backup og meta

Benepisyo ng Bawang at Sibuyas sa Kalusugan, Alamin Dito!

Benepisyo ng Bawang at Sibuyas sa Kalusugan, Alamin Dito!

Karamihan sa mga pagkaing Pinoy tulad ng tanyag na Adobo ay masarap dahil sa mga lasa ng mga pinaghalo-halong sangkap. Simula sa paggigisa ng bawang at sibuyas hanggang sa paglagay ng mga huling rekado bago ito ihain sa hapag kainan. Ano kaya ang dulot na benepisyo ng bawang at sibuyas hindi lamangng sa ating mga pagkain, maging sa ating kalusugan? Talakayin natin dito. 

Fun fact: Alam mo ba na unang niluluto o ginigisa ang bawang at sibuyas upang ito ay makapagbigay ng dagdag na lasa sa mantika? Sa ganitong paraan, mas naa-absorb ang lasa ng pagkain na niluluto, gaya ng baboy o baka. Kabilang ang bawang at sibuyas sa pamilyang Allium na nagbibigay sa kanila ng kanilang natatanging amoy at mga pangkalusugang katangian. Kung kaya, ang mga ito magandang karagdagan upang mas maging masustansya ang iyong diyeta.

Ano-ano ang mga Benepisyo ng Bawang at Sibuyas?

Dahil madalas natin gamitin ang mga sangkap na ito bilang panggisa, nararapat din natin malaman at maunawaan ang benepisyo ng bawang at sibuyas sa ating kalusugan.

Ang Bawang ay Nakatutulong Upang Mapalakas ang Immunity

Walang magaakala na ang maliit na sangkap na ito, sa kabila ng masangsang na amoy nito, ay mainam palang panlaban sa ibat ibang mga sakit. 

Nagsagawa ng isang malaking pag-aaral na tumagal ng 12 linggo. Dito natuklasan ng mga mananaliksik na ang pangaraw-araw na pagdagdag ng bawang ay nakabawas sa bilang ng mga kalahok na sipon ng 63% na kanilang kinumpara sa isang placebo. Ang average na pagtagal ng mga sintomas ng sipon ay nabawasan din ng 70%. Ito ay mula sa 5 araw sa pangkat ng placebo na naging 1.5 araw lamang sa pangkat ng mga bawang.

Natukoy din ng isa pang pag-aaral ang bisa ng bawang, prutas, at gulay na ipababa ang panganib ng colon cancer ng 35% sa mga kababaihan na ang edad ay nasa pagitan 55 at 69.

Ang Sibuyas ay Mainam para sa Cancer Prevention

Kabilang sa listahan na ito ng benepisyo ng bawang at sibuyas ay ang kapasidad ng sibuyas upang makatulong sa pag iwas sa cancer dahil sa mga cancer-fighting compounds na taglay nito. 

Ayon sa isang pagsusuri mula 2015, mayroong pangkalahatang ugnayan ang mas mataas na pagkonsumo ng mga gulay na allium sa mababang panganib ng canser, lalo na ang mga cancer sa tiyan at gastrointestinal tract.

Dagdag pa rito, napagalaman ng mga mananaliksik na may mga compound na tinatawag na organosulfurs ang mga sibuyas. Ayon sa kanila, ito raw ang may kakayahang pigilan ang aspeto ng paglaki ng tumor.

At saka, ang isang tasa ng tinadtad na sibuyas ay mayroon ding iba pang nutrisyon tulad ng vitamin C. Ito ay nakapagbibigay din ng hindi bababa sa 13.11% ng inirerekomendang daily intake ng isang nasa hustong gulang. Bilang isang antioxidant, ang bitamina na ito ay nakatutulong na kontrahin ang pagbuo ng mga free radical compound na maaaring humantong sa cancer.

