Mahalaga ang pagkakaroon ng balanseng diyeta upang maging malusog ang ating pangangatawan. Kaya naman marami ang nagtatanong kung mabisa ba ang mga cleanse sa pag-alis ng toxins at taba na mula sa’ting katawan. Sa katunayan, mayroon tayong iba’t ibang “detoxification” na diets, regimens, at therapies na tinatawag na “detoxes” o “cleanses”. Kung saan ito ay nagmumungkahi ng isang paraan upang alisin ang mga toxin sa’yong katawan, magbawas ng timbang, at mag-promote ng mabuting kalusugan. Ngunit ang tanong ay mayroon bang katotohanan ang claim at kabisaan ng mga detox at cleanse?
Alamin sa artikulong ito.
Mabisa ba ang mga cleanse?
Makikita na sangkot sa karaniwang detox at cleanse diet ang mga sumusunod:
- Fasting
- Pagkakaroon ng strict diet sa pagkain ng prutas, gulay, tubig, at juices
- Paggamit ng dietary supplements at iba pang komersyal na produkto
- Paggamit ng herbs
- Pag-cleanse o paglilinis ng colon (lower intestinal tract) sa pamamagitan ng laxatives, enemas, o colon hydrotherapy na tinatawag na “colonic irrigation” o colonics
- Pagbabawas sa environmental exposures
- Pagpunta o paggamit ng sauna
Ayon na rin sa mga pag-aaral at ilang artikulo na ang ideya sa likod ng detox at cleanse diets ay upang linisin o i-purify ang ating katawan at maiwasan ang mga problema gaya ng pagkapagod, pagsakit ng ulo, at pagduduwal.
Ayon sa artikulong “Are Detox Diets Safe” ang basic idea sa likod ng detox at cleanse diets ay para maglinis o purify ng katawan upang maiwasan ang mga sumusunod na problema:
- Pagkapagod
- Pagsakit ng ulo
- Pagduduwal
Gayunpaman, nanatili pa rin na walang sapat na katibayan kung mabisa ba talaga ang detox at cleanse diet, dahil kulang pa rin ang mga “human research” para sa detox diets. Dagdag pa rito, wala pa ring conclusive medical evidence ang nagsasabi na ang detox o cleanse diet ay nakapagbibigay ng benepisyo sa ating digestive tract.
Bakit nagkaroon ng paniniwala ang tao na mabisa ang mga cleanse?
Isa sa mga posibleng dahilan kung bakit maraming tao ang naniniwala na mabisa ang detox at cleanse ay dahil sa deskripsiyon nitong may kakayahan itong linisin ang ating katawan at tanggalin ang mga toxin na taglay ng isang tao. Ang claim na ito ay nanatili pa ring walang kasiguraduhan dahil sa kakulangan ng pag-aaral. Subalit marami pa ring mga tao ang naniniwala sa claim at mga benepisyo ng detox at cleanse diet.
Maaaring mawalan ka ng ilang pounds sa paggamit ng diyetang ito. Pero tandaan mo na malaki pa rin ang posibilidad na bumalik ka sa dati mong timbang at mas madagdagan pa. Sa dahilan na ang cleanse diet ay hindi epektibo para sa paghahangad ng isang tao na magkaroon ng long-term weight loss, dahil ang timbang na nawala mula sa’yo ay resulta lamang ng pagkawala mo ng tubig, carbohydrates stores, at dumi o feces na muling babalik sa’yo kapag ikaw ay bumalik na sa iyong regular diet.
May kakayahan ba ang ating katawan na maglinis ng sarili?
Nakadisenyo ang katawan ng tao upang linisin ang kanyang sarili. Ginagawa ito ng katawan sa pamamagitan ng pagproseso ng mga toxin ng ating bato at atay. Pagkatapos, inilalabas ito sa anyo ng dumi, ihi, at pawis.
Ang mga toxin ay maaari nating makuha sa mga pagkain, hangin, tubig, kalikasan/environment, at mga kemikal na ginagamit ng tao sa paghahanda ng pagkain. Ang mga ito ay nagsisilbing mga lason na nakakaapekto ng masama sa ating kalusugan. Maganda kung mailalabas ito ng ating katawan.
Key Takeaways
- Pag-inom ng maraming tubig
- Pag-eehersisyo
- Angkop na diyeta
- Pagkakaroon ng healthy lifestyle
Ipinapayo na magpakonsulta ka sa doktor upang makahingi ng gabay at medikal na payo sa kung paano magbabawas ng timbang at ano ang angkop na diyeta para sa’yo.
Matuto pa tungkol sa Mga Espesyal na Diyeta dito.
[embed-health-tool-bmr]













