Puwede bang pumayat nang walang ehersisyo o ito ay isang wishful thinking lamang ng bawat isa? Gugustuhin ito ng lahat ngunit sinasabi ng mga eksperto na ang pinaka epektibong diskarte sa pagpapapayat ay ang pagsabayin ang diyeta at ehersisyo. Ang iyong timbang ay balanse sa pagitan ng mga calories na kinakain mo at ng mga calories na iyong sinusunog. Papayat ka kung magsusunog ka ng mas maraming calories kaysa sa pinapasok mo sa katawan.Ibig bang sabihin nito na imposibleng pumayat ng walang ehersisyo?
Puwede bang pumayat nang walang ehersisyo: Dahilan
Mas makabubuti ang pagsabay ng diyeta at ehersisyo sa pagpapapayat. Ngunit para sa ilang mga tao, ang pisikal na aktibidad ay hindi isang opsyon kahit sinusubukang magbawas ng timbang. Maaaring may ilang dahilan kung bakit kailangan mong subukang magbawas ng timbang nang hindi nag-eehersisyo tulad ng:
- Mayroon kang pinsala na naglilimita o nagbabawal sa ehersisyo
- Naghahanda ka para sa ilang uri ng operasyon tulad ng knee replacement
- Mayroon kang masakit na mga kondisyon tulad ng arthritis o fibromyalgia
- May sakit na diabetes o hypoglycemia
- Wala kang motibasyon na mag-ehersisyo
Puwede bang pumayat nang walang ehersisyo: Mga paraan
Mag focus sa malusog na gawi
Sa halip na mag-diet kahit walang ehersisyo, mas mainam na mag-focus sa malusog na gawi. Tulad na lang ng pagkain ng mas maraming prutas at gulay. Isipin mo ang iyong mga pangmatagalang layunin. Kung araw-araw kang nasa timbangan ay mapapansin mong bumababa ang iyong timbang ngunit dahil ito sa tubig. Ang isang mas mahusay na diskarte ay tumuon sa mga lingguhang layunin sa timbang kumpara sa pang-araw-araw na pagtimbang. Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention ang malusog na pagbaba ng timbang ay isa hanggang dalawang pounds sa isang linggo,
Halimbawa, maaari kang magtakda ng layunin na mawala ang 10 porsyento ng iyong timbang sa katawan sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan. Kung tumitimbang ka ng 200 pounds, 20 pounds ang mawawala.
Puwede bang pumayat nang walang ehersisyo gamit ang tubig
Ang pagkonsumo ng mas maraming tubig ay isang paraan ng pagbaba ng timbang kahit walang ehersisyo. Tumutulong ang tubig na mabusog ka ng kahit di gaanong kumakain. Ang tubig ay 100 porsyento na walang calories. Tumutulong itong magsunog ng mas maraming calories at maaaring magbawas ng gana sa pagkain. Mas malaki ang mga benepisyo kapag pinalitan mo ng tubig ang mga inuming matamis upang mabawasan ang asukal at calories.
Narito ang ilang mga paraan upang madagdagan ang iyong pagkonsumo ng tubig:
- Magdala ng bote ng tubig saan man magpunta
- Magtakda ng iskedyul ng pag-inom ng tubig upang masigurado ang regular na pag-inom ng tubig
- Magdagdag ng mga hiwa ng prutas o gulay sa tubig upang magdagdag ng lasa sa tubig
- Kung nagtatrabaho ka ugaliing tumindig nang regular upang punuin ang iyong tubig at makapag lakad na rin
Puwede bang pumayat nang walang ehersisyo gamit ang fiber
Ang pagdadagdag ng fiber sa iyong diyeta ay makakatulong pang mabusog ka ng mas matagal. Ibig sabihin ay mababawasan ang iyong kinakain at pinapasok na calories sa katawan. Ang nirerekomendang serving ay 25 gramo ng fiber sa isang araw paa sa mga babae at 38 gramo ng fiber sa mga lalaki. Gayunpaman, nahihirapang ang karamihan na makakain ng kahit 10 gramo man lang ng fiber sa isang araw.
Ang mga pagkaing mayaman sa fiber ay ang sumusunod:
- Beans-may 15 gramo ng fiber sa isang baso
- Broccoli- may 5 gramo sa isang baso
- Peras- may 5 gramo ng fiber ang medium na peras
- Pomelo-may 6 gramo ng fiber ang isang buong prutas
- Sayote-may 2.2 gramo ang isang baso
- Saging-may 3.5 gramo ang isang malaking saging
- Mansanas-may 4.4 gramo ang medium na mansanas
Maglaro ng video games
Maglaro ka na lang ng video games kung itinatanong mo kung pwede bang pumayat nang walang ehersisyo. Sa ilang oras na paglalaro hindi mo namamalayan na ang dami mo na palang calories na sinunog ngunit hindi ka naman nag ehersisyo. Ayon sa mananaliksik mula sa Brigham Young University, maraming paggalaw ng katawan ang mga video games tulad ng Wii boxing oat PlayStation Dance Dance Revolution.
[embed-health-tool-bmr]