Mataas ba ang cholesterol ng itlog? Ang itlog ay may humigit kumulang na 398mg ng cholesterol, at karamihan nito ay nasa egg yolk. Salungat sa pag-aakala ng marami na ang nilagang itlog ang mas mabuti sa kalusugan, lumalabas na sa pangkalahatan, ang paraan ng pagluluto at pagkain ng iyong mga itlog ay hindi gaanong nakakaapekto sa dami ng cholesterol nito.
Maniniwala ka ba na ang 100 grams na nilagang itlog ay may 373 mg ng cholesterol kumpara sa scrambled eggs na mayroong 277 mg lamang? Ang pritong itlog naman ay may 401 mg ng cholesterol kumpara sa hilaw na itlog na may 372 mg.
Pula o puti
Mas mataas ba ang cholesterol ng itlog lalo na ang pula nito? Ayon sa nakararami, mas mabuti sa kalusugan ang puti ng itlog kumpara sa pula nito. May katotohanan nga dahil ang hilaw na egg white ay walang cholesterol kumpara sa hilaw na egg yolk na may 1,085.
Ayon sa mga eksperto, dapat limitahan ang pagkonsumo ng cholesterol sa 200-300 mg lamang bawat araw. Depende rin ito kung may panganib na hinaharap mo laban sa sakit sa puso. Kung kakain ka nga naman ng hanggang tatlong pirasong itlog sa almusal, maaari kang lumampas sa itinakdang limitasyong.
Mataas ba ang cholesterol ng itlog? Ano nga ba ang cholesterol?
Ang pagkalito at masamang reputasyon na dinidikit sa itlog ay nagmula sa katotohanan na naglalaman ng cholesterol ang pula nito. Bagama’t ang mataas na antas ng cholesterol sa dugo ay nagdaragdag ng panganib sa sakit sa puso, ang cholesterol mismo ay hindi naman agarang masama. Sa katunayan, ito ay isang mahalagang bahagi ng mga cells at hormones ng katawan, Vitamin D, at mga acid ng apdo.
Upang maintindihan ang cholesterol, dapat malaman ang dalawang uri nito:
- Cholesterol sa dugo, na ginagawa ng katawan at nire-recycle ng atay
- Dietary cholesterol, na matatagpuan sa ilan sa mga pagkain
Ang mga itlog ay naglalaman ng dietary cholesterol at ito ang dahilan kung bakit may kalituan sa epekto nito sa kalusugan ng puso. Dapat bang mag-alala kung mataas ba ang cholesterol ng itlog?
Mahalaga ang cholesterol sa katawan, ngunit ang pagkakaroon ng labis nito sa daluyan ng dugo ay maaaring:
- Magpataas ng panganib ng sakit sa puso
- Humantong sa pagbuo ng fatty deposits na magpapakipot sa daanan at mag papahirap sa pagdaloy ng dugo
- Pagbuo ng mga clots na maaaring mauwi sa atake sa puso
Ang mataas na antas ng cholesterol ay maaaring sanhi ng genetics. Gayunpaman, karaniwan din itong sanhi ng hindi malusog na diet at mga lifestyle choices. Bagama’t hindi mo mababago ang iyong genetics maaari mo namang pababain ang antas ng cholesterol sa pamamagitan ng malusog na diet at regular na pag-eehersisyo.
Mabuti ba sa kalusugan ang itlog?
Nirekomenda ng mga eksperto noon ang paglimita sa dietary cholesterol at pagkain ng itlog. Ngunit dahil sa mga bagong pananaliksik sa kalusugan at nutrisyon, nag bago na ang pananaw na ito. Ang mga alituntunin sa malusog na pagkain ngayon ay nagsasabi na ang dietary cholesterol tulad ng galing sa itlog, ay may kaunting epekto sa blood cholesterol levels sa karamihan ng mga tao.
Ang kasalukuyang ebidensya ay nagpapahiwatig na walang kaugnayan sa pagitan ng bilang ng mga itlog na kinakain at ang panganib ng coronary heart disease sa karamihan ng mga tao. Ang mga itlog ay may neutral na kaugnayan sa kalusugan ng puso. Ibig sabihin, hindi sila direktang nagpapataas o nagpapababa ng panganib ng sakit sa puso sa pangkalahatang populasyon.
Sustansya ng itlog
Eggs are a nutritious whole food which are an inexpensive source of protein and contain other nutrients such as carotenoids, vitamin D, B12, selenium and choline.
When eating eggs, it is also important to pay special attention to the foods you eat alongside them such as, white bread, butter, salt, and/or processed meats like bacon or sausages, which are not so good for our hearts.
Hindi na bale kung mataas ba ang cholesterol ng itlog. Ang mas mahalaga, ito ay isang masustansyang pagkain at murang pinagmumulan din ng protina. Naglalaman pa ito ng 13 mahahalagang vitamins at sustansya tulad ng carotenoids, Vitamin D, B12, selenium at choline.
Maliban sa cholesterol, mas mabuting bigyang pansin mo rin ang mga pagkaing kinakain kasama ng itlog tulad ng:
- Puting tinapay
- Mantikilya
- Asin
- Mga processed meat tulad ng bacon o sausage
Gaano ba karaming itlog ang sobra?
Para sa karamihan ng mga tao, ang pag konsumo ng isang itlog sa isang araw ay hindi nagpapataas ng iyong panganib ng atake sa puso, isang stroke, o anumang iba pang uri ng cardiovascular disease.
[embed-health-tool-bmi]