backup og meta

Benepisyo ng Black Beans at Black Bean Juice, Alamin!

Benepisyo ng Black Beans at Black Bean Juice, Alamin!

Mayaman sa fiber, protein, at sustansya ang roasted black beans. Buti na lang at madali mong magagawa ang masustansyang inumin na ito sa bahay! Alamin ang benepisyo ng black beans dito.

Para makuha ang mahahalagang sustansya ng black beans, puwede mong kainin nang direkta ang nilutong black beans o inumin ang tubig na pinagpakuluan nito. Kapansin-pansin, matagal nang itinuturing ng mga babaeng Asyano bilang natural beauty regimen ang pag-inom ng roasted black bean juice. Sinasabi ng mga eksperto na hindi lang nakatutulong ang mga nutritional component ng roasted black beans sa pagkontrol ng timbang, ngunit nakapagbibigay din ito ng youthful at makinis na balat. Posible ring marami pang ibang hindi inaasahang benepisyo ng black beans sa kalusugan.

Ano ang mga Benepisyo ng Pag-inom ng Roasted Black Beans?

Narito ang mga posibleng benepisyo ng black beans:

1. Nakatutulong sa Malusog na Buto

Mahalaga ang dalawang mineral na calcium at phosphorus para sa mga buto. Habang mahalaga naman ang iron at zinc sa pagpapanatili ng lakas at elasticity ng joints. Ang mabuti rito, naglalaman ng lahat ng sustansyang ito ang black beans. Samakatuwid, kung nais mong palakasin ang iyong buto at kalusugan ng iyong joint, isaalang-alang ang pagkain ng roasted black beans.

2. Tumutulong sa Pagpapababa ng Blood Pressure

Mahalaga ang pagkonsumo ng mababang sodium para mapanatili ang blood pressure sa normal range. Karaniwang mababa sa sodium ang black chickpeas. Naglalaman din sila ng potassium, calcium at magnesium, na tumutulong sa natural na pagpapababa ng blood pressure.

3. Tumutulong sa Diabetes Treatment

Ipinakita ng mga pag-aaral na may mas mababang blood sugar level ang mga taong may type 1 diabetes na mayroong high-fiber diet. Sa kabilang banda, maaari naman mapabuti ng mataas na fiber ang blood sugar, lipid, at insulin levels ng mga taong may type 2 diabetes.

Alam mo ba? Naglalaman na ng 15 g ng fiber ang isang tasa ng lutong black beans.

4. Pinoprotektahan ang Puso

Mayroon ding mga anti-inflammatory properties at mataas na level ng B complex vitamins ang black beans. Ito ang tumutulong sa pagpapalakas ng blood vessel health, pagbabawas ng bad cholesterol at triglyceride. Sumusuporta din ito sa mga taong may sakit sa puso.

5. Napapababa ang Panganib sa Kanser

Maaaring mapababa ng roasted black beans ang panganib mula sa kanser dahil naglalaman ito ng 8 na iba’t ibang flavonoids, mga plant compound na may kakayahang bawasan ang pinsala mula sa free radicals na maaaring baguhin ang cells at magdulot ng kanser. Bukod pa rito, dahil naglalaman ng maraming fiber ang black beans, makatutulong din ito na mapababa ang panganib mula sa colon cancer.

6. Tumutulong sa Digestive System

Dahil sa nilalaman nitong fiber, tinutulungan ng black beans na mas madaling gumalaw ang mga pagkain sa digestive tract. Ito ang tumutulong umiwas sa digestive problems tulad ng heartburn at constipation.

7. Nakatutulong sa Pagbabawas ng Timbang

Nakakabusog at nakakabawas ng cravings ang mga pagkaing mataas sa fiber, na nagpapabusog sa iyo nang mas matagal. Nakakatulong ito na bawasan ang overall calorie intake. Maraming pag-aaral ang nagpapakitang nagpapababa ng panganib mula sa obesity, diabetes, at sakit sa puso ang pagkain ng plant foods (tulad ng inihaw na black beans).

8. Nagpapalakas ng Skin Health

May mahalagang papel sa collagen production ang 10 mahahalagang amino acid na matatagpuan sa black beans. Samakatuwid, makatutulong ang pag-inom ng black bean water mapanatili ang makinis na balat at mapabagal ang signs of aging.

benepisyo ng black beans

Paano Gumawa ng Roasted Black Bean Juice

Iniisip kung paano gagawa ng homemade black bean juice? Narito ang mga simpleng hakbang:

Step 1 – Pumili ng black beans na may matigas na buto at walang peste. Banlawan upang maalis ang dumi at huwag piliin ang mga sirang beans. Kumuha ng 100 g ng black beans.

Step 2 – Ilagay ang kawali sa mahinang apoy at igisa ang black beans. Haluin nang tuluy-tuloy para hindi masunog ang beans. Panatilihing mahina ang apoy. Gisahin ito hanggang sa manilaw at bumango, at saka patayin ang apoy pagkatapos.

Step 3 – Ibuhos ang roasted black beans sa isang plato. Magpakulo ng 1 litro ng tubig. Ilagay ang lahat ng roasted beans sa tubig at pakuluan ng 10 minuto. Patayin ang apoy; takpan ang kaldero sa 15 minuto.

Step 4 – Panghuli, gumamit ng sieve o strainer para alisin ang roasted black beans. Kunin ang pinalamig na tubig, ibuhos sa bote para unti-unting inumin. Maaari mo ring ilagay ang tubig sa refrigerator.

Pagtapos gumawa, maaaring ilagay sa refrigerator ang roasted black bean juice nang hanggang 24 na oras. Iwasan iwanan ang tubig sa room temperature nang walang takip. Madaling magdulot ang paggawa nito ng sakit sa tiyan kapag ininom.

Paalala Kapag Umiinom ng Roasted Black Bean Juice

Kung iinom ng tubig galing sa pinakuluang roasted black beans, gawin lang ito nang katamtaman. Maaaring makasagabal ang sobrang pag-inom nito sa absorption ng iba pang sustansya sa katawan. Huwag magpainom ng roasted black beans sa mga bata.

Gayundin, hindi dapat kumakain ng black beans ang mga taong may colitis, damaged spleen, loose bowel movement, at mahinang digestion.

Binabawasan ng phytate ng black bean juice ang absorption ng iron, zinc, at calcium sa ibang mga pagkain. Samakatuwid, huwag uminom ng black bean juice sa loob ng 4 na oras pagtapos kumain ng mga pagkaing naglalaman ng mga mineral na ito.

Kung gustong regular na uminom ng roasted black beans water, komunsulta muna sa iyong doktor.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Beans: Protein-Rich Superfoods, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/recipes/black-bean-and-corn-relish/rcp-20049744, Accessed December 15, 2021

Black bean wrap, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/recipes/black-bean-wrap/rcp-20049847, Accessed December 15, 2021

Antioxidant Superstars: Vegetables and Beans, https://www.health.harvard.edu/blog/recipe-for-health-cheap-nutritious-beans-201211305612, Accessed December 15, 2021

Everything you need to know about black beans, https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/meat-or-beans-what-will-you-have-part-ll-beans, Accessed December 15, 2021

Black Beans, https://nutritionfacts.org/topics/black-beans/, Accessed December 15, 2021

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement