Ano nga ba ang pagkain para sa gout? Paano makabubuti sa kalusugan ng isang tao ang paggamit ng mga pagkaing ito?
Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa gout.
Ano ang gout?
Ang gout ay resulta ng akumulasyon ng matutulis na urate crystals sa’yong joint. Bilang resulta ng mataas na lebel ng uric acid sa’yong dugo. Sinasabi na ang uric acid ay ginawa ng iyong katawan para masira ang substances na tinatawag na purines. Kung saan, natural ito na matatagpuan sa ating katawan. Karaniwang natutunaw ang uric acid sa dugo— dumadaan sa bato, at sa’yong ihi. Ngunit kung minsan, pwede itong mabuo kapag ang katawan ay gumagawa ng masyadong maraming uric acid. O masyadong kaunti ang nailalabas ng iyong bato (kidney).
Nagiging sanhi ng pananakit ng kasukasuan at pamamaga. Walang gamot sa gout. Subalit, pwede itong gamutin at i-manage ang iyong kondisyon. Sa pamamagitan ng pagkonsumo ng pinakamahusay na pagkain para sa gout.
Sinasabi na ang gout ay isang komplikadong anyo ng arthritis na kadalasang nagdudulot ng matinding sakit at discomfort. Ang mga apektadong kasukasuan ay pwedeng maging pula, namamaga, at inflamed. Ito ay nagreresulta sa isang limited range ng paggalaw. Makikita na ang pag-atake ng gout ay pwedeng mangyari ng biglaan. Karaniwan itong nakakaapekto sa kasukasuan na matatagpuan sa base ng hinlalaki sa paa. Masasabi rin na ang gout pain ay maaari ring tumama sa mga kasukasuan ng mga pulso, daliri, siko, tuhod, at bukung-bukong.
Pagpaplano ng Iyong Gout Diet
Ang iyong pagkonsumo ng pagkain, edad, kasarian, timbang, family history ng gout, paggamit ng ilang partikular na gamot, o pagkakaroon ng isang umiiral na kondisyong medikal. Kung saan, ang lahat ng ito ay pwedeng magpapataas ng posibilidad ng pag-atake ng gout. Maaari mong simulan ang pagbabawas ng risk ng gout. Sa pamamagitan ng pamamahala ng iyong pagkain at pagtutok sa — best food para sa gout, pangalawa: pagkain na mababa sa uric acid.
Narito ang ilang rekomendasyon para sa’yong gout food plan.
Pagkain para sa gout: Karne
Limitadong serving ng portions ng baboy, baka, tupa, o iba pang pulang karne.
Pagkain para sa gout: Isda at pagkaing-dagat
Sinasabi na ang moderate serving ng isda at ilang uri ng seafood ay pwede maging bahagi ng iyong food plan.
Pagkain para sa gout: Mga gulay
Ang ilang mga gulay ay may mataas na antas ng purine tulad ng asparagus at spinach. Subalit ang mga ito ay ligtas na kainin. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga gulay na ito ay hindi nagpapataas ng risk ng pag-atake ng gout.
Alak
Makikita na ang alkohol ay nagdaragdag ng risk ng pag-atake ng gout. Bagaman ang katamtamang pag-inom ng alak ay hindi nakadaragdag. Limitahan ang alkohol, lalo na ang beer, sa pagitan ng mga pag-atake. Lubusang iwasan ang alkohol sa panahon ng pag-atake ng gout.
Mga pagkain at inuming pinatamis ng asukal
Ang limitadong serving ng matamis na pagkain tulad ng kendi at mga baked goods ay maganda. Pwede itong ihain sa isang small portion ng fruit juices.
Kape
Sinasabi ng ilang pag-aaral na ang moderate consumption ng kape ay pwedeng mabawasan ang risk ng gout. Bagaman kung mayroon kang iba pang mga kondisyong medikal. Pinakamahusay na kumunsulta sa’yong doktor tungkol sa tamang dami ng caffeine na maaari mong inumin.
Pagkain para sa gout: Cherries
May katibayan na ang pagkain ng cherries ay nakakabawas sa risk ng pag-atake ng gout.
Vitamin C
Ang pagkain ng food na mayaman sa vitamin C ay pwedeng makatulong na mapababa ang antas ng uric acid sa’yong katawan. Maaari ka ring kumunsulta sa’yong doktor kung paano pwedeng mag-fit ang supplements ng vitamin C sa’yong plano sa pagkain at mga gamot. Kung mayroon ka man.
Sa iyong gout diet goal, dapat na kasama dito ang pagbaba ng timbang, pagkonsumo ng complex carbs, at pananatili na hydrated. Kumain ng mas kaunting shellfish at organ meat, lalo na ang atay.
Pinakamahusay na Pagkain para sa Gout
Para matulungan kang simulan ang iyong gout diet plan. Narito ang isang listahan ng mga pagkain na pwedeng makatulong na mapababa ang iyong uric acid levels:
- mansanas
- cherries
- berries
- coconut
- mga gulay tulad ng leeks, sibuyas, kintsay, olives, at parsley
- gatas at mga produkto nito
- white bread
- keso
- mga buto at mani
- crackers
- grains
- white rice
- mga cereal
- molasses
Key Takeaways
Tandaan na habang ang goal ay magbawas ng timbang at maiwasan obesity. Ang matinding pagbaba ng timbang ay hindi maganda. Kung masyadong mabilis ang pagpayat— ang epekto nito ay pagtaas ng uric acid, at mauuwi lamang ito sa gout attack.
Kailangan mong magbawas ng timbang nang unti-unti. Habang tine-take ang iyong medications at supplements na may kaayusan. Para maiwasan ang mga sintomas ng gout. Uminom ng maraming tubig at regular na mag-ehersisyo. Dahil ang isang malusog na pamumuhay ay hindi lamang hahantong sa pag-iwas sa gout. Malaki ang pakinabang nito sa’yong pangkalahatang kalusugan.
Matuto pa tungkol sa Mga Espesyal na Diyeta dito.
[embed-health-tool-bmi]