Napabubuti ng Bawang at Sibuyas ang Kalusugan ng Puso

Isa sa kilalang benepisyo ng bawang at sibuyas ay ang kani-kanilang kakayahang mapabuti ang kalusugan ng puso. 

Maaaring magkaroon ng positibong epekyo ang bawang sa arteries at blood pressure ng isang tao, ayon sa isang pananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga red blood cells ay ginagawang hydrogen sulfide gas ang sulfur sa bawang. Ito ang nakatutulong upang mapalawak ang daluyan ng dugo upang mas madaling ma-regulate ang blood pressure. 

Higit pa rito, ang isang pag-aaral mula 2019 ang nakapag-ulat na ang balat ng sibuyas ay mayroong compound na quercetin. Ayon sa mga mananaliksik, ang naturang compound ay nakatutulong mapababa ang blood pressure nang ginamit nila ito bilang supplement. 

Bukod sa blood pressure moderation, may mga ebidensya mula sa mga pag-aaral sa mga hayop ang nagsusuporta na mabisa ang pagkonsumo ng sibuyas sa pagbawas ng panganib ng iba’t ibang sakit sa puso, kabilang ang pamamaga, mataas na antas ng triglyceride at blood clot formation. 

Mahalagang Mensahe

Hindi maitatanggi ang iba’t ibang benepisyo ng bawang at sibuyas sa iyong kalusugan. Kung kaya, huwag na magpatumpik-tumpik pa at idagdag na ito sa ihahanda niyo ngayong linggo para sa inyong pamilya. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Nutrition Facts dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Preventing the common cold with a garlic supplement: a double-blind, placebo-controlled survey – P Josling, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/11697022/ Accessed May 30, 2022

Effect of garlic on cardiovascular disorders: a review – Sanjay K Banerjee and Subir K Maulik, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC139960/ Accessed May 30, 2022

Potential of garlic (Allium sativum) in lowering high blood pressure: mechanisms of action and clinical relevance – Karin Ried and Peter Fakler, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4266250/ Accessed May 30, 2022

Vegetables, fruit, and colon cancer in the Iowa Women’s Health Study – K A Steinmetz, L H Kushi, R M Bostick, A R Folsom, J D Potter,  https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/8296768/  Accessed May 30, 2022

Dietary onion intake as part of a typical high fat diet improves indices of cardiovascular health using the mixed sex pig model – Nicholas K Gabler, Ewa Osrowska, Micheal Imsic, David R Eagling, Mark Jois, Brendan G Tatham, Frank R Dunshea, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/17123162/ Accessed May 30, 2022

Garlic and Onion Attenuates Vascular Inflammation and Oxidative Stress in Fructose-Fed Rats – Marcela Alejandra Vazquez-Prieto, Cecilia Rodriguez Lanzi, Carina Lembo, Claudio Rómulo Galmarini, and Roberto Miguel Miatello, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3163016/ Accessed May 30, 2022

Effect of quercetin-rich onion peel extracts on arterial thrombosis in rats – Seung-Min Lee, Jiyoung Moon, Ji Hyung Chung, Yong-Jun Cha, Min-Jeong Shin, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/23524316/ Accessed May 30, 2022

Biological Properties and Bioactive Components of Allium cepa L.: Focus on Potential Benefits in the Treatment of Obesity and Related Comorbidities – Mariangela Marrelli, Valentina Amodeo, Giancarlo Statti, and Filomena Conforti, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6337254/ Accessed May 30, 2022

Garlic and onions: Their cancer prevention properties – Holly L. Nicastro, Sharon A. Ross, and John A. Milner, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4366009/ Accessed May 30, 2022

Vitamin C, https://ods.od.nih.gov/factsheets/VitaminC-Consumer/  Accessed May 30, 2022

Kasalukuyang Version

06/29/2022

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyu ng Eksperto Dexter Macalintal, MD

In-update ni: Dexter Macalintal, MD


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Dexter Macalintal, MD

Internal or General Medicine


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement