backup og meta

Komplikasyon ng Marasmus: Ano ang Epekto Nito sa Katawan?

Komplikasyon ng Marasmus: Ano ang Epekto Nito sa Katawan?

Isang pangkaraniwang kondisyon sa kalusugan ang malnutrisyon, lalo na sa mga lugar na may kakulangan sa pagkain at tubig dahil sa tagtuyot, taggutom, o labis na kahirapan. Habang nakikita natin bilang isang kondisyong dala ng kagutuman ang malnutrisyon, mahalaga ring tandaan na hindi lang ito isang uri ng kondisyon. Marami itong uri na tinatawag na marasmus o kwashiorkor. Mas pagtutuunan natin ng pansin ang marasmus na mas malubhang uri ng malnutrisyon, mga sintomas nito. At ano nga ba ang mga komplikasyon ng marasmus?

Mga Senyales at Sintomas

Mga Sintomas ng Marasmus

May ilang mga senyales na maaaring tingnan ng mga tao upang malaman kung posible bang may marasmus ang isang tao. Ipinapakita ng listahan ang ilan sa mga karaniwang sintomas:

  • Kitang-kita ang problema sa paglaki
  • May matandang mukha ang isang tao (wizened appearance)
  • Tila lubog ang mga mata
  • Nagpapakita ng malakas na gana sa pagkain ang tao
  • Nasasayang at tila kulubot (dahil sa pagkawala ng taba) ang mga malalambot na muscle ng katawan
  • Nagpapakita ang tao ng mga pagbabago sa kanyang mood (pagkairita, panghihina, pagkahilo).
  • Maaari din bahagyang magbago ang balat at buhok
  • Lumilitaw na mas malaki ang ulo kaysa sa katawan, ayon sa saktong sukat.

Mga Panganib at Komplikasyon

Mga Risk Factor at Komplikasyon ng Marasmus

Maaaring makaapekto ang marasmus sa halos lahat, anuman ang kasarian. Gayunpaman, naobserbahan sa ibang bahagi ng mundo na ang mga babae ang mas may posibilidad na makitaan ng marasmus kaysa sa mga lalaki. Kaya pinapakita ng statistics na mataas ang panganib ng mga babae na magkaroon ng marasmus.

Madalas na nagmumula sa mga treatment mismo ang mga komplikasyon ng marasmus. Halimbawa, maaaring magsanhi ng refeeding syndrome ang treatment ng marasmus. (Kabilang sa refeeding syndrome ang nakamamatay na pagbabago ng electrolytes at iba pang fluid sa loob ng isang malnourished na tao dahil sa artipisyal na pagpapakain.)

Kabilang sa iba pang komplikasyon ng marasmus ang short-term sequelae at long-term sequelae.

Short-Term Sequelae na Komplikasyon ng Marasmus:

  • Hypothermia
  • Impeksyon sa urinary tract
  • Cardiac failure at arrhythmia
  • Abnormalities sa electrolytes
  • Pagkakaroon ng refeeding syndrome
  • Mga impeksyon
  • Sepsis
  • Endocrinological dysfunction (pagiging masyadong mataas o mababa ng hormone levels)
  • Gastrointestinal malabsorption

Long-Term Sequelae na Komplikasyon ng Marasmus:

Mataas ang posibilidad na nakararanas ng kahirapan sa ekonomiya ang mga taong may marasmus. Ipinapakita ng pananaliksik na maaaring makita sa pagiging malnourished ang mga paghihirap sa buhay dahil sa mahinang edukasyon at mababang suweldo.

Bukod dito, may posibilidad din ang mga taong malnourished na maging mas maliit at mas mababa ang timbang kaysa sa iba.

Mga Sanhi

Ano ang mga sanhi ng Marasmus?

Ang kakulangan sa protein ang pangunahing sanhi ng marasmus. Kadalasan ito nangyayari sa mga batang walang kakayahang bumili ng pagkain na may sapat na nutritional content. Bilang resulta, nagpapakita ang mga batang dumaranas ng malnutrisyon ng mahinang performance sa mga pisikal na aktibidad at pati na rin ng mga sumusunod na katangian:

  • Nagpapakita ng malaking pagbaba ng timbang
  • Mahina ang kanilang basal metabolic growth
  • Napipigilan ang paglaki
  • Nagiging matamlay

Maaari ding magdulot ang Marasmus ng emesis, pagtatae, at mga paso. Bukod dito, may kakayahan ding magdulot ang malubhang malnutrisyon (marasmus) ng kamatayan dahil sa mga impeksyon, electrolyte imbalance, at heart failure.

Paggamot

Paano Gamutin ang Marasmus

Kasama sa mga gamot para sa marasmus ang mga prophylactic antibiotic. Isa itong malnutrition-induced immunodeficiency compensation na gamot. Bukod dito, maaari ding gumamit ng iba pang treatment tulad ng protein refeeding (kapag unti-unting nagsimulang kumain ng protein ang isang tao) at pagwawasto ng glycemic hydration at electrolyte abnormalities.

Mahalaga din malaman na hahantong ang mabilis na protein refeeding sa mga negatibong epekto sa katawan tulad ng pagkabigla ng sira nang atay. Sa dulo, maaari itong humantong sa tuluyang pagbigay ng atay (kidney failure).

Dapat tumanggap ng treatment sa ospital o sa kanilang komunidad ang mga taong may marasmus. Nakita na may mas magandang resulta ang community-based treatment pagdating sa pagbibigay ng lunas sa mga hindi komplikadong malubhang malnutrisyon kumpara sa pagpapagamot sa ospital.

Pag-iwas

Paano Maiiwasan ang Mga Komplikasyon ng Marasmus

Upang maiwasan ang pagbalik ng marasmus, napakahalagang magkaroon ng follow-up sa mga naunang na-diagnose ng kondisyon. Higit pa rito, isa pang paraan ng pag-iwas sa marasmus ang pagtuturo sa mga nanay tungkol sa kahalagahan ng pagpapasuso at supplemental feeding dahil ito ang pangunahing pinagkukunan ng sustansya ng mga sanggol.

Higit sa lahat, isa sa pinakamabisang paraan ng pag-iwas sa marasmus ang pagbibigay ng hindi kontaminadong inuming tubig at pagkain.

Konklusyon

Maaaring maging isang nakamamatay na kondisyon sa kalusugan ang marasmus kung hindi magagamot. Kaya mahalagang maturuan ang sarili tungkol sa kondisyon na ito at matutunan din kung paano ito maiiwasan. Sa ganitong paraan, walang sinuman ang kailangang magdusa sa mga kahihinatnan ng pagiging diagnosed ng malubhang kondisyon na ito.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Marasmus

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK559224/

June.18, 2021

 

Marasmus cause, signs & symptoms, treatment

https://www.osmosis.org/notes/Malnutrition#page-1

June.18, 2021

 

Refeeding syndrome

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2440847/

June.18, 2021

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement