backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Madaling Lutuin na Ulam: Subukan ang Masustansya at Madaling Recipes na Ito

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD · General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

    Madaling Lutuin na Ulam: Subukan ang Masustansya at Madaling Recipes na Ito

    Handa ka man o hindi, back-to-school season na naman. Ibig sabihin kailangan mong maghanap ng madaling lutuin na ulam para kay bunso at sa buong pamilya. Malaking tulong ang pagkakaroon ng mga masustansyang recipes na madaling ihanda sa anumang oras.

    Ang mga recipes na ito ay idinisenyo upang maging madaling pagsama-samahin, maginhawa, at kasiya-siya sa mga tao. Pwede mong subukan ang mga recipe na ito, o pwede mo rin namang gawing inspirasyon para sa isa pang bagong recipe. 

    Ang importante, makakatulong ito sa iyong busy schedule. Isa pa, mapupunan nito ang pangangailangan ng iyong pamilya sa oras ng pagkain.

    Ang sumusunod ay iilan sa madaling lutuin na ulam na pwede mong subukan:

    Pesto Chicken at mga gulay

    Mga sangkap:

    • 2 kutsarang olive oil
    • 4 na hita ng manok na walang buto at balat
    • Asin na tama sa iyong panlasa
    • Paminta na tama sa iyong panlasa
    • Kalahating kilong green beans
    • 2 tasa ng cherry tomato, hatiin sa gitna
    • Kalahating tasang basil pesto

    Paghahanda

    1. Painitin ang olive oil sa palayok
    2. Idagdag ang hita ng manok
    3. Lagyan ng asin at paminta
    4. Alisin ang manok sa palayok kapag ito ay luto na
    5. Hiwain ng pira-piraso at itabi
    6. Idagdag ang green beans hanggang maluto at maging crispy a ngunit malambot
    7. Ibalik ang chicken strips sa palayok at idagdag ang kamatis at pesto sauce
    8. Haluin ng mabuti
    9. Ihain kaagad o hatiin sa apat na lalagyan at ilagay sa refrigerator. Maaaring panatilihin sa ref ng hanggang apat na araw.

    Spiced Chicken na may kamatis at chickpeas

    Whip up a comforting—and protein-packed—sheet pan supper that incorporates paprika chicken, crisp chickpeas, juicy tomatoes, and crushed garlic. Hearty and satisfying on a plate, comin’ right up.

    Ang recipe na ito ay hindi lamang madaling lutuin na ulam, kung hindi nagtataglay din ng maraming protina.  Lasapin ang pinaghalong manok at paprika, makatas na kamatis, malutong na chickpeas, at bawang. 

    Sangkap

    • Cherry tomatoes (12 oz)
    • Dinikdik na bawang (8 piraso)
    • Chickpeas (15 oc na lata)
    • Olive oil (3 tbsp)
    • Asin at paminta
    • 4 na pirasong boneless at skinless na manok 
    • Paprik (2 tsp)
    • Smoked paprika (1/8 tsp)

    Paghahanda:

    1. Painitin ang oven sa 425°F. 
    2. Paghaluin ang kamatis, bawang, at chickpeas
    3. Maglagay ng 2 kutsarang mantika, ¼ kutsarita ng asin at paminta
    4. Ihawin ng mga 10 minuto
    5. Painitin ang natirang mantika sa isang malaking kawali
    6. Timplahan ang manok ng paprika, asin at paminta
    7. Lutuin hanggang sa magkulay golden brown sa isang gilid,
    8. Ilipat sa baking sheet na may mga kamatis at chickpeas at ihawin hanggang maluto

    Baked Chicken Pesto

    Madaling lutuin ang ulam na ito dahil kailangan mo lamang ng apat na sangkap para masunod ang recipe. Ito ay masustansyang pagkain na maaaring maluto sa loob lamang ng limang minuto.

    Sangkap:

    • Manok
    • Basil pesto
    • Mozzarella
    • Kamatis

    Paghahanda:

    1. Igisa ang manok ng bahagya hanggang mag-caramelize
    2. Ilagay ang basil pesto sa itaas ng manok
    3. Mag sprinkle ng mozzarella cheese
    4. Ipatong  ang kamatis

    Lemon Garlic Chicken Foil

    Ang recipe na ito ay hindi lamang madaling lutuin na ulam, kung hindi masarap pa. Kumpletuhin lang ang mga sangkap at pwede ka nang magluto nito kahit anong oras.

    Sangkap

    • Lemon
    • Cherry tomatoes
    • Green beans
    • Tinadtad na bawang
    • Olive oil (2 tbsp)
    • Asin (½ tsp)
    • Paminta (½ tsp)
    • Boneless na Chicken breast

    Paghahanda

    1. Paghaluin ang mga gulay at ilagay sa foil
    2. Lagyan ng asin at paminta ang chicken breast na walang buto at balat
    3. Ilagay ang manok sa itaas ng mga gulay
    4. Tiklupin ang foil upang lumikha ng pakete
    5. Pwede itong i-grill o lutuin sa oven sa loob ng 20 hanggang 25 minuto

    BBQ Pineapple Chicken Foil

    Sangkap:

    • Chicken breast na walang buto at balat
    • Diced na pinya
    • Pulang sibuyas
    • Green bell pepper
    • BBQ sauce (1 tasa)

    Paghahanda

    Mga Pakete ng BBQ Pineapple Chicken Foil

    Ang BBQ Pineapple Chicken ay isa sa mga paboritong pagkain ng mga tao. Kung gusto mo ng madaling lutuin na ulam, papatok ito sa iyong pamilya.

    • Painitin ang panlabas na grill 
    • Maghanda ng aluminum foil
    • Maglagay ng dalawang tasang diced na pinya, 
    • Pulang sibuya
    • Barbecue sauce (1 tasa)
    • Asin
    • Paminta

    Paghahanda

    1. Haluin ang mga gulay sa recipe 
    2. Lagyan ang chicken breast ng asin at paminta
    3. Ilagay ang manok sa itaas ng gulay
    4. Ibuhos ang isang tasa BBQ sauce sa mano
    5. Tiklupin ang foil 
    6. Ihawin ang ginawang pakete

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mae Charisse Antalan, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Lovely Carillo · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement