang pagbuburo (fermentation) ay isang proseso kung saan ang mga pagkain ay sumasailalim sa chemical changes. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng mga microorganism. Maaaring maging yeast o fungi, bacteria, o kombinasyon ng dalawa ang microorganisms na ito.

Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng nabubulok o pagkasira at pagbuburo, ang pagbuburo ay nagpapanatili ng “mabubuting” microorganism at pumapatay ng mga nakakapinsalang bacteria. Kapag ginawa nang maayos, ang mga fermented food ay may maraming benepisyo sa kalusugan, at maaaring mapabuti ang pangkalahatang kalusugan ng isang tao.

Ang ilang magagandang halimbawa ng mga fermented food ay miso, yogurt, alak, beer, atsara, kimchi, at sourdough bread.

1. Naglalaman ang mga ito ng mabubuting bacteria 

Ang isang mahalagang benepisyo ng fermented foods ay karamihan sa mga ito ay naglalaman ng mabubuting bacteria. Ang ating tiyan ay naglalaman ng milyon-milyong bacteria na kayang gawin ang lahat ng uri ng mga kamangha-manghang bagay.

Mula sa pagpatay sa masasamang bacteria, pagtulong sa digestion, at pagpapalakas ng immune system, ang ating katawan ay nangangailangan ng isang maraming pangkat  ng mabubuting bacteria. At isa sa pinakamagandang paraan para magkaroon nito ay ang kumain ng mga pagkaing buro, dahil naglalaman ito ng bacteria na kailangan ng ating katawan.

2. Nakatutulong ang mga fermented food sa digestion

benepisyo ng fermented foods 2

Ang isa pang benepisyo ng fermented foods ay nakatutulong sa digestion. Dahil ang bacteria na nakukuha natin sa pagkain ng mga fermented food ay makakatulong din sa pagtunaw ng ating mga kinain.

Ang bacteria ay nagtatrabaho nang mahusay sa pagtunaw ng pagkain, at ito rin ay nagbibigay-daan sa upang i-maximize ang mga sustansyang ina-absorb nito. Ito ay nakatutulong sa pagsira ng hindi natutunaw na fiber, na karaniwang matatagpuan sa mga prutas, gulay, at grain. 

Ang ating katawan y nangangailangan ng fiber upang mapanatili ang mahusay na digestion, ngunit hindi natin madaling matunaw ang fiber. Sa pamamagitan ng pagkain ng mga fermented food, mapaparami natin ang mga mabuting bacteria sa ating bituka, at mapapabuti ang ating kakayahan sa pagtunaw ng fiber.

3. Ang mga fermented food ay nagpapabuti sa kalusugan ng bituka

Ang pagkain ng mga fermented food ay maaari ring makatulong na mapabuti ang kalusugan ng ating bituka. Isang halimbawa nito ay sa tuwing umiinom ka ng mga antibiotic, maaari mong mapansin na ikaw ay nagtatae. Maaari ring makaranas ka ng problema sa digestion. 

Ang dahilan sa likod nito ay pinapatay ng mga antibiotic ang mabuti at masamang bacteria. At kapag may kakulangan ng mabuting bacteria sa iyong bituka, mas madaling kapitan ng mga problema sa pagtunaw. Upang malabanan ito, dapat kumain ng mas maraming fermented food tulad ng yogurt, atsara, miso, at kimchi. Ang pagkain ng mga fermented food na ito ay maaaring makatulong na mapunan muli ang mabubuting bacteria sa iyong bituka, at makatutulong na maiwasan ang mga problema sa pagtunaw.

4. Mas Marami Itong Sustansya 

Isa pa sa napatunayang benepisyo ng fermented foods ay mas marami itong sustansya. Ang dahilan sa likod nito, ang fermented food ay dumaan na sa maraming pagbabagong kemikal dahil ipinaghiwa-hiwalay ng bacteria. Nagreresulta ito sa mga fermented food na may mas maraming sustansya.

Bukod pa rito, ang mabubuting bacteria sa mga fermented food ay nakatutulong sa paghuka ng sustansya mula sa pagkain. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng pag-synthesize at pag break down ng mga nutrients sa pagkain.

Nangangahulugan ito na maaari kang mag-absorb ng mas maraming sustansya at maging mas malusog sa pamamagitan lamang ng pagdaragdag ng mga fermented food sa iyong diet.

5. Makakatulong Ito na Palakasin ang Iyong Immune System

Panghuli, ang pagkain ng mga fermented food ay maaaring makatulong na palakasin ang iyong immune system. Ito ay dahil halos 70% ng iyong immune system ay nasa loob ng iyong bituka.

Kung mas malusog ang iyong bituka, mas mahusay na maprotektahan ng iyong immune system ang iyong katawan laban sa impeksiyon. At sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkaing buro, pinapabuti mo ang iyong kalusugan sa bituka (gut health) pati na rin ang iyong immune system.

Key Takeaways

Ang mga fermented food ay lubos na makatutulong na mapanatili ang malusog at malakas na katawan. Ang mga pagkaing ito ay naglalaman ng maraming mabubuting bacteria pati na rin ang mga sustansya na kailangan ng ating katawan upang mapanatili ang mga bodily function at mapabuti ang pangkalahatang kalusugan. Ugaliing kumain ng mas maraming fermented food araw-araw upang matikman ang mga benepisyo ng fermented foods.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

5 Reasons to Add More Fermented Foods to Your Diet – Health Essentials from Cleveland Clinic, https://health.clevelandclinic.org/5-reasons-you-should-add-more-fermented-foods-to-your-diet-infographic/, Accessed November 24, 2020

Fermented foods can add depth to your diet – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/fermented-foods-can-add-depth-to-your-diet, Accessed November 24, 2020

Health benefits of fermented foods – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28945458/, Accessed November 24, 2020

Benefits of Traditional Fermented Foods – Our World, https://ourworld.unu.edu/en/benefits-of-traditional-fermented-foods, Accessed November 24, 2020

Health benefits of fermented foods: microbiota and beyond, https://isappscience.org/wp-content/uploads/2018/11/Marco-health-benefits-fermented-foods-ISAPP-rev-171.pdf, Accessed November 24, 2020

Kasalukuyang Version

01/01/2023

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Lornalyn Austria


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement