backup og meta

6 Na Gulay Na Nakakataas Ng Blood Sugar, Ayon Kay Dr. Willie Ong!

6 Na Gulay Na Nakakataas Ng Blood Sugar, Ayon Kay Dr. Willie Ong!

Isa si Dr. Willie Ong sa mga physician at health educator na nagbahagi ng tips at impormasyon tungkol sa kalusugan sa kanyang iba’t ibang social media platform. Mapapansin rin sa kanyang mga vlog ang pag-educate sa mga tao sa kahalagahan ng pangangalaga ng sariling kalusugan, at pagpapakonsulta sa doktor para sa wastong diagnosis at paggamot.

Kilala rin si Dr. Willie Ong bilang isang Youtuber na doktor — at sa kanyang vlog na “7 Gulay Nakakataas ng Blood Sugar,” tinalakay niya ang kahalagahan ng pagkain ng gulay sa pagkontrol ng blood sugar level, partikular sa mga taong may diabetes.

Ayon sa kanyang vlog, narito ang ilan sa mga pinakamainam na gulay para sa may diabetes, at gulay na nakakataas ng blood sugar:

Best vegetables for people with diabetes: 

  1. Ampalaya (bitter gourd)
  2. Talbos ng kamote (sweet potato leaves) 
  3. Pechay (bok choy) 
  4. Kangkong (water spinach) 
  5. Okra (ladyfinger) 
  6. Upo (bottle gourd) 
  7. Sigarilyas (winged bean) 

Batay sa mga naging pahayag ni Dr. Willie Ong, ang mga gulay na binanggit niya sa kanyang vlog ay may mababang glycemic index level. Ibig sabihin, hindi ito nagdudulot ng mabilis na pagtaas ng blood sugar level pagkatapos ng pagkain. 

Ang ampalaya ay kilala na naglalaman ng mga compound na makakatulong sa pagpapababa ng blood sugar. Habang talbos ng kamote o dahon ng kamote ay napatunayang may anti-diabetic properties. 

Binanggit din niya na ang pechay, kangkong, at okra ay nagtataglay rin ng mataas na fiber, na nagpapabagal sa pagsipsip ng glucose at nakakatulong sa pag-regulate ng blood sugar level. Nagtataglay rin ang upo ng mataas na fiber at mababang glycemic index na mabuti sa kalusugan ng may diabetes. Samantala, ang sigarilyas naman ay naglalaman ng compounds na makakatulong sa pagpapabuti ng sensitivity ng insulin. 

Binigyang-diin din ni Dr. Ong ang kahalagahan ng wastong sukat ng bahagi at paraan ng pagluluto sa paghahanda ng mga gulay na ito. Pinakamainam na kainin ang mga ito ng steamed, boiled, o stir-fried, at iwasang magdagdag ng mga hindi malusog na sangkap tulad ng mantika at asin. 

Worst vegetables for people with diabetes: 

  1. Mais (corn) 
  2. Patatas (potatoes) 
  3. Kamote (sweet potatoes) 
  4. Gulay na mayaman sa carbohydrates 

Ayon kay Dr Willie Ong ang mais, patatas, kamote, sayote, luya, at mga pagkain na mayaman sa carbohydrates ay gulay na nakakataas ng blood sugar, na maaaring makasama sa mga may diabetes. 

Sa katunayan, ang mga gulay na nakakataas ng blood sugar na kanyang nabanggit ay nagtataglay ng mataas na glycemic index. Ang glycemic index (GI) ay sumusukat kung gaano kabilis ang mga carbohydrate-rich food sa pagpapataas ng blood sugar levels. Kung saan, habang mas mataas ang GI, mas mabilis na tumaas ang mga level ng asukal sa dugo. 

Ang pagkain ng mga gulay na may mataas na GI ay maaaring magdulot ng pagtaas ng blood sugar level, na maaaring makasama sa kalusugan ng mga taong may diabetes. Kaya naman, iminungkahi ni Dr. Willie Ong na dapat iwasan o limitahan ng mga taong may diabetes ang kanilang pagkain ng mga gulay na mataas sa carbohydrates. 

Gayunpaman, nararapat na tandaan na ang carbohydrates ay isang mahalagang sustansya, at ang mga taong may diabetes ay hindi dapat ganap na alisin ang mga ito mula sa kanilang diet. Sa halip, dapat silang makipagtulungan sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan, tulad ng isang rehistradong dietitian, para gumawa ng balanse at indibidwal na plano ng pagkain na angkop sa mga pangangailangan at kagustuhan ng mga taong may diabetes.

Dapat Kong Tandaan Kung May Diabetes Ako

Mahalagang tandaan na kung may diabetes ka, dapat ka pa ring kumonsumo ng iba’t ibang gulay bilang bahagi ng isang balanced diet. Gayunpaman, hindi dapat kalimutan na alalahanin ang dami at uri ng carbohydrates na nilalaman ng bawat gulay. Mahalaga rin na kumunsulta sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan para sa mga personalized na rekomendasyon sa pagkain.

Bukod pa rito, ang mga gulay na binanggit ni Dr. Willie Ong na mainam sa kalusugan ay mahalaga dahil sa pagkakaroon nito ng mababang antas ng glycemic index, at mga compound na makakatulong sa pag-regulate ng mga antas ng asukal sa dugo. Gayunpaman, mahalagang ubusin ang mga ito sa wastong sukat ng bahagi at lutuin sa malusog na paraan para lubos na makinabang mula sa kanilang mga benepisyo sa kalusugan.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes Diet, Eating, & Physical Activity, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/diet-eating-physical-activity Accessed June 1, 2023

What is a healthy, balanced diet for diabetes, https://www.diabetes.org.uk/guide-to-diabetes/enjoy-food/eating-with-diabetes/what-is-a-healthy-balanced-diet Accessed June 1, 2023

What is diabetes, https://www.cdc.gov/diabetes/basics/diabetes.html#:~:text=With%20diabetes%2C%20your%20body%20doesn,vision%20loss%2C%20and%20kidney%20disease. Accessed June 1, 2023

Which vegetables are good for diabetics? https://www.livescience.com/which-vegetables-are-good-for-diabetics Accessed June 1, 2023

10 Fruits and Vegetables for diabetes diet, https://www.diabetescarecommunity.ca/diet-and-fitness-articles/diabetes-diet-articles/10-fruits-and-vegetable-for-diabetes-diet/ Accessed June 1, 2023

 

Kasalukuyang Version

11/07/2024

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement