backup og meta

Ano Ang Quinoa, At Mas Masustansya Ba Ito Sa Kanin?

Ano Ang Quinoa, At Mas Masustansya Ba Ito Sa Kanin?

Napalitan nito ang kanin sa ilang mga ulam, kaya naman mapapatanong ka kung bakit naging sikat ito.

Ang quinoa ba ay may mas maraming benepisyo sa kalusugan kumpara sa kanin? Ano ang quinoa at bakit naging uso ito kapalit sa tradisyonal na bigas?

Mga Benepisyo ng Quinoa: Bakit pipiliin ang quinoa?

Ang Quinoa ay kasing-simpleng lutuin gaya ng kanin o couscous. Tumatagal lamang ng 15 minuto ihanda, at may maraming benepisyo sa kalusugan. 

Isang species ng halaman ng pamilyang Chenopodiaceae, ang quinoa ay nagmula sa rehiyon ng Andean at maaaring umangkop sa iba’t ibang uri ng lupa at klimatikong kondisyon. Isa itong pseudo grain na may mataas na nutritional value dahil mayaman ito sa mga protina, lipid, fiber, bitamina, at mineral, pati na rin ang pambihirang balanse ng mahahalagang amino acid.

Kabilang sa mga benepisyo ng quinoa ay: 

  • Tinutulungan ng Quinoa na lumaki ang mga kalamnan. Ang buto na ito ay may siyam na mahahalagang amino acid, isang bagay na bihira sa pagkain na hindi karne. 
  • Nakakatulong ang mataas na fiber content nito na mapanatili ang blood sugar control, na mabuti para sa mga diabetic.
  • Ang Quinoa ay mayaman sa iron, B vitamins, zinc, at calcium, ibig sabihin ito ay mabuti para sa mga lactating na ina. 
  • Ang mataas na iron content nito ay nakakatulong sa pag-circulate ng oxygen sa buong katawan at pinapalakas ang pagiging alerto ng utak. 
  • Ito ay mayaman sa magnesium, na nakakatulong sa paglaban sa migraines.

Ano ang quinoa? Ito ba ay isang buto o isang butil? 

Bagama’t teknikal na isang buto, ang quinoa ay aktwal na inuri bilang isang buong butil o whole grain. Tinatawag din na cereals, grains at whole grains ay ang mga buto ng mga damo na nilinang para sa pagkain. Ang mga butil at buong butil ay may iba’t ibang hugis at sukat, mula sa malalaking butil ng popcorn hanggang sa maliliit na buto ng quinoa. Lahat ng uri ng butil ay magandang pinagmumulan ng mga complex carbohydrates at ilang mahahalagang bitamina at mineral.

Ang pinakamalusog na uri ng butil ay buong butil. Isang mahalagang bahagi ng isang malusog na diyeta ang mga ito. 

Ang Quinoa ay isang buong butil na natural na may mataas sa fiber. Tumutulong sa iyong maramdaman ang satisfied na busog. Nagpapadali ito sa pagpapanatili ng isang malusog na timbang sa katawan. Nauugnay din ang buong butil sa mas mababang panganib ng sakit sa puso, diabetes, ilang partikular na kanser, at iba pang problema sa kalusugan.

Mga Benepisyo ng Quinoa: Pag-unawa sa Iba Pang Mga Katangian nito

Bukod pa rito, ang quinoa ay may ilang functional na katangian kabilang ang solubility, water-holding capacity (WHC), gelation, emulsifying, at foaming na nagbibigay-daan sa iba’t ibang gamit.

Itinuturing din itong oil crop, na may proporsyon ng omega-6 at isang kapansin-pansing nilalaman ng bitamina E. Ang quinoa starch ay may mga katangiang physicochemical (tulad ng lagkit, stability ng freeze) na nagbibigay dito ng mga functional na katangian na may kakaibang gamit.

Naglalaman din ito ng mataas na halaga ng mga phytochemical na kapaki-pakinabang sa kalusugan kabilang ang mga saponin, phytosterols, phytoecdysteroids. Ang Quinoa ay may malaking positibong epekto sa metabolic, cardiovascular, at gastrointestinal na kalusugan sa mga tao.

Bagama’t ang quinoa ay maaaring maging napaka-plain kapag inihanda gamit ang tubig lamang, maaring dagdagan ng lasa ito at iba pang pwedeng gawin.

Bagama’t ang diet ng mga Pilipino ay higit na nakabatay sa white rice, may pagpipilian ngayon na quinoa kasama ang mga benepisyo nito. Ang parehong kanin at quinoa ay maaaring maging bahagi ng isang healthy lifestyle. Mainam ang puting bigas kung nagpapagaling ka sa sakit sa tiyan. Pero ang brown rice ang mas malusog na pagpipilian sa pangkalahatan. Kadalasan dahil ang fiber ay nakakatulong na maiwasan ang mga pagtaas ng blood sugar.

Ang mga benepisyong pangkalusugan ng ano ang quinoa at brown rice ay mas magkatulad dahil pareho silang gluten-free, isang magandang pinagmumulan ng mineral at fiber, at parehong sumusuporta sa malusog na panunaw. Ang quinoa at brown rice ay maaaring ipalit sa puting bigas sa karamihan ng mga recipe at pagkaing Filipino.

Nasubukan mo na bang magdagdag ng quinoa sa iyong diet? Ano ang mga positibong epekto nito sa iyong kalusugan? Ipaalam sa amin sa mga komento!

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

What Is Quinoa Good for Me? https://www.webmd.com/food-recipes/features/why-is-quinoa-good-for-me, Accessed December 1, 2021

Whole grains: hearty options for a healthy diet, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/whole-grains/art-20047826, Accessed December 1, 2021

Nutritional and health benefits of quinoa, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S0733521016300662, Accessed December 1, 2021

Chapter 1 Quinoa (Chenopodium quinoa Willd.): Composition, Chemistry, Nutritional, and Functional Properties, https://www.sciencedirect.com/science/article/abs/pii/S1043452609580011, Accessed December 1, 2021

Quinoa vs Rice: The Health Benefits of Each Grain, https://www.healthline.com/health/food-nutrition/quinoa-vs-rice#Next-steps-/, Accessed December 1, 2021

Kasalukuyang Version

06/02/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement