backup og meta

Diet Para Sa Mataas Na Uric Acid: Paano Pababain Ang Lebel Nito Sa Pamamagitan Ng Pagkain

Diet Para Sa Mataas Na Uric Acid: Paano Pababain Ang Lebel Nito Sa Pamamagitan Ng Pagkain

Ikaw ba ay may hyperuricemia, isang kondisyon kung saan may mataas na uric acid sa katawan? Ano ang sanhi nito at ano-ano ang mga negatibong epekto nito sa katawan? At higit sa lahat, mayroon bang diet para sa mataas na uric acid? Alamin sa artikulong ito ang mga kasagutan sa mga katanungang ito.

Hyperuricemia At Ang Mga Epekto Nito Sa Katawan

Ang uric acid ay ang dumi na pinoprodyus ng katawan kapag tinutunaw natin ang purines, na maaaring mula sa iba’t ibang mga pagkain, tulad ng mga lamang-dagat, mga  lamang-loob, red meat, at mga pagkain at inuming mataas sa fructose corn syrup.

Karamihan sa uric acid ay natutunaw sa dugo at saka nasasala sa bato at nailalabas mula sa katawan sa pamamagitan ng ihi.

Kung masyadong maraming uric acid ang nasa loob ng katawan, ito ay nagreresulta sa hyperuricemia, na maaaring humantong sa maraming mga problema sa kalusugan tulad ng mga sumusunod:

  • Gout. Ang masyadong maraming uric acid ay maaaring maging dahilan ng pamumuo ng mga tila kristal na maaaring manatili sa mga kasukasuan, na nagiging sanhi ng masakit na gouty arthritis.
  • Kidney stones. Ang mga tila kristal ay maaaari ding manatili sa bato at maging dahilan ng pamumuo ng renal stones.

Kung hindi ipagagamot, ang gout ay maaaring maging sanhi ng permanenteng pinsala sa mga kasukasuan at buto. Ang kidney stones naman ay maaaring humantong sa sakit sa bato na maaaring makaapekto rin sa puso.

Diet Para Sa Mataas Na Uric Acid

Ang gamutan para sa mataas na uric acid ay nakadepende sa epekto nito sa katawan. Kung ikaw ay may gouty arthritis, maaaring resetahan ka ng doktor ng gamot para sa pamamaga at pananakit. Kung ikaw ay may kidney stones, maaaring hindi ka bigyan ng anumang gamot dahil ang maliliit na bato ay kadalasang lumalabas mula sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi. Gayupaman, para naman sa mas malalaking bato na nagresulta na sa mga senyales at sitomas, maaaring isaaalang-alang ang operasyon.

Sa anumang mga kaso, ang diet para sa uric acid ay makatutulong. Narito ang ilang mga tuntuning kaugnay nito:

1. Limitahan ang pagkain ng mga pagkaing mataas sa purine

Isa sa mga pinakamahalagang tuntunin sa isang diet para sa mataas na uric acid ay ang paglimita sa pagkain ng mga pagkaing mataas ang purine. Kabilang dito ang mga sumusunod na pagkain:

  • Mga lamang-loob, tulad ng atay
  • Ilang mga lamang-dagat, tulad ng tuna, anchovies, herring, shellfish, hipon, at sardinas
  • Red meat
  • Mga pagkaing mataas sa fat, tulad ng bacon
  • Mga produktong gawa sa gatas
  • Alak
  • Mga matatamis na pagkain at inumin

Tandaan:

Kung iyong mapapansin, ilan sa mga pagkaing mataas sa purines ay itinuturing na masusustansya. Halimbawa: ang atay ay magandang mapagkukunan ng iron at ang mga lamang-dagat ay mahusay na mapagkukunan ng omega-3 fatty acids. Kaya naman, hindi kinakailangang ganap na iwasan ang pagkain ng mga ito. Kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa servings ng mga ito na maaari mong kainin.

2. Magtuon sa mga pagkaing mababa sa purine

Ang diet para sa mataas na uric acid ay nakakahikayat na magtuon sa mga pagkaing mababa sa purine. Ang pagsasagawa nito ay makapagpapabuti sa lebel ng iyong uric acid.

Kabilang dito ang mga sumusunod na pagkain:

  • Mga produktong fat-free, o low-fat kung fat-free ay hindi opsyon
  • Karamihan sa mga mani, kabilang na ang peanut butter
  • Karamihan sa mga prutas at gulay
  • Whole grains

3. Planuhin ang mga kakainin upang makontrol ang timbang

Ang mga tuntunin sa diet para sa mataas na uric acid ay maaaring makapagtiyak ng ilang mga pagkaing maaaring pagtuonan ng pansin at mga dapat limitahan. Gayunpaman, mahalagang tandaang ang pagkontrol sa iyong timbang sa pamamagitan ng diet (at ehersisyo) ay ang kinakailangang prayoridad.

Ang pagtaas ng timbang ay nakapagpapataas din sa tyansa ng pagkakaroon ng gout. Kung ikaw ay mayroon nito, ang pagiging overweight at obese ay maaaring makapagparami sa dalas na makaranas ng paglala ng sintomas.

[embed-health-tool-bmi]

4. Isaalang-alang ang pag-inom ng kape araw-araw

Tila ang kape ay hindi mabuti para sa mga taong may hyperuricemia dahil ito ay acidic. Subalit ayon sa mga ulat, ang pag-inom ng kape araw-araw ay nakapagpapababa sa lebel ng uric acid dahil napabibilis nito ang rate ng paglalabas ng mga dumi.

Kung planong uminom ng kape araw-araw, mahalagang kumonsulta muna sa iyong doktor.

Key Takeaways

Ang hyperuricemia ay maaaring magresulta sa maraming mga problema sa kalusugan, kabilang na ang gouty arthritis at kidney stones. Mabuti na lamang, ang diet para sa mataas na uric acid ay maaaring makatulong sa pagkontrol nito. Kabilang sa mga tuntunin ay pagtuon sa pagkain ng mga pagkaing mababa ang purine, limitadong pagkain ng mga mataas sa purine, pagkontrol ng timbang, at marahil kung pinayagan ka ng iyong doktor, araw-araw na pagkakape.

Matuto pa tungkol sa Mga Espesyal na Diyeta dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

High Uric Acid Level, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17808-high-uric-acid-level#:~:text=If%20too%20much%20uric%20acid,kidneys%20and%20form%20kidney%20stones., Accessed June 6, 2022

Which Foods are Safe for Gout?, https://www.arthritis.org/health-wellness/healthy-living/nutrition/healthy-eating/which-foods-are-safe-for-gout, Accessed June 6, 2022

Gout Low Purine Diet, https://my.clevelandclinic.org/health/treatments/22548-gout-low-purine-diet, Accessed June 6, 2022

Gout diet: What’s allowed, what’s not, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/gout-diet/art-20048524, Accessed June 6, 2022

Uric Acid (Blood), https://www.urmc.rochester.edu/encyclopedia/content.aspx?contenttypeid=167&contentid=uric_acid_blood, Accessed June 6, 2022

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement