backup og meta

Atkins Diet Philippines: Epektibo Ba Ang Dyeta Na Ito?

Atkins Diet Philippines: Epektibo Ba Ang Dyeta Na Ito?

Ano ang Atkins diet Philippines?

Ang Atkins diet plan ay isang low-carb diet na tumutulong sa mga tao na magbawas ng timbang. Bukod dito, tinuturuan rin sila na kumain ng mas masustansyang pagkain. Maraming tao na ang sumubok nito bago pa mauso ang iba’t ibang fad diets. Effective ba ito? Paano ito sinusunod? Alamin natin.

Ang Atkins diet o Atkins Nutritional Approach ay isang low-carbohydrate diet program na orihinal na binuo ng cardiologist na si Robert C. Atkins noong 1960s.

Ang Atkins diet ay kilala na nagsimula sa trend ng low-carb diet.

Humihikayat sa mga followers nito na limitahan ang kanilang carbohydrate intake at dagdagan ang pagkain ng taba at protina.

Ano ang layunin ng Atkins diet Philippines?

Pangunahing layunin ng diet na ito na permanenteng baguhin ang paraan ng pagkain ng isang tao, pati na rin ang tulungang bawasan ang timbang at mag maintain ng healthy weight.

Bukod sa pagkakaroon ng kaaya-ayang hitsura at masarap na pakiramdam, gusto ng Atkins diet Philippines na bawasan ang risks ng chronic diseases tulad ng sakit sa puso, hypertension, at diabetes

Layunin ng Atkins diet Philippines na kumain ng mas malusog sa pamamagitan ng pagkain ng tamang dami ng carbohydrates, protein, at fat. Hindi ito high-protein diet, pero hindi ipinagbabawal na kumain ng fatty proteins.

Maari kang kumain ng complete and nutritious meals nang hindi ka gutom.

Sa paglipas ng mga taon, nagkaroon ng maraming pagbabago ang Atkins diet, tulad ng pagdagdag ng fiber-rich food intake.

Gayundin, ang diet plan ay kasalukuyang tumutugon sa mga taong sumusunod sa iba pang mga gawi sa pagkain tulad ng veganism at vegetarianism.

Nagsimula rin ang diet plan na ito na mag-target ng ilang partikular na kondisyon sa kalusugan na maaaring lumitaw sa simula ng low-carb diet journey ng isang tao.

atkins diet philippines

Apat na prinsipyo ng Atkins diet Philippines

Ang Atkins diet plan ay naninindigan sa science-backed core principles nito, kabilang na ang pagbaba ng timbang, pagpapanatili ng timbang, good health, at kagalingan, pati na rin ang pag-iwas sa sakit.

Weight loss

Nahihirapan ka ba na magpababa ng timbang? Subukan ang Atkins diet. Tutulungan ka nito na makahanap ng mga paraan kung paano magtagumpay sa pagharap sa mga hadlang.

Weight maintenance

Sa Atkins diet, may chance mapanatili ang timbang na pinaghirapan mo dahil hindi ka magpapagutom sa diet plan na ito, hindi katulad ng iba.

Bagama’t itinataguyod nila ang malusog na pagkain, makakain mo pa rin ang mga pagkaing nakasanayan mo, may paghihigpit nga lang. Tutulungan ka rin ng diet na ito na mahanap ang tamang level of carbohydrate para sa iyo, isang mahusay na paraan para mapanatili ang long-term healthy weight.

Good health and well-being

Sa Atkins diet, dahil susundin mo ang wasto at masustansyang diet at maaalis ang unhealthy food choices, makukuha mo ang tamang nutrisyon na kailangan ng katawan.

Nakakatulong ang Atkins diet na ma-stabilize ang blood sugar. Makakaramdam ng ginhawa bago mo pa maabot ang iyong weight loss goal

Disease prevention

Ang mga taong may malalang sakit ay mapapansin ang pagbuti sa kanilang kalusugan sa pamamagitan ng pagsunod sa individualized controlled-carbohydrate nutritional approach. Ang pamamaraang ito ay nakakatulong sa pagpapabagal sa paggawa ng insulin. Nangangahulugan ito na maaari kang magsunog ng mas maraming taba sa katawan sa halip na iimbak ang mga ito.

Atkins diet at carbohydrates

Hindi kinakailangan ang pagbibilang ng calorie sa Atkins diet. Sa halip, ang monitoring ng iyong carbohydrates ang mahalaga.

Sa system na kilala bilang net carb, masusubaybayan mo kung gaano karaming carbs ang nasa iyong pagkain. Ang mga net carbs ay ang mga carbohydrate na maaaring makuha ng iyong katawan at ma-convert sa enerhiya.

Net carb system

Buong pagkain: Kabuuang carbohydrates – fiber = net carbs

Processed foods: Total carbohydrates – fiber- sugar alcohols (if applicable) = net carbs

Ang goal ay matrack ang iyong mga net carbs gamit ang Atkins diet approach. Ito ang tutulong sa iyo na matukoy ang bilang ng mga carbs na talagang kailangan mo nang hindi pumapayat o tumataba

atkins diet philippines

Phases ng Atkins diet Philippines

May dalawang uri ang Atkins approach na pwede subukan: ang Atkins 20 o ang Atkins 40.

Ang Atkins 20 o Atkins 40 ay ang bilang ng mga net carbs na kailangan mong ubusin sa isang araw.

Kung ang 20 grams ng net carbs ay masyadong mahirap para sa iyo, maaari kang magsimula sa Atkins 40.

Phase 1 Introduction

Sa unang phase ng Atkins 20, strictly na pwede ka lang kumakain ng 20g ng net carbs bawat araw, hindi hihigit, hindi bababa.

Sa mga nag uumpisa pa lang, pwede mong makuha ang 12g to 15g ng net carbs mula sa foundation vegetables tulad ng lettuce, pipino, broccoli, okra, repolyo, kamatis, at talong.

Bukod dito, kailangan mo rin ng mga protina tulad ng manok, isda, pulang karne, itlog, at keso, pati na rin ang mga good fats at oils tulad ng mayonnaise (walang asukal), mantikilya, olive oil, vegetable oil, at canola oil.

Sa phase na ito, tandaan na hindi maaaring kumain ng maraming uri ng prutas, mani, matamis na pagkain, grains, pasta, tinapay, at alkohol.

Tandaan din na ang pwede lang inumin ay ang mga kasama sa plan tulad ng unsweetened tea o soy/almond milk, decaffeinated coffee, at tubig.

Ang phase na ito ay humigit-kumulang dalawang linggo o higit pa (gamiting batayan ang iyong pagbaba ng timbang).

Phase 2 ( Ongoing weight loss)

Magpatuloy sa 12g hanggang 15g ng iyong mga net carbs mula sa mga foundation vegetables, ngunit maaari ka ring magsimulang magdagdag ng carb-rich foods sa iyong diet, tulad ng mga prutas at mani.

Maaari mo na ring unti-unting taasan ang iyong mga net carbs linggu-linggo mula 20g hanggang 25g

  • Prutas: berries, cantaloupe, at honeydew
  • Mga mani at buto: almond, pistachios, mani, cashews, atbp.
  • Mga katas ng prutas: lemon, kalamansi, at kamatis
  • Beans: kidney beans, pinto beans, chickpeas, atbp.

Sa phase na ito, subaybayan kung gaano karaming mga carbs ang maaari mong kainin habang pumapayat pa rin o pinapanatili ang carbohydrate balance.

Ang phase 2 ay maaring tumagal hanggang sa humigit-kumulang 5 hanggang 10 pounds ang layo mula sa gusto mong timbang.

Phase 3 (pre-maintenance)

Ang sa 3rd phase ay tungkol sa dahan-dahang pagbaba ng timbang para medyo maging pamilyar ka sa mga pagbabago sa iyong eating practices.

Dito, maaari kang magsimulang magdagdag ng 10g ng carbs bawat linggo hangga’t patuloy kang nababawasan ng timbang.

Maaari mong isama ang mga whole-wheat na produkto sa iyong diet. Kasama na rin ang mga starchy na gulay tulad ng carrots o kamote. Maaari ring magdagdag ng iba pang prutas sa iyong mga pagkain tulad ng pineapples, mangga, orange, at ubas.

Ang pre-maintenance phase ay tatagal hanggang maabot mo ang iyong weight goal at mapanatili ito ng isang buwan.

Kapag naabot mo na ito, ibig sabihin successful ka at nahanap mo na ang iyong level of carb tolerance.

Ang carb tolerance ay bilang ng net carbs na nakukuha ng iyong katawan nang hindi ka pumapayat o tumaba.

Phase 4 (Lifetime maintenance)

Nasa 40g hanggang 120g kada araw ang magiging average net carb kapag umabot ka sa phase 4.

Pero may mga factors na pwedeng makapagbago nito tulad ng iyong metabolismo, edad, kasarian, at level of activity.

Ang diet plan ng Atkins ay hindi talaga nakatuon sa ehersisyo, ngunit mabuting pagsamahin mo ang regular na ehersisyo sa diet na ito, malamang na magkakaroon ka ng mas mataas na level ng carb tolerance.

Sa phase 4 ng Atkins diet Philippines, tiyak na makikita at mararamdaman mo ang progress.

Ngunit mahalagang tandaan na ang diet na ito ay hindi lamang nakatuon sa pagbaba ng timbang, kundi pati na rin sa pagbabago ng paraan ng iyong pagkain at kung paano ka mananatiling malusog sa buong buhay mo.

Risks

Kahit na ang ilang mga pagsasaayos sa plano ng diyeta ay ginawa, sulit na malaman na, kapag sinimulan mo ang  Atkins diet Philippines, malamang na maramdaman mo ang sumusunod:

  • Pagkapagod
  • Paulit-ulit na pananakit ng ulo
  • Pagkahilo
  • Pagkahapo
  • Constipation

Tandaan dito na hindi angkop para sa lahat ang diet na ito.

Pinakamahusay na kumunsulta sa iyong doktor bago ito subukan, lalo na kung umiinom ka ng ilang partikular na gamot, tulad ng diuretics at gamot para sa diabetes.

Ang Atkins diet plan ay hindi para sa mga taong may malalang sakit sa bato. Kung ikaw ay buntis o nagpapasuso, iwasang subukan ang Atkins 20, at magpatuloy sa Atkins 40.

Key Takeaways

Ang Atkins diet Philippines ay mahusay hindi lamang para sa pagbaba ng timbang. Ito rin ay nakatutulong upang permanenteng baguhin ang iyong eating habits.
Ang pagsunod sa Atkins diet ay hindi lamang magpapaganda sa iyong hitsura at pakiramdam. Ito rin ay nakatutulong upang manatili kang malusog sa buong buhay mo.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Atkins Diet: What’s Behind the Claims? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/atkins-diet/art-20048485 Accessed September 14, 2020

The Atkins Diet: Getting Started, Staying Focused https://www.atkins.com/how-it-works/library/articles/the-atkins-diet-getting-started-staying-focused Accessed September 14, 2020

The Atkins Diet https://sphweb.bumc.bu.edu/otlt/mph-modules/ph/nutritionmodules/popular_diets/Popular_Diets3.html Accessed September 14, 2020

Atkins Diet https://www.sciencedaily.com/terms/atkins_nutritional_approach.htm Accessed September 14, 2020

Low-Carb, High- Protein Diet  https://www.health.harvard.edu/healthy-eating/low-carb-high-protein-diets Accessed September 14, 2020

Kasalukuyang Version

12/21/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Masustansya ba ang Meal Substitute?

"Dapat may cheat day": Ano nga ba ang Benefits ng Pagkakaroon Nito?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement