Isa ka ba sa mga nahihirapang magpakain sa iyong anak, pamangkin o apo? Palagi ba silang walang ganang kumain? Naitatanong mo rin marahil sa iyong sarili kung bakit wala silang gana kumain. Ano-ano kaya ang mga paraan para ganahan kumain ang bata?
Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD · General Practitioner
Isa ka ba sa mga nahihirapang magpakain sa iyong anak, pamangkin o apo? Palagi ba silang walang ganang kumain? Naitatanong mo rin marahil sa iyong sarili kung bakit wala silang gana kumain. Ano-ano kaya ang mga paraan para ganahan kumain ang bata?
May mga pagkakataon na ang isang bata ay sobrang gana kumain ngunit mayroon naman na halos ayaw nilang kumain. Marahil noong nakaraan ay gusto nila ang mga pagkaing nakahain. Sa susunod na linggo naman ay wala silang gana.
Ilan sa mga sumusunod ang iba pang dahilan ng kawalang gana ng isang bata.
Bagamat may iba’t ibang maaaring sanhi ng kawalan ng gana ng isang bata, ang pinakamahalaga ay makagawa ng paraan upang sila ay kumain pa rin.
Ang sumusunod ay ilang paraan para sa pampagana kumain ng bata.
Panatilihin ang nakagawiang oras sa pang-araw-araw na pagkain o maging sa meryenda. Makatutulong ito upang malaman ng kanilang katawan ang mga oras na sila ay malapit ng magutom. Mapapanatili nito ang gana kumain ng bata.
Iwasan din sa mga oras ng pagkain ang pagbubukas ng telebisyon o iba pang maaaring makakuha ng atensyon ng bata. Tandaan na madaling malihis ang atensyon ng bata na magiging sanhi ng pagtigil sa kinakain nito.
Ang almusal ay mahalagang oras ng pagkain sapagkat ito ang unang pinagkukuhanan ng lakas ng isang tao. Tulad sa mga bata, ang almusal ang naghahanda sa kanilang katawan para sa mga gawain sa isang araw.
Iwasang pilitin ang bata na kumain kung hindi sila nakararamdam ng gutom. Maaari lamang itong pagmulan ng problema na mas magpapalala sa kawalan nila ng gana.
Maaaring maghain lamang ng katamtamang dami ng pagkain upang hindi mabigla ang bata. Hayaan na lamang sila na manghingi muli kung nais pa nilang kumain.
Maaaring bigyan ng isang basong tubig sa umaga ang bata bago kumain. Ang tubig ay makatutulong upang ma-boost ang gana ng bata.
Ang kakulangan ng zinc ay maaaring maging sanhi ng pagkawala ng gana, pagbaba ng timbang, pagtatae, at pagtaas ng tyansa sa mga impeksyon. Habang ang kakulangan sa iron naman ay maaaring magdulot ng anemia na nakaaapekto sa gana ng bata.
Sa oras ng pagkain, huwag hayaan na tumutok ang bata sa paggamit ng mga gadgets habang kumakain. Ipaliwanag sa kanila na ang oras ng pagkain ay ilaan lamang sa pagtapos ng kinakain at maging oras para magsama-sama ang pamilya.
Gayundin, ituro sa mga bata na huwag aalis sa hapagkainan hanggat hindi pa tapos kumain ang lahat.
Hindi makatutulong sa pagkakaroon ng gana kumain ng bata ang suhol o reward o parusa. Halimbawa ay magkakaroon sila ng sorbetes kapag nakasubo sila ng tatlong beses o hindi sila makakanood kapag hindi sila kumain.
Maaaring makasanayan lamang ito ng bata na magreresulta sa mas mabigat na problema.
Makatutulong din kung hahayaan ang bata na sumama sa pamimili ng mga sangkap at pagkain kapag ikaw ay mamimili. Huwag din bibili ng pagkaing hindi naman nila gusto.
Bilang mas nakatatanda, kinakailangan na mas mahaba ang pasensya upang matulungan ang bata na magkaroon ng gana kumain. Gayundin, mainam kung magiging mabuting halimbawa sa mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita sa mga bata na ikaw mismo ay kumakain ng masusustansyang pagkain.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap