Iba’t ibang uri na ng diet ang sumikat at nakilala sa mga nagdaang panahon. Totoo na kung gusto mo na pumayat, may mga restrictions na kailangan mong sundin. Ang mga extreme diet o meal plan na nagsasabing may mabilis na resulta sa loob lang ng ilang araw ay simpleng fad diet.
Suriin natin ang Filipino Whole30 diet at meal plan sa artikulong ito.
Ano ang Filipino Whole30 diet meal plan?
Ang Filipino Whole30 diet plan ay nai-publish sa isang libro na isinulat nina Melissa at Dallas Hartwig.Unang inilabas noong 2009, ang libro ay nakilala bilang isang diet na “nagbabago ng buhay. Ayon sa opisyal na website ng Whole30, ang diet at meal plan ay pagkain lamang ng mga whole food tulad ng karne, gulay, at shellfish sa loob ng 30 araw.
Pinapayuhan din na kainin lamang ang pagkain nang walang complicated ingredients (o walang ingredients list). Dahil ang Filipino Whole30 diet ay isang restrictive diet o meal plan, may mga uri ng pagkain na kailangan mong iwasan sa isang buong buwan, kabilang ang pagkain na may refined sugar.
Ang mga sumusunod ay hindi pinapayagan sa Filipino Whole30 meal plan:
- Mga matatamis tulad ng maple syrup, honey, coconut sugar, at stevia
- Alcoholic na inumin, kahit sa pagluluto
- Mga grain tulad ng bigas, mais, millet, quinoa, at buckwheat
- Sulfites, carrageenan, at MSG
- Lahat ng dairy
- Legumes
- Mga na-bake na pagkain o kaya junk foods
Ang mga pagkain na pinapayagan sa ilalim ng diyeta na ito ay ang mga sumusunod:
- Taba
- Prutas at gulay
- Isda
- Karne
- Poultry
Anu-ano ang mga benepisyo sa kalusugan ng FilipinoWhole30 diet?
Ang Whole30 diet at meal plan ay diumano’y nag-aalok ng napakaraming benepisyo sa kalusugan sa loob ng 30 araw nang hindi kumakain ng alinman sa mga ipinagbabawal na pagkain.
- Tumulong na matukoy ang anumang food intolerances na maaaring nagdulot ng hindi kanais-nais na mga sintomas
- Pagtaas ng mga antas ng enerhiya
- Pagpapabuti ng kutis
- Mas mabuting matulog
- Pagbaba ng timbang
- Pagpapabuti ng kondisyon sa kalusugan
- Hindi gaanong madalas na mga “cravings” sa unhealthy food
Sino ang dapat sumubok ng Filipino Whole30 diet meal plan?
Sinasabi na ang whole diet meal plan ay isang epektibong paraan ng weight loss at malaman ang food intolerances. Nakakaakit para sa mga gustong maging physically fit at may food allergies. Gayunpaman, sa kabila ng convincing set-up, ang Filipino Whole30 diet ay hindi aprubado ng mga health professionals.
Sa kabila ng katanyagan nito, ang Whole30 diet ay itinuturing na isang “fad diet,” isang uri ng diet o meal plan na ibinebenta upang matiyak ang mabilis na mga resulta.Naglalaman din ang mga fad diet ng mga claim na kulang sa siyentipikong suporta at kadalasan ang mga label sa pagkain ay “masama” at “mabuti”. Iiwasan o aalisin ang “masama” sa buong duration ng diet.
Batay sa pamantayang sa itaas, maliwanag na ang Whole30 ay isang fad diet.
Karaniwang hindi hinihikayat ng mga medical experts ang mga tao na sumunod sa mga fad diet dahil karamihan sa mga pagkain na inalis sa meal plan (tulad ng mga carbs) ay mahahalagang bahagi ng balanced diet.
Anu-ano ang disadvantages ng Whole30 meal plan?
Ang paghihigpit sa iyong diet ay maaaring maging unhealthy
Sa loob ng 30 araw, maaaring madaling makasunod sa mga ipinagbabawal ng diet. Kaya lang, ang paghihigpit sa iyong diet ay maaaring maging binging pagkatapos, na ibig sabihin malamang na bumalik din ang lahat ng timbang na nawala sa iyo.
Ang ilan sa mga ipinagbabawal na pagkain ay susi sa isang balanced diet
Kabilang dito ang dairy, grains, at legumes ay nagtataglay ng mga nutrients tulad ng fiber at calcium.
Ang mga fad diet ay maaaring humantong sa unhealthy social habits
Ang pagsunod sa diet tulad ng Filipino Whole30 diet ay maaaring magkaroon ng kakaibang epekto sa iyong pang-araw-araw na gawi at maging sa mga relasyon sa iba. Maaaring panghinaan ka ng loob na kumain kasama ng mga kaibigan o mahal sa buhay dahil sa takot na hindi masunod ang diet.
Key Takeaways
Ang Whole30 diet ay isang fad diet na kung saan may mga pagkain na hindi pwedeng kainin sa loob ng 30 araw pabor sa ‘tunay na pagkain’ tulad ng karne, gulay, manok, prutas, at isda.Sa kabila ng mga sinasabi ng diet at mga positibong testimonial, palaging pinakamahusay na kumunsulta sa isang doktor o dietician bago sumubok ng bagong meal plan.
[embed-health-tool-bmr]