backup og meta

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?

Dapat may may cheat day para sa mga nagdi-diyeta. Hindi madali ang pagsunod sa mahigpit na diyeta. Subalit sabi nga nila, ang susi sa matagumpay na healthy eating ay ang paglabag dito, kahit isang araw sa isang linggo. Ang paglalaan ng cheat day ay naging tanyag kamakailan para sa mga nagnanais mapanatili ang isang malusog na pamumuhay. Bagamat nakakatulong ito, mahalaga pa rin ang magkaroon ng disiplina upang kumain sa tamang paraan anumang araw. Kung hindi, malamang na masayang lang ang iyong pinaghirapan. Habang nagiging epidemya ang problema sa katabaan, dumarami naman ang mga paraan upang magpapayat. Mahirap ang pumili ng tamang proseso ng pagpapapayat ngunit mas mahirap ang pagsunod dito sa mahabang panahon.

Dapat may cheat day: Mga dahilan

Dagdag motivation

Ang pagkakaroon ng regular na nakaiskedyul na cheat day bawat linggo ay maaaring maging mabuti para sa pagbaba ng timbang dahil:

  • Maaari nitong pigilan ang binge-eating
  • Pagbabawas ng cravings
  • Pagbibigay ng mental break mula sa pagdidiyeta
  • Pag-iimprove ng metabolismo kung ito ay ginagawa sa isang malusog na paraan

Marami kang dapat isakripisyo lalo na sa mga pagpili ng mga pagkain kung nais mong pumayat. Kailangan ganap na iwasan ang mga junk, processed, prito at matatamis na mga pagkain. Ngunit ang pag-iwas sa masarap at katakam-takam na pagkain ay hindi madaling gawain. Ang pagkain ng iyong mga paboritong ulam paminsan-minsan ay maaaring makadagdag ng motivation para nagdi-diyeta. Sa paraang ito ay malalasap mo ang mga pagkaing gusto mo kahit isang araw man lang sa isang linggo.

Pampabilis ng metabolismo

Ayon sa pananaliksik, pinapataas ng katawan ang metabolismo nito matapos ang cheat day. Nagiging dahilan ito upang mas mabilis magsunog ng calories ang katawan. Ito ay sanhi ng pagtaas ng antas ng leptin, isang hormone na responsable para sa pagpapanatili ng balanse ng enerhiya sa katawan. Pagkatapos kumain ng mas marami kaysa karaniwan, pinapataas ng iyong katawan ang produksyon ng leptin ng hanggang 30 porsyento hanggang 24 na oras. Naniniwala ang mga psychologists at nutritionists na ang cheat meal ay nagpapahintulot sa mga indibidwal na kumain ng mas mahusay sa buong linggo. Ang nakaplanong cheat meal ay kadalasang nagbibigay-daan upang talikuran ang iba pang hindi planado na pagkain.

Dapat may cheat day dahil ang katawan ng tao ay lubos na nakaka angkop. Sinisikap ng katawan na mapanatili ang homeostasis. Gumagawa ito ng mga pagsasaayos sa iyong metabolismo at pagkasunog ng calories kapag kumain ka ng mas kaunti habang nagdi-diyeta. Sa kalaunan ay maaabot mo ang isang plateau sa pamamagitan ng pagsunod sa parehong ehersisyo at diyeta. Magiging normal ang iyong diyeta. Upang patuloy na makakita ng mga resulta kailangan mo ang isang cheat meal.

Pampataas ng leptin, pampababa ng ghrelin

Dapat may cheat day dahil ito ay nakakatulong magpataas ng leptin at nagbabawas ng ghrelin. Ang pagkakaroon ng lingguhang cheat meal ay maaaring magpabalik sa mga antas ng hormones sa kabila ng isang mababang calorie na diyeta. Ang leptin ay gumaganap ng kritikal na papel sa pag-regulate ng balanse ng enerhiya at gana ng katawan. Ito ay kumikilos sa hypothalamus sa utak upang pigilan ang gana sa pagkain at pasiglahin ang aktibidad. Sa madaling salita, sinasabi nito sa iyong utak na ikaw ay busog na at dapat kang mag-ehersisyo.

Ang ghrelin ay nagpapasigla sa gana at nagpapalabas ng growth hormone. Sinasabi nito sa iyong utak na ikaw ay nagugutom. Ipinakita ng mga pag-aaral na ang mga low-calorie diet at talamak na low-intensity exercise ay maaaring magpapataas ng produksyon ng ghrelin. Maaari itong humantong sa pagiging magana sa pagkain at pagtaas ng timbang.

Dapat may cheat day: Sundin ang 80/20 Rule

Bagama’t ang mga cheat days ay maaaring maging isang kapaki-pakinabang na paraan upang maiwasan ang binge-eating, hindi ito dapat kawilihan. Kung madalas rin ang cheat day, makikita mo ang iyong sarili pabalik sa kung saan ka nagsimula, mabigat at mataba. Isa sa mabuting paraan upang magplano ng cheat meal ay ang 80/20 Rule. Kapag sinusunod ang panuntunang ito, 80 porsyento ng iyong kinakain ay dapat na masustansya at sumunod sa iyong plano sa pagkain. Habang ang iba pang 20 porsyento ay nagbibigay sa iyo ng kakayahang umangkop upang matugunan ang iyong mga pinananabikang mga pagkain.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

The skinny on cheat days

https://www.nm.org/healthbeat/healthy-tips/nutrition/the-skinny-on-cheat-days

Weight loss: How many cheat meals can you have in a week

https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/health-fitness/weight-loss/weight-loss-how-many-cheat-meals-can-you-have-in-a-week/articleshow/78320812.cms

Five tips for getting back on track after overeating

https://www.psychologytoday.com/us/blog/your-money-and-your-heart/201311/five-tips-getting-back-track-the-day-after-overeating

The benefits of cheating

https://www.nm.org/healthbeat/healthy-tips/nutrition/the-skinny-on-cheat-days#:~:text=The%20Benefits%20of%20Cheating,energy%20balance%20in%20the%20body.

Shoud you have cheat days or cheat meals

 

https://www.healthline.com/nutrition/cheat-meals

Kasalukuyang Version

02/08/2023

Isinulat ni Lovely Carillo

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Paano Makontrol Ang Cravings Kapag Umatake Ito

7 Pagkain Na May Vitamins Na Pampalakas Ng Baga


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lovely Carillo · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement