backup og meta

Alamin: Anu-ano Ang Magandang Vitamins Para Sa Mga Babae?

Alamin: Anu-ano Ang Magandang Vitamins Para Sa Mga Babae?

Lalaki, babae, matanda o bata man ay kailangan ng vitamins at mineral sa katawan. Ang mga ito ay mahalaga upang mapanatiling malusog ang ating kalusugan. Nakatutulong din ito upang mapanatiling maayos ang gampanin ng bawat bahagi ng ating katawan. Sa kabilang banda, ano nga ba ang mga magandang vitamins para sa babae?

Lahat ng vitamins at minerals ay may benepisyong naibibigay sa ating katawan. Maaaring makuha ito sa ating mga kinakain tulad ng prutas, gulay at iba pa o hindi kaya ay sa mismong supplements at vitamins na iniinom.

Magandang Vitamins Para sa Babae

Iron

Isa ang iron sa magandang vitamins para sa babae sapagkat buwanang nawawalan nito ang isang babae. Kinakailangan din ito ng mga buntis na babae upang makapagbigay ng sapat na dugo para sa kanilang lumalaking mga sanggol.

Iron ang nagdadala ng oxygen sa ating katawan at tumutulong din sa paggawa ng red blood cells kaya naman nagreresulta sa sobrang pagkapagod, panghihina, pagkahilo at na nagreresulta sa tintawag na Anemia ang kakulangan nito sa ating katawan. Dagdag pa rito, tumutulong din ito sa paggawa ng ilang hormone at connective tissue. 

Ang kinakailangang dami ng iron para sa isang babae ay:

  • 19 hanggang 50 taong gulang : 18mg
  • Buntis: 27mg
  • 51 pataas na taong gulang: 8mg

Maaaring makakuha ang babae ng iron sa mga pagkain tulad ng manok, seafood, oyster, itim na tsokolate, atay, karne ng baka, tuna, at iba pa.

[embed-health-tool-bmr]

Vitamin B9

Tumutulong ang vitamin B9 sa paggawa ng blood cells at DNA para sa mga bagong cell. Ito rin ay tumutulong na maiwasan ang ilang depekto sa kapanganakan na tinatawag na neural tube defects, na nangyayari sa unang tatlong buwan ng pagbubuntis. 

Magandang vitamins para sa babaeng buntis sapagkat tumutulong ito na maiwasan ang maagang panganganak.

Vitamin B-12

Magandang vitamins para sa babae ang vitamin b-12 sapagkat tumutulong din ito na maging malusog ang balat, buhok at mata. Mahalaga rin ito para sa malusog na nerves at blood cell.

Ito ay nakukuha sa karne ng baka, baboy, manok, isda, gatas, yogurt, keso, itlog, at iba pa.

Vitamin D

Ang vitamin D ay tumutulong sa pagbuo ng matibay na buto at maiwasan ang osteoporosis kasama ng calcium. Gayundin, tumutulong ito na mabawasan ang pamamaga sa iyong cell. Maganda rin ito sa immune system bilang panlaban sa mga mikrobyo na maaaring maging sanhi ng sakit.

Kinakailangan ng matatandang babae na uminom ng dietary supplement dahil hindi sapat ang nagagawa ng katawan na vitamin D. 

Maaaring makakuha ng vitamin D sa salmon, tuna, itlog, gatas, mushroom, yogurt, at iba pa.

Vitamin C

Magandang vitamins para sa babae ang vitamin C sapagkat ito ay gumaganap bilang antioxidant na nilalaban ang mga free radical, impeksyon, at malalang sakit. Dagdag pa rito, tumutulong ito para sa malusog na collagen at nakatutulong na maiwasan ang mga wrinkles at tuyong balat habang tumatanda.

Maaari itong makuha sa orange, strawberry, patatas, kamatis at iba pa.

Magnesium

Ang magnesium ay tumutulong sa pagkakaroon ng maayos na blood pressure at lebel ng blood sugar. Ito rin ay maganda sa pagpapanatili ng normal na paggana ng kalamnan at nerve. Pinapanatili rin nitong matibay ang mga buto.

Maaari itong makuha sa mga madadahong gulay, beans at mga mani.

Vitamin A

Magandang vitamins para sa babae ang vitamin A sapagkat sumusuporta ito sa paningin. Dagdag pa rito, tinitiyak nito na maging tama ang paggana ng mata, balat, immune system, at iba pang bahagi ng katawan. Ito rin ay nakatutulong upang maiwasan ang ilang uri ng kanser.

Key Takeaways

  • Ilan sa mga magandang vitamins para sa babae ay vitamin A, B12, C, D, B6, magnesium at iron.
  • Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang wastong dami ng vitamins na iyong iinumin at kinakailangan ng katawan.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

8 Essential Vitamins and Minerals for Women

https://www.healthgrades.com/right-care/womens-health/8-essential-vitamins-and-minerals-for-women

Accessed July 25, 2022

The 15 Best Supplements for Women, According to Nutritionists

https://www.womenshealthmag.com/food/g19961434/vitamins-and-nutrients-for-women/

Accessed July 25, 2022

Vitamins and Minerals for Women

https://www.womenshealth.gov/healthy-eating/how-eat-health/vitamins-and-minerals-women

Accessed July 25, 2022

Vitamins Women Need

https://www.webmd.com/women/guide/essential-vitamins-for-women-at-every-age#:~:text=There%20are%20a%20few%20types,energy%2C%20which%20is%20called%20metabolism.

Accessed July 25, 2022

How Does Vitamin D Affect Women’s Health

https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/how-does-vitamin-d-affect-womens-health

Accessed July 25, 2022

Kasalukuyang Version

09/26/2022

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement