backup og meta

Masustansyang Meal Planning Ngayong Holy Week: Heto Ang Mga Tips

Masustansyang Meal Planning Ngayong Holy Week: Heto Ang Mga Tips

Ikaw ba ay nagpaplano para sa masustansyang meal planning ngayong Holy Week 2022? Don’t worry! Kaya mo ‘yan i-achieve sa tulong at tips na ibibigay ng artikulong ito para sa’yo. 

Maaaring gustuhin mong magsimula ng isang malusog na plano sa pagkain sa panahon ng Lenten Season. Sa kabutihang palad, mas madali na ang paghahanap ng mga paraan. Para kumain ng mas malinis at malusog. Kaya be thankful sa mga ideya ng masustansyang meal planning na lumalabas online.

Mahal ba ang Masustasyang Meal Planning?

Expensive ba ang healthy eating? Ito ang madalas na tanong ng mga taong nais gumawa ng masustansyang meal planning.

Mayroong misconception na pumapalibot sa masustansyang pagkain tungkol sa halaga nito, kapag inafford ng isang indibidwal.

Gaya ng sinabi ng associate professor of marketing ng Vanderbilt University na si Kelly Haws, “People generally believe that ‘healthy’ equals ‘expensive.”’ Ngunit kadalasan, hindi iyon ang kaso. Ang isang problema na pwedeng mangyari ay malito tayo sa “malusog” na pagkain na may iba pang mga label na nagpapataas ng gastos. Tulad ng ‘organic’ o ‘gluten-free.'”

Idinagdag din ni Haws na ang mga tao ay may posibilidad na iugnay ang masustansyang pagkain sa health-food stores, na pwedeng mas mahal. Ito ay posibleng mangyari, na mamili ang isang tao para sa malusog na pagkain sa anumang palengke o grocery store.

Paano Planuhin ang Iyong Masustansyang Meal Planning

Mayroong iba’t ibang paraan para sa masustansyang meal planning. Ang ilang tao ay nagpaplano ng kanilang lulutuin at kakainin para sa linggo. Kung saan, ginagamit nila iyon para gumawa ng isang grocery list. Samantala, mas gusto naman ng iba na magplano, mag-portion, at magluto ng pagkain na kanilang kinakain sa buong linggo. Kung saan pwede itong ilagay sa prep containers. Ang latter option o huling osyon ay malamang na mas popular sa mga abalang indibidwal na walang oras, o ibang tao na pwedeng ipagluto sila.

Alinmang paraan ang gagamitin sa pagplaplano ng iyong mga pagkain. Pwede mong sundin ang mga hakbang na ito para sa isang matagumpay na masustansyang meal planning:

  • Magpasya kung paano mo gustong planuhin ang iyong pagkain.
  • Panatilihing puno ng mahahalagang sangkap ang iyong refrigerator o pantry.
  • Piliin ang iyong recipes at pagkain na gusto mong lutuin.

Handa na ba ang iyong malulusog na recipe? Narito ang ilang madali at abot-kayang masustansyang pagkain na makikita sa online.

Masustasyang Meal Planning: Tuna Lettuce Wrap

@neexlii LowCarbMeal idea#fyp #foryo #for #foryou #fypシ #foryoupage #viral #trending #healthyrecipes #healthy #diet #lifestyle #fitness #djumpathletes #milesd ♬ SugarCrash! – ElyOtto

Ang healthy tuna lettuce wrap ni Milestone Del Castillo ay nagtataglay ng 251 calories, 33.3g na protina. Ito rin ay nagkakahalaga lamang ng humigit-kumulang Php. 70 sa paggawa nito.

Kimchi Rice With Chicken Breast

@fudpapi #diet #caloriedeficit #weightloss #healthylifestyle #fitness #tiktokphilippines #fyp #tiktokeatsph #foryoupage #starstrongwithtiktok ♬ 시작 – 가호

Love mo ba ang Korean food? Magugustuhan mo ang recipe ni Fud Papi! Ang kanyang Kimchi Fried Rice with Chicken Breast ay abot-kaya at madaling gawin — gumastos lang siya ng Php.156 para gawin ang pagkain na ito. Inilagay niya ito sa isang air fryer sa loob ng 15 minuto.

Tofu Steak at Gulay

@healthyfoodieph Healthy Meal Prep Recipe | Tofu Steak and Veggies #tiktokph #learnontiktokph #learnontiktok #pinoyfooddelight #healthy #cooking #pinoycookingrecipes ♬ Lofi Chill Hop Nation – Lofi Radiance & Neat Beats & Lofi Hip-Hop Beats

If you’re feeling a bit fancy, subukan ang Tofu Steak and Veggies meal ng Healthy Foodie PH. Ito ay malusog at affordable upgrade sa’yong everyday fare. Ang pagdaragdag ng teriyaki sauce sa tofu at piniritong gulay ay isang healthy at flavorful twist. Kung ikaw ay kumakain ng carbs, pwede kang mag-switch sa red rice, na puno ng antioxidants.

Broccoli at Mushroom

@chellielovesfood Try this super easy and flavorful recipe #broccoliandmushrooms #chellielovesfood #tiktokphilippines #rainydaytreats #healthyonefor2021 ♬ original sound – R A C H E L

Ang recipe ng Broccoli and Mushrooms ni Rachel ng @chellielovesfood ay simple lang gawin! Kakailanganin mo lang ng broccoli, mushroom, oyster sauce, tubig, bawang, at mantika para sa pagprito.

Tuna at Egg Wrap

@abbysaldi Yummy simple snack or breakfast! #Healthyfood #healthysnacksrecipes #healthyfoodieph #fyp #healthymealprepforweightloss #proteinsnackrecipe ♬ Akin Ka Na Lang – JM De Guzman

Puno ng protina, itong Tuna at Egg Wrap ni @abbysaldi. Kung saan, naglalaman ito ng nilagang itlog, tuna, lettuce, keso, at drizzle ng mayonnaise at hot sauce o sriracha. Siguradong sapat na ito para mabusog ka para sa power lunch!

Masustansyang Meal Planning: Vegetable Shawarma

@healthyfoodieph Meatless Monday! 🤭 #HealthyFood #FoodiePH #fyp #HealthyFoodiePh #ShareAMeal #Vegan #Recipe ♬ Pink cheeks – Eldon

Gawing mas masarap at nakakaakit ang “meatless para sa Lunes Santo. Sa pamamagitan ng recipes tulad ng vegetable shawarma. Binuo rin ito gamit ang langka, para bigyan ka ng kagat na parang karne. Tinimplahan din ito ng mga pampalasa tulad ng paprika, cumin, allspice, cinnamon, bawang, sibuyas, at luya upang bigyan ito ng mas masarap na lasa.

Vegan Orange “Chicken”

@healthyfoodieph My vegan spin on a chinese takeout classic! 🍊 #FoodieTok #TiktokEatsPH #ShareAMeal #HealthyFoodiePh #OrangeChicken #Vegan ♬ Shouldn’t Be – Luke Chiang

Gusto mo ba ang flavor ng Chinese-style orange chicken? Pwede mong kopyahin ito para sa iyong malusog na meal plan gamit ang vegan na bersyon. Sa halip na manok, ang bersyon na ito ay gumagamit ng tofu na kailangang i-bake at hindi pinirito. Bago lagyan ng kulay kahel (orange) na glaze.

Key Takeaways

Para matiyak ang tagumpay sa masustansyang meal planning, maaari mong sundin ang mga hakbang na ito.
  • Magpasya kung paano mo gustong planuhin ang iyong pagkain.
  • Panatilihing puno ng mahahalagang sangkap ang iyong refrigerator o pantry.
  • Piliin ang iyong recipes at pagkain na gusto mong lutuin.
  • Mayroong iba’t ibang malusog na recipe online na pwede mong gamitin para sa’yong lingguhang plano sa pagkain. Hanapin kung ano ang pinakaangkop para sa’yo at gumamit ng buo at sariwang sangkap hangga’t maaari.
  • Kumonsulta sa’yong doktor o sa nutritionist sa tamang servings at nutrients.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

04/12/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Madaling Lutuin na Ulam: Subukan ang Masustansya at Madaling Recipes na Ito

Mga Masustansyang Almusal Sa Umaga, Anu-ano Ang Mga Ito?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement