backup og meta

Ano Ang BRAT Diet? Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Ano Ang BRAT Diet? Lahat Ng Dapat Mong Malaman

Kung nakararanas ka ng sakit sa tiyan, (pagkahilo, pagsusuka, pagtatae), kadalasan ay wala kang gana kumain at nahihirapan kang tumunaw ng pagkain. Kung magpapatuloy pa ito, makararanas ka ng pagkapagod, kakulangan sa pagkain, at kakulangan sa tubig sa katawan. Upang malunasan ang ganitong kondisyon, nakabuo ng tinatawag na BRAT diet, na nakatutulong sa sakit sa tiyan. Ano ang iba pang mga benepisyo ng BRAT diet sa pagsusuka at pagtatae?

Ano ang BRAT diet?

Ang BRAT diet ay inirerekomenda sa mga taong nagsisimulang magpagaling mula sa pagkahilo, pagsusuka, o pagtatae. Isaisip na ang BRAT diet ay hindi para sa mga bata o matanda na palagiang sumusuka. Upang lubos kang matulungan, narito ang mga plano sa diet na maaari mong sundin:

Halimbawa ng plano sa diet

Unang 8 hanggang 12 mga oras

  • Kung huminto na ang pagsusuka, ipinapayo na hayaan mong makapagpahinga ang iyong tiyan upang tuluyang gumaling.
  • Matapos ang isa o dalawang oras, maaari kang lumagok ng kakaunting tubig o di kaya ay kumagat ng yelo. 

Para sa sunod na 12 hanggang 24 na mga oras

  • Kung naging mabuti na ang iyong kondisyon maaaring mas maraming malinis na tubig na ang iyong inumin.
  • Para sa pagsusuka at pagtatae, uminom ng mga inumin na may electrolytes, maiiwasan nito ang kakulangan sa tubig sa katawan. Narito ang mga ibang maiinom na maaari mong inumin: apple juice, flat soda, herbal tea, o di kaya ay ang non-greasy broth.
  • Tandaang huwag kumain sa loob ng isang oras dahil ang sintomas ng sakit sa tiyan ay maaaring bumalik.

Pangalawang Araw

  • Ito ang araw na sisimulan mo na ang BRAT diet para sa pagsusuka at pagtatae. Maaari kang magdagdag ng saging paunti-unti, kanin, applesauce, toast, at iba pang mga bland foods sa iyong diet.
  • Maliban sa kadalasang BRAT meal, pupwede ka ring kumain ng saltine crackers, cereal na walang gatas, at iba pang malalambot na pagkain.

Pangatlong Araw

  • Kung bumalik na sa normal ang iyong gana sa pagkain, maaari ka nang magdagdag pa ng ibang mga pagkain.
  • Maaari mong idagdag ang mga sumusunod na pagkain: poached o scramble na itlog, nilaga o steamed na puting karne (manok o pabo), nilutong carrots o patatas (walang balat) at nilagang mga prutas.

Anong mga Pagkain ang Dapat Iwasan?

Nakalista sa ibaba ang mga pagkaing dapat iwasan para makuha ang benepisyo ng BRAT diet:

  • Gatas at iba pang produktong dairy
  • Prito, mamantika, fatty, maanghang, at hindi lutong mga pagkain
  • Mga pagkaing pinatataas ang intestinal gas tulad ng broccoli, repolyo, cauliflower at beans
  • Citrus o mga prutas na acidic tulad ng mga orange, lemon, pinya at kamatis
  • Mga prutas na magpapataas ng gas at magdudulot ng sakit sa tiyan tulad ng ubas, cherry at mga berry na may buto
  • Inumin na masyadong mainit at malamig
  • Alak at kape

Kung patuloy na bumubuti ang iyong pakiramdam, maaari ka nang paunti-unting bumalik sa normal na diet ngunit alalahanin na ihuli sa listahan ng maaaring kainin ang gatas at iba pang produktong dairy.

BRAT Diet for vomiting

Ano ang kinakailangan tandaan

  • Laging uminom ng sapat na tubig, at ipagpatuloy uminom ng mga inuming may electrolytes upang mapalitan ang nababawas na tubig ng katawan.
  • Bigyan ang sarili ng sapat na panahon upang magpagaling, matulog, magpahinga hangga’t kailangan.
  • Huwag pilitin ang sarili na bumalik sa normal na gawain lalo na kung ang mga gawain ay humihingi ng higit na pisikal na lakas sa paggawa. 
  • Siguraduhin na agarang ipakunsulta ang pangangatawan, lalo na kung palagian ang pagsusuka o pagtatae. Mas mabuting malaman ang dahilan ng pagkakaroon ng ganitong kondisyon upang maiwasan ang paglala.
  • Humingi sa doktor ng mga maaaring lunas upang guminhawa ang kondisyon.
  • Inumin ang gamot sa tamang oras at bumalik sa doktor para sa follow-up check-up

Key Takeaways

Ang BRAT diet ay nakatutulong sa mga indibidwal sa pamamagitan ng pagsusuka at pagtatae. Ngunit, kung ang kondisyon ay nagpatuloy ng higit sa dalawang linggo, ang BRAT diet ay hindi na masosolusyonan ang problema. Ang diet na ito ay para lamang sa maikling panahon na paggamit dahil ito ay walang sapat na nutrisyon upang bumuti ang pakiramdam ng isang tao. Ang mahabang panahon ng paggamit ng diet na ito ay maaaring magdulot ng kakulangan sa nutrisyon at kakulangan sa calories na maaaring magpalala ng iyong kalagayan.
Para sa mas mainam na resulta, ang BRAT diet ay kinakailangang may patnubay ng doktor, at kung kinakailangan, gamutan.

Alamin ang tungkol sa Healthy Eating dito.

Isinalin sa Filipino ni Jerra Mae Dacara

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

  1. BRAT Diet for Nausea, Vomiting, or Diarrhea https://www.oregonclinic.com/diets-BRAT Accessed September 2, 2020
  2. B.R.A.T Diet https://newscenter.sdsu.edu/student_affairs/healthpromotion/files/03710-BRAT_Diet_07-2012.pdf Accessed September 2, 2020
  3. BRAT Diet: Recovering from an Upset Stomach http://www.doctorfelton.com/UserFiles/Servers/Server_933644/Templates/BRAT-DIET.pdf Accessed September 2, 2020
  4. Treatment of Nausea, Vomiting, and/or Diarrhea: The “BRAT Diet” https://web.ccsu.edu/healthservices/healthtopicresources/thebratdiet.asp Accessed September 2, 2020
  5. BRAT Diet https://web.archive.org/web/20070220235256/http://www.med.umich.edu/1libr/pa/pa_bratdiet_pep.htm Accessed September 2, 2020

Kasalukuyang Version

11/21/2022

Isinulat ni Mayvilyn Cabigao

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

The Health Benefits Of Ginger (Luya)

Herbs for Migraines: Can Ginger Ease Migraine Pain?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Mayvilyn Cabigao · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement