Ang hypothyroidism ay isang pangkaraniwang kondisyon kung saan may kakulangan ng thyroid hormone sa katawan. Sa ganitong kondisyon, ang thyroid ay hindi nakakapaggawa sapat na thyroid hormone. Tinatawag din itong underactive thyroid. Ang kondisyong ito ay maaaring makapagpagpabagal ng iyong metabolismo, na siyang magdudulot ng dagdag sa timbang. Ang pangunahing paggamot para sa hypothyroidism ay hormone replacement therapy, ngunit pwedeng makatulong sa sintomas ang mga pagkain para sa hypothyroidism.
Worldwide, ang pinakakaraniwang sanhi ng hypothyroidism ang iodine deficiency. Para naman sa Estados Unidos at lugar na may iodine intake, isang autoimmune disorder (Hashimoto disease) naman ang karaniwang sanhi ng hypothyroidism. Maaaring ito ay makuha rin pagkatapos ng operasyon kung saan tinatanggal ang thyroid o kung biglaang tinigil ang pag-iinom ng thyroid hormone.
Ilan sa mga sintomas ng hypothyroidism ay:
- Pagkapagod
- Pagiging sensitibo sa lamig.
- Tuyong balat o dry skin
- Pagdagdag ng timbang
- Paglagas ng buhok
- Pagkaantok
- Pamamaos
- Panghihina o pagsakit ng kalamnan
- Pagkadalang pagpawisan
- Pagkapaos
- Pagkalabo ng mata
- Pagkawala ng gana kumain
- Pagkamaga ng paligid ng mata
- Pagkapaos o pagbaba ng boses
- Pagiging makakalimutin
Mga pagkain para sa may hypothyroidism
Walang specific na diyeta para sa mga taong may hypothyroidism, ngunit may mga ilang pagkain na makakatulong sa sintomas ng hypothyroidism. Mayroon ding pagkain na may interaksyon sa mga gamot na iniinom para sa kondisyong ito. Ang ilang mga pagkain ay maaaring magpabuti ng ilang mga sintomas, habang ang iba ay maaaring magpalala o makagambala sa paggamot.
Idagdag ang sumusunod na pagkain sa iyong diyeta:
Tuna
Maswerte ka kung mahilig ka sa seafood. Ang tuna at iba pang pagkaing dagat ay maaaring maging kapaki-pakinabang para sa mga may thyroid disorder. Ang tuna ay mayaman sa selenium, iodine, at tyrosine, lahat ng sustansya na kailangan para sa produksyon ng thyroid hormones. Hindi lamang tinutulungan ng selenium na i-convert ang T4 sa T3, pinoprotektahan din nito ang thyroid gland mula sa pinsala sa free radicals dahil ito ay isang antioxidant. Ang thyroid ay nangangailangan ng parehong tyrosine at iodine upang makagawa ng thyroid hormones.
Mani
Ang mga mani tulad ng Brazil nuts, Hazelnuts at Macadamia nuts ay mayaman sa selenium. Ayon sa isang pagsusuri na inilathala noong 2017 sa International Journal of Endocrinology, ang selenium ay tumutulong upang gumana ng maayos ang thyroid. Masarap na ilagay ang mga maning ito sa mga salad o stir-fries.
Tinutulungan ng selenium na buhayin ang mga thyroid hormones upang magamit ang mga ito ng katawan. Ang mahalagang mineral na ito ay nagtataglay ng mga benepisyong antioxidant. Nangangahulugan na maaari nitong protektahan ang thyroid gland mula sa pinsala ng mga free radicals. Ang pagdaragdag ng mga pagkaing mayaman sa selenium sa iyong diyeta ay isang mahusay na paraan upang pataasin ang antas ng selenium sa iyong katawan.
Talaba
Ang oysters ay mayaman sa zinc. Isa itong partikular na sustansya na maaaring makatulong sa mga taong may mababang antas ng thyroid hormones. Isang pag-aaral ang nagpakita na ang pagdaragdag ng zinc sa katawan, nag-iisa man o kasama ng selenium, ay nakapagpabuti ng paggana ng thyroid sa mga babaeng may hypothyroidism.
Gayunpaman, kung mayroon kang hypothyroidism, maaaring kumain ng mayaman sa zinc tulad ng oysters at iba pang shellfish, karne ng baka, at manok.
Iba pang Pagkain Para sa Hypothyroidism
Ang iba pang mga pagkain na dapat idagdag mo sa iyong diyeta dahil makakabuti sa paggamot ng hypothyroidism ay ang sumusunod:
- keso
- gatas
- iodized salt
- isda galing sa tubig-alat
- seaweed
- buong itlog
Kung may mga pagkain na makakatulong sa sintomas ng hypothyroidism, meron ding mga pagkain na dapat iwasan o bawasan ang kain. Ilan na dito ang broccoli, tokwa, toyo, soy milk, at processed foods.
Key Takeaways
Gayunpaman, hindi basta-basta dapat magdagdag ng iodine sa iyong diyeta kung hindi naman inirekomenda ng doktor. Tandaan, ang benepisyal na mga pagkain, kapag sobra ay hindi parin maganda.
Kumonsulta sa doktor bago baguhin ang diyeta, lalo na kung may gamot o maintenance na iniinom para sa hypothyroidism.
[embed-health-tool-bmr]