Ang acid reflux ay isang kondisyon kung saan ang acid sa iyong tiyan ay dumadaloy paitaas ng iyong esophagus at lalamunan. Ang medikal na termino para dito ay gastroesophageal reflux disease (GERD) at nailalarawan ito sa pamamagitan ng paulit-ulit na mga insidente ng reflux. Isang kilalang sintomas ng acid reflux ay heartburn. Burning sensation ito sa itaas na bahagi ng thoracic part ng acid backflow. Ayon sa mga eksperto, ang diet ay isang mahalagang kadahilanan para sa GERD. Ano ang mga pagkaing pampawala ng acid reflux?
Ang iba pa sa mga sintomas ay ang pagkakaroon ng mga sumusunod:
- Paos na boses
- Mabahong hininga
- Pagduduwal (nausea)
Posible ring makaranas ng paulit-ulit na sinok, pati na rin ang dry cough.
Ang GERD ay sanhi ng paghina o pinsala sa lower esophageal sphincter (LES) na nakalagay upang pigilan ang mga nilalaman ng tiyan at ang mga acid mula sa pag-agos pataas sa iyong lalamunan kapag hindi ka nakatayo.
Huwag mag-alala, ang paggamot sa acid reflux ay nagsasangkot ng pamumuhay at diet nang higit pa sa maraming gamot o mga invasive na pamamaraan. Malaki ang halaga ng pagsasagawa ng mas mainam na mga pagpipilian para sa acid reflux.
Mayroon ba Akong Acid Reflux?
Tulad ng nabanggit sa itaas, ang heartburn ay kadalasang parang init o apoy sa gitna ng iyong dibdib. Nagdudulot ito ng metallic na panlasa sa bibig na nagmumula sa backflow ng acid mula sa tiyan. Ito ang kilalang sintomas ng acid reflux o GERD.
Dahil ang acid reflux ay backflow ng acid sa tiyan, karaniwan na lumalala ang mga sintomas pagkatapos kumain o kapag hindi ka nakatayo tulad ng paghiga o pagyuko.
Ano ang mga Sanhi ng Acid Reflux?
Sa pagkakaalam natin, ang acid reflux ay may iba’t ibang sanhi, na-ti-trigger, o lumalala. Gayunpaman, ang muling paglitaw nito ay walang malinaw o eksaktong dahilan.
Maaaring mag-trigger ng heartburn at acid reflux ang ilang partikular na pagkain.
Kabilang sa mga karaniwang pagkaing nagiging sanhi nito ay ang mga sumusunod:
- Carbonated na inumin o softdrinks
- Kape
- Alak o alkohol
- Tsokolate, at mga mataba o maanghang na pagkain.
Ang iba pang sanhi ng paglala ng acid reflux ay ang pagiging sobra sa timbang, pagbubuntis, o labis na stress at pagkabalisa. Ang ilang gamot ay maaari ring magpalala ng acid reflux.
Kailan Ako Dapat Magpatingin sa Doktor?
Ang punto kung saan dapat kang magpatingin sa isang propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan ay kapag ang mga pagbabago sa pamumuhay at diet ay hindi na epektibo at gumagan nang maayos. Kapag ang iyong heartburn ay nangyayari sa karamihan ng mga araw sa isang buwan o higit pa, dapat ka ng kumunsulta sa isang doktor.
Ang mga karagdagang sintomas tulad ng pagbara ng pagkain sa iyong lalamunan, kahirapan sa paglunok ng pagkain, pagkakasakit, o pagbaba ng timbang nang walang dahilan ay mga senyales din kung kailan ka dapat humingi ng medikal na tulong.
Maaaring magreseta ang doktor ng mga antacid upang mabawasan ang produksyon ng acid sa tiyan. Ang mga antacid na ito ay maaaring omeprazole at lansoprazole. Ang mga ito ay nakatutulong mapagaan ang mga sintomas ng heartburn at matutulungan ka ng doktor na maibsan ang iyong mga reflux triggers.
Paano Maiiwasan ang Acid Reflux?
Ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang acid reflux ay sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung ano ang sanhi nito. Mahalagang bigyang-pansin at obserbahan ang mga nararamdaman ng iyong katawan.
Nakatutulong na magtago ng isang food journal upang maitala mo kung ano ang iyong kinakain sa anong oras at kung ano ang iyong nararamdaman. Sa pagsubaybay sa pagkain at pagpansin kung ikaw ay nakararamdam ng heartburn, maaari mong piliin kung anong mga pagkain ang sanhi ng iyong heartburn at kung anong pagkain ang dapat mong iwasan.
Ano ang Nagdudulot ng Acid Reflux?
Ang high-fat na pagkain ay maaaring makapagparelaks sa lower esophageal sphincter o LES. Sa pagrerelax na ito, ang acid ng tiyan ay dumadaloy pabalik. Ang mga ito ay tumatagal din ng mahabang panahon upang magtunaw at magdeposito sa iyong tiyan upang mabawasan ang iyong kabuuang pang-araw-araw na pagkonsumo ng fat (total daily fat intake).
Magiging kapaki-pakinabang para sa iyo kung iiwasan ang pagkain ng fast food tulad ng:
- Onion rings o french fries
- Full-fat dairy na produkto (gatas, keso, mantikilya, o maging ang mga byproduct ng mga ito tulad ng ice cream, sour cream)
- Pritong pagkain o fatty na produkto ng karne (kabilang ang bacon, ham, at lard).
Ang mga citrus na prutas at kamatis ay masustansiya ngunit acidic din. Ang mga prutas tulad ng orange, grapefruit, lemon, kalamansi, pinya, kamatis, at mga byproduct ng mga ito ay maaaring maging sanhi ng paglala ng iyong heartburn.
Maaari ring magpalala ng GERD ang tsokolate dahil naglalaman ito ng methylxanthine na nakakarelaks sa smooth muscles ng LES upang paganahin ang reflux.
Ang maanghang na pagkain, at ilang partikular na mga pampalasa tulad ng bawang o sibuyas, ay maaaring magdulot ng reflux sa karamihan ng mga tao. Kung kaya, nararapat na obserbahan at bantayan kung isa ka sa kanila.
Ang isa sa mga kilalang nagdudulot ng acid reflux ay ang caffeine. Gayunpaman, kung palagi kang umiinom ng kape, siguraduhing dahan-dahan mong i-cut out ito sa iyong diet. Maari ring uminom ng mas kaunting acidic na kape upang maiwasan ang mga sintomas ng withdrawal.
Ang personal intolerance tulad ng gatas, gluten, mint, at iba pampalasa ay maaari ring mag-ambag sa pagpapalala ng iyong GERD.
Ano ang mga Pagkaing Pampawala ng Acid Reflux na Sintomas?
Bagama’t hindi mapapagaling ng mga pagkain ang iyong acid reflux, ang ilan ay nakatutulong na mapawi ang mga sintomas at maiwasan ang paglala ng kondisyon.
Maaari maging benepisyal para sa iyo na dagdagan ang iyong pagkonsumo ng mga gulay. Ang mga gulay ay mababa sa fat at sugar. Nakatutulong ang mga ito na bawasan ang produksyon ng acid sa tiyan. Ilan sa mga maaring pagpipilian ay kinabibilangan ng:
- Asparagus
- Green beans
- Cauliflower
- Broccoli
- Pipino
- Iba pang madadahong gulay
Ang mga prutas ay mabuti rin para sa iyo. Ngunit dahil ang mga citrus na prutas ay maaaring maging trigger, maaaring subukan ang mga hindi citru na prutas. Ito ay tulad ng mga melon, saging, mansanas, at peras bilang mahusay na mapagkukunan ng mga bitamina at micronutrients.
Ang luya ay kilala rin upang mabawasan ang pamamaga. Ito rin ay aktwal na nagsisilbing natural na gamot para sa mga problema sa gastrointestinal kabilang ngunit hindi limitado sa heartburn.
Ang oatmeal ay hindi lamang paboritong almusal ng marami kundi isang kamangha-manghang pinagmumulan ng fat. At ang mga whole grain na produkto at isang high-fiber diet ay naglalagay sa iyo sa mababang panganib ng acid reflux.
Ang mga lean meat at pagkaing-dagat ay mababa sa taba at binabawasan ang ikli ng kanilang mga sintomas. Gayunpaman, dapat mong iwasan ang mga inihanda na may maraming mantika, kaya umiwas sa pritong pagkain at mga pag-iihaw, pagbe-bake, o poaching.
Para sa protina, ang mga puti ng itlog ay isa ring magandang opsyon ngunit dahil ang pula ng itlog ay mataas sa fat, mangyari ring umiwas ka sa mga iyon.
Para sa fat, nararapat na pumili ng mas masustansiyang mga opsyon tulad ng:
- Avocado
- Flaxseed
- Walnut
- Sesame
- Olive oil
- Sunflower oil
Kapaki-pakinabang para na bawasan mo ang iyong pagkonsumo ng mga saturated fats at trans fats. Ito ay dahil ang mga iyon ay nagdedeposito sa iyong tiyan nang mas matagal.
Key Takeaways
Sa kabuuan, iwasan ang mga pagkaing nagdudulot ng mga sintomas ng acid reflux. Iwasan ding kumain sa gabi o kahit 4 na oras bago matulog. Mangyari ring iwasan ang paggamit ng mga masisikip na damit sa may baywang. At maging ang paninigarilyo at pag-inom ay iwasan rin.
Pumili ng healthier lifestyle sa pamamagitan ng masustansiya at kontroladong portion ng pagkain ng mas madalas (small, frequent meals). Maghanap ng mga paraan upang itaas ang iyong dibdib at ulo kapag nakahiga at subukang makakuha ng mas malusog na timbang at routine sa araw-araw.
Isinalin mula sa Ingles ni Fiel Tugade.
[embed-health-tool-bmi]