Sa pagkain natin nakukuha ang mga vitamins at nutrients na kailangan ng ating katawan. Gayunpaman, mayroong mga tao na sensitibo sa ilang uri ng mga pagkain. Para sa kanila, kinakailangan nilang umiwas sa mga pagkain na ito, at minsan ay kailangan pa nilang baguhin ang kanilang diet. Ang hypoallergenic diet plan ay posibleng makatulong sa mga ganitong sitwasyon.
Food allergy ba ito o food intolerance?
Ang food allergies at food intolerances intolerances ay parehas na nagdudulot ng physical reaction sa katawan. Pero magkaiba ang food allergy at food intolerance. Kadalasang mas mild ang mga nagiging sintomas ng food allergy kumpara sa food intolerance.
Nangyayari ang food allergy kapag inakala ng ating immune system na “kalaban” ang ating mga kinakain. Posibleng magsimula ang sintomas nito sa pangangati ng bibig at labi, o kaya ang pagkakaroon ng hives o mga pantal sa balat. Ngunit maari rin itong humantong sa anaphylaxis, na isang matinding side effect na maaari ring makamatay.
Ang mga food intolerance naman ay nagdudulot ng mga sintomas na naaapektuhan mismo ang digestive system. Kung nahihirapan kang mag-digest ng isang uri ng pagkain, maaaring ang sanhi nito ay food intolerance. Ang iba pang sintomas ng food intolerance ay diarrhea, kabag, pati na rin rashes.
Paano ba gawin ang hypoallergenic diet?
Pagdating sa mga food allergies, mayroong mga proseso upang malaman kung ang isang tao ba ay allergic o hindi. Pero ibang usapan na pagdating sa foot intolerance. Ito ay dahil malalaman mo lang kung mayroon kang food intolerance kapag nakaranas ka ng sintomas matapos kumain.
Pero maaari ring mag-test ng food intolerance at food allergy sa pamamagitan ng hypoallergenic diet. Nagagawa ito sa pamamagitan ng pagtanggal ng ilang mga uri ng pagkain sa iyong diet. Ang isa pang tawag dito ay elimination diet.
Tandaan na ang hypoallergenic o elimination diet plan ay mas mainam na gawin kung inirekomenda ng isang dietitian o ng iyong doktor. Ito ay dahil nakakatulong ito upang malaman mo kung aling mga pagkain ang sanhi ng iyong allergy o kaya intolerance, posibleng kulangin ka naman ng nutrisyon dahil sa pagbabawas ng ilang uri ng pagkain.
Step 1: Maghanda
Upang maghanda sa ganitong klaseng diet, kailangan mo munang alamin kung alin ang mga uri ng pagkain na iyong ite-test. Depende sa iyong mga sintomas, maaaring magtanggal lamang ng ilang pagkain, o kaya ng maraming uri ng pagkain para ma-test ang epekto nito.
Tandaan ang mga sumusunod:
- Anu-ano ang mga pagkain na madalas mong kainin?
- Alin dito ang iyong mga comfort foods?
- Mayroon bang pagkain na madalas ka mag-crave?
- Mayroon bang mga pagkain na hindi mo kayang tanggalin sa iyong diet?
Bukod dito, kailangan mo rin maghanda ng mga bagong recipe dahil mag-iiba ang iyong regular diet. Ang karaniwang mga pagkain na sanhi ng allergy o intolerance ay ang citrus fruits, dairy tulad ng gatas, soy, mani, itlog, mais, baka, gluten, at mga shellfish.
Step 2: Magbawas
Sa loob ng dalawang linggo mo isasagawa ang hypoallergenic diet. Sa panahong ito mahalagang maging mapili sa iyong mga kinakain. Ito ay dahil kung magkamali ka ng kinain, maaaring kailanganin mo ulit magsimula ng diet.
Kung walang pagbabago sa iyong sintomas, puwedeng paabuting hanggang apat na linggo ang iyong diet. Puwede ring magbawas pa ng ibang pagkain kung walang pagbabago, pero mainam na magpakonsulta muna sa doktor bago mo ito gawin.
Step 3: Magbalik
Kapag tapos na ang elimination period at nag-improve ang iyong mga sintomas, maghintay pa uli ng 5 araw para makasigurado. Ibig sabihin nito, ang ilan sa mga pagkain na tinanggal mo sa iyong diet ay ang sanhi ng iyong food intolerance o kaya allergy.
Sa stage na ito, magbigay ng 3-5 araw bago ibalik paisa-isa ang mga pagkain na tinanggal mo sa iyong diet.
Tips at tricks para sa hypoallergenic diet
Bago sumubok ng hypoallergenic o elimination diet plan, mahalagang magpakonsulta muna sa iyong doktor. Kung lumala rin ang sintomas o kaya ay makaranas ka ng bagong mga sintomas sa diet na ito, itawag kaagad sa iyong doktor.
Nakakatulong ang hypoallergenic diet plan kung nakakaranas ka ng Irritable Bowel Syndrome (IBS) o gastroesophageal reflux (GERD). Kung sa tingin mo ay mayroon kang reaction sa isang pagkain, huwag mag-atubiling pumunta sa doktor kung lumalala ang mga sintomas.
Key Takeaway
Kapag hindi ka handa sa foot allergy o food intolerance, maaari kang mabigla dito. Ang magandang paraan para malaman kung mayroon kang mga ito ay sa pamamagitan ng hypoallergenic diet. Learn more about Healthy Eating here.
[embed-health-tool-bmi]