Malaki ang papel ng pagkain na kinakain pagdating sa iyong kalusugan. Bagamat totoong hindi mapipigilan ng pagkain ang cancer, mapapababa naman ng mahusay na pagkain panlaban sa cancer ang posibilidad na magkaroon nitong sakit.
Ano ang pinakamahusay na pagkain panlaban sa cancer?
Pagdating sa pagkain panlaban sa cancer, marahil narinig mo nang binabanggit ang salitang “phytochemical.” Tinatawag na phytochemical, na kilala rin bilang phytonutrients, ang mga compound na matatagpuan sa mga halaman na pinaniniwalaang nakakaiwas sa cancer.
Ito ang dahilan kung bakit plant-based ang mga pagkaing nakalista dito, dahil naglalaman ang mga plant-based na pagkain ng maraming sustansya at mga compound na nagpapanatili sa iyong malusog.
Bagamat totoong mabuti para sa iyo ang pagkain nito, mahalaga pa ring kumain nang katamtaman. Maaaring magsanhi ng pagtaas ng timbang at iba pang suliranin ang labis-labis na pagkain, kahit na masustansya pa ang pagkain. Kaya bukod sa pagkonsumo ng mga tamang pagkain, siguraduhin ding sundin ang tamang dami ng kinakain sa bawat meal.
Narito ang ilan sa mga pinakamahusay na pagkain panlaban sa cancer:
1. Mga gulay na cruciferous
Isa sa pinakamahusay na pagkain panlaban sa cancer ang mga gulay na cruciferous. Kabilang sa mga gulay na ito ang broccoli, bok choy, repolyo, cauliflower, arugula, at marami pang iba.
Natuklasan ng mga mananaliksik na naglalaman ang broccoli ng sulforaphane, isang compound na may kinalaman sa pagpapababa ng panganib sa prostate cancer. Bukod pa rito, naglalaman din ng fiber ang mga gulay na cruciferous, na may ilang ebidensyang nagsasabi na nakatutulong itong makaiwas sa colon cancer.
Bukod sa mga benepisyong ito, nagtataglay din ng maraming vitamins at minerals na kinakailangan ng katawan ang mga gulay na cruciferous. Kaya magandang ideya parati na isama ang ilan sa mga gulay na ito sa iyong mga pagkain.
2. Karot
Kilala ang karot na nakatutulong sa pagpapabuti ng paningin ng isang tao. Ngunit alam mo ba na kabilang din sa pinakamahusay na pagkain panlaban sa cancer ang karot?
Natuklasan ng mga pag-aaral ang kaugnayan ng beta-carotene, isang pigment na matatagpuan sa mga karot, sa pagpapababa ng posibilidad na magkaroon ng prostate at breast cancer. Bukod pa rito, nakikitang may kinalaman din ang karot sa pagpapababa ng panganib sa mouth, lung, esophageal, stomach, at colon cancer.
Dahil sa mga benepisyong ito nagiging magandang karagdagan ang karot sa diet kung nais na mapabuti ang sariling kalusugan.
3. Mga berry
Masustansyang meryenda ang mga berry, tulad ng mga blueberry, cherry, at cranberry. Mababa ang mga ito sa asukal at naglalaman ng maraming mahahalagang vitamins at minerals na kailangan ng katawan.
Bukod pa rito, isa rin ang mga berry sa pinakamahusay na pagkain panlaban sa cancer. Naglalaman ang mga berry ng ellagic acid, na napag-alaman na lumalaban sa carcinogens. Bukod sa ellagic acid, naglalaman din ang mga berry ng antioxidant na kilala bilang pterostilbene. Ayon sa pananaliksik na ginawa sa antioxidant na ito, nakatutulong ito panlaban sa breast, cervical, lung, at colon cancer.
4. Sibuyas at bawang
Madalas ginagamit ang sibuyas at bawang sa Pilipinas, at mayroon nito ang karamihan sa mga pagkaing kinakain natin. Bukod sa pagiging pangunahing sangkap sa kusina, kabilang din ang sibuyas at bawang sa pinakamahusay na pagkain panlaban sa cancer.
Ayon sa National Cancer Institute sa US, maaaring makatulong ang sibuyas at bawang na mapababa ang panganib ng esophageal, breast, stomach at colon cancer. Dahil ito sa kanilang mga anti-inflammatory properties at sulfur-containing compounds na pumipigil sa mga carcinogen.
5. Walnuts at iba pang mani
Isa pang magandang karagdagan sa iyong diet ang mga walnut kung nais mabawasan ang panganib sa cancer. Dahil naglalaman ang mga walnut ng isang uri ng phytochemical na tinatawag na polyphenol na mayroong antioxidant properties. Bukod dito, naglalaman din ang mga walnut ng omega-3 fatty acids na maaaring makatulong na maiwasan ang mga pamamaga.
Mayaman din sa polyphenol at sa omega-3 fatty acids ang iba pang mga mani, tulad ng cashew, almond, hazelnut, at pecan.
Mas magandang alternatibo sa pagkain ng chips ang mani. Naglalaman ang mga ito ng masusustansyang compound. Wala itong karagdagang asin, taba, at iba pang preservative na makikita sa chips.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmr]