Ang prutas ay mahalagang bahagi ng isang malusog na diet upang mapanatili ang iyong timbang. Subalit, alam mo ba na may mga prutas na dapat iwasan kung ikaw ay nagpapapayat?
Bakit dapat may ang prutas sa iyong diet?
Ang mga prutas ay naglalaman ng mahahalagang bitamina, mineral, at antioxidant na nagpapalakas ng kalusugan. Tumutulong ito upang mapanatili ang maayos na paggana ng iyong katawan. Ito rin ay nagbibigay proteksyon laban sa mga nakakapinsalang free radicals.
Kailangan mong kumain ng isa’t kalahati hanggang dalawang tasa ng prutas bawat araw ayon sa food pyramid. Makakatulong ito upang mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng sakit sa puso, diabetes, cancer, at pamamaga.
Prutas para sa nagbabawas ng timbang
Ang prutas ay mayaman ito sa fiber kung kaya paborito itong pagkain ng mga gustong magbawas ng timbang. Gayunpaman, hindi lahat ng prutas ay pantay-pantay. Kung may mga prutas na nakakatulong magpapayat, mayroon ding mga prutas na dapat iwasan kung ikaw ay nagpapapayat.
Mahalagang alam mo kung aling mga prutas ang dapat iwasan at kung alin ang kakainin. Kapag sinusubukang magbawas ng timbang, pinakamahusay na bawasan o iwasan ang mga pagkaing siksik sa calories.
Calories at asukal ng prutas na dapat iwasan kung ikaw ay nagpapapayat
Hindi lamang ang bilang ng mga calories sa isang pagkain ang dapat mong isaalang-alang. Halimbawa, may mga prutas na mababa sa calories ngunit kulang sa sustansya gaya ng fiber at protina. Kapag pinili mo ang mga prutas na ito, maaari kang magutom agad at hindi mo mapigilan kumain uli.
Mayroon din namang mga prutas na mataas ang sugar content, o fructose na maaaring mag pagtaas ng timbang kung kumain ka ng sobra.
Hindi naman dapat ipag-alala ang asukal na taglay ng mga prutas. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagkonsumo ng asukal sa kanilang likas na pinagkukunan gaya ng prutas, ay hindi nakakaapekto sa kalusugan.
Mga prutas na dapat iwasan kung ikaw ay nagpapapayat
Mangga
Ang mangga ay nagtataglay ng hanggang 14% na asukal, o anim na kutsaritang asukal sa bawat tasa ng prutas. Ang isang katamtamang sukat na mangga ay may 202 calories. Hindi ito ang pinakamahusay na pagpipilian kung gusto mong magpapayat kung ibabase mo sa asukal at calories ng prutas na ito.
Gayunpaman, sinabi ng isang pag-aaral na maaari mong pigilan ang pagkonsumo ng mas marami kapag kumain ka ng preskong prutas gaya ng mangga bago ang isang full meal. Iwasan rin ang dried mango dahil ang isang tasa nito ay mayroong 510 calories at 106 grams ng asukal.
Passion Fruit
Masarap, ngunit isa ang passion fruit sa mga prutas na dapat iwasan kung gusto mong pumayat.. Ito ay may hanggang 11% na asukal, o pitong kutsarang asukal sa bawat isang tasa ng prutas. Ang passion fruit ay medyo mataas sa carbohydrates na umaabot 55 grams at calories na umaabot ng 229 calories sa bawat tasa nito.
Kahit hitik ito sa calories, kakailanganing mong kumain ng 12 prutas bago mapuno ang isang baso. Kung kaya mas mabuting limitahan mo sa pagkain nito. Ang pagkonsumo ng isang passion fruit sa isang araw ay katumbas lamang ng 17 calories.
Abokado
Isa ba ang abokado sa mga prutas na dapat iwasan kung ikaw ay nagpapapayat? Ang kalahati ng maliit na abokado ay may 0.66 grams ng asukal. Ang isang tasa nito ay may 218 calories ngunit 11.6 grams lamang na carbohydrates.
Ang mga abocado ay medyo siksik sa calories kung kaya medyo nakakataba ang pagkain nito. Marami namang taglay na “good fat” ang prutas na ito na maaaring makatulong sa pagpapababa ng bad cholesterol. Gayunpaman, mas mabuting iwasan ito o limitahan lamang ang pagkain nito.
Bananas
Ang saging ay paborito ng mga ayaw kumain ng kanin ngunit ito ba ay prutas na dapat iwasan kung ikaw ay nagpapapayat? Ito ay may hanggang 12% ng asukal o limang kutsaritang asukal sa bawat tasa.
Dahil sa taglay nitong 200 calories sa bawat tasa, ang saging ay makabubuti sa gustong magdagdag ng timbang. Subalit gaya ng abokado, mayaman din ito sa fiber kung kaya maaari mo ring kainin kahit ng may limitasyon.
Maging maingat palagi sa iyong kinakain!
Totoo na ang mga prutas ay may taglay na mas mababang calories kumpara sa iba pang pagkain. Ngunit kung idinadagdag mo ang prutas sa karaniwan mong kinakain, nagdadagdag ka lamang lang ng calories.
Ang susi ay pagpapalit. Kumain ng prutas sa halip na ilang iba pang mas mataas na calorie na pagkain. At sa pagpili ng prutas, siguraduhin ang may mga mababang calories at asukal.
[embed-health-tool-bmr